BFAN : 42

59.6K 623 62
                                    

CHAPTER 42

FELISSE

"HANG OVER?" Bungad ni Klaus kinaumagahan. Pangisi ngisi ito na para bang walang problema kahit na naghiwalay sila ng girlfriend niya.

"Plus heartache," Humalakhak ako. "But I'm okay! Sanay na." I shrugged.

"Hindi ko kayo maintindihan ng pinsan ko. Bakit ba hindi niyo pag-usapan nang maayos 'yang problema niyo?" Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko sa sinabi niya.

I started to scan the files in front of me kahit na hindi ko 'yon naiintindihan dahil iba ang nasa isip ko.

About Logan and about what happened last night. Totoo kaya 'yon? Mahal niya ba talaga ako? May kasalanan ba talaga siya sakin? Sa video sa hotel, halos humiga na siya sa lobby kaya posible ang sinabi niyang rason sakin.

Tss. Ewan ko. Basta masakit parin.

Kagabi, pagkatapos kong umiyak iyak sa ilalim niya, siya na rin ang kusang lumayo sakin pero pilit niyang sinasabi na mahal niya ko.

Bakit kung kailan nagkakalabuan na kami tsaka niya biglang sinabi 'yon? Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin at paniniwalaan ko.

Kung talaga bang mahal niya ako o... kung sinabi niya lang 'yon para manatili ako.

Gusto ko munang umalis... o gusto ko nang umalis.

Si Elvira lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis. Ayokong isipin niya na nanalo siya. Na nagtagumpay siya sa panlalandi niya sa asawa ko. Ano, ako pa ang loser nito ngayon?

"Paulit ulit lang kung pag-uusapan namin." Sagot ko kay Klaus.

"Isn't that the point? Ulitin niyo nang ulitin hanggang sa maisip niyo kung ano talagang problema at kung anong dapat niyong gawin."

Nahagip ng mga mata ko ang tinta sa gilid ng hintuturo niya. Kusa akong napangiti nang makita kong meron siyang tattoo na betlog. Couple tattoo niya 'yon sa ex-girlfriend niyang tattoo artist.

"Tss. Ipapatanggal ko 'to," He rolled his eyes before he walked out.

He's bitter. Hindi niya kasi matanggap na iiwanan siya ng girlfriend niya. His girlfriend was so much in love with him. Hindi ko alam kung anong rason at nag-break sila. I don't want to ask Klaus either. Alam kong kahit hindi niya aminin, nasasaktan siya.

After ng work, dumiretsyo ako sa meet up namin ni Tintin. She wants to see me and I want to see her, too. Feeling ko lang... kailangan ko ng kausap.

Although, Klaus is a friend, but may sarili rin siyang problema ngayon. Ayokong sumabay.

I was about to enter the bar restaurant nang mag-narecieved akong message from Logan.

From : Logan

I'll cook. Do you have something in mind to eat?

Sumimangot ako nang makita ang text niya. Pinasok ko ang phone sa loob ng bag ko dahil wala akong balak sagutin si Logan.

Hindi talaga siya titigil, huh? Sinabihan ko na na hindi masarap ang luto niya pero gusto niya paring mag-luto?

Nakita ko si Tintin na nakaupo sa gilid at medyo likod. She's eating cake. Hindi ko alam na meron pala n'yan nito? Ngumuso ako. Dalhan ko kaya ang anak ko?

"Hi. Sorry, late ba 'ko?" Bumeso ako sa pinsan kaya nabaling sakin ang atensyon niya.

"Kakarating ko lang."

I shrugged. I placed my hand below my tummy nang kumirot 'yon. Still my period, I guess. Ang sakit, ha.

"Bakit parang ang tamlay mo?" Nag-taas ako ng kilay sa pinsan nang itanong niya 'yon.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon