BFAN : 41

59.1K 629 47
                                    

CHAPTER 41

FELISSE

                         "I''M SORRY, KLAUS..." I looked away dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko ang bagay na 'yon.

"Felisse, wala naman akong reklamo sa pagta-trabaho mo, e. Ang totoo n'yan, I like the way you work, but I think you're being harsh to yourself. Gabing gabi ka na umuuwi. Ni hindi ka na kumakain sa tamang oras. And now, you're drinking? It's not good for your health." Sermon niya sakin.

"Kaya ko naman,"

"Sa ngayon, oo. What? Hihintayin mo pang magkasakit ka? Stop drinking, Felisse," Inirapan ako nito.

Hinayaan ko siyang kunin ang mga iniinom ko. Nahuli niya kasi akong umiinom habang nagta-trabaho. Nababaliw na ata ako. Bakit ko ba naman kasi ginawa 'yon? Nakakahiya. Hindi porket kaibigan ko siya, magiging ganito na 'ko sa trabaho.

Pagod akong umupo sa pwesto ko.

Nasusuka na 'ko at nananakit na ang t'yan ko. Sinong hindi, e, araw araw ko nang ginagawang almusal, tanghalian, at hapunan ang alak. Halos hindi na 'ko kumakain at gabing gabi na kung umuwi.

Ayoko kasing maabutan si Logan nang gising. Gusto ko, pag-uwi ko ay tulog na siya. O hindi kaya dere-deretsyo na 'kong matutulog.

Hindi ko matanggap ang sinabi niya.

Bakit niya lulunukin ang gano'ng bagay? Okay lang sakanyang mag-loko ako kesa sa iwanan ko siya? Nababaliw na ba siya? Hindi ko lubos maisip na gugustuhin niya ang gano'ng sitwasyon! Na hahayaan niyang maiputan sa ulo ng asawa niya kesa mag-hiwalay kami!

Anong rason niya?

Natigilan ako nang may naramdaman akong malagkit sa pagitan ng hita ko. I know. It's my period. Mabuti naman at dumating na.

Kumuha ako ng napkin sa bag at dumiretsyo na sa restroom. I checked myself first. Daig ko pa naka-drugs sa itsura kong 'to. Malaki ang eyebags ko at talagang haggard! Ano bang nangyayari sakin? Hindi dapat ako yung nagdudusa nang ganito dahil hindi naman ako ang nag-loko!

"Sige. Magpaka-losyang ka," Inirapan ko ang sarili sa salamin.

I entered one of the cubicle. I checked my underwear and I was right. I have my period now.

"Ang sakit naman..." Nanginginig ang kamay ko nang haplusin ko ang puson. Nilagay ko na lang ang napkin dahil wala naman akong baong underwear. Uuwi na rin naman ako nang maaga mamaya.

Nanghihina akong lumabas ng cubicle to freshen up my face. I washed my face para mahimasmasan ako pero dumilin lang ang paningin ko.

Lasing na naman ako...

Binalikan ko ang pwesto ko. I worked my ass off so I could go home early. Nakita ko pang nakatingin sakin ang ibang mga empleyado bago ako pumasok sa office na binigay sakin ni Klaus. I know... pinag-uusapan ako dahil mukha akong sabog! At higit sa lahat, nahuli pa 'kong umiinom!

Pero ginagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko. Hindi pa ako pumapalpak.

Pero mali parin ako...

Mas tumindi lang ang sakit ng puson ko pero hindi ko na ito binigyan pa ng atensyon. It's all normal. Ganito naman talaga ako kapag may period. Hindi na ito bago pa sakin.

Maaga akong umuwi galing trabaho. Mas maaga pa sa uwi ni Logan kaya naman kampante akong umuwi dahil hindi ko pa siya makikita. I just don't want to see him. Nasisira ang araw ko at umiinit ang ulo ko.

"Mum!" Automatic na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang salubungin ako ni Ysrael.

"Baby ko..." Kinarga ko agad ito niyakap. "Pagod na pagod si mama buong araw. Buti na lang nand'yan ka," Hinalikan ko ang pisngi nito.

Bought for a NightWhere stories live. Discover now