BFAN : 15

49.3K 654 56
                                    

CHAPTER 15

FELISSE

 
   "GOOD AFTERNOON, Mrs. Rivera." Bati sakin ng guard nang pumasok ako sa building ni Logan. Ngiting ngiti ito sakin at mukhang nagpapalakas.

"Good afternoon din," Ngumiti ako pabalik bago nilagpasan siya.

Naaalala niya ako. Isang beses pa lang ako nakapunta rito kaya nakakagulat na naalala niya ako. Kung ako 'yon, hindi ko na naalala pa ang sarili ko.

"Good afternoon, Madame."
"Good afternoon po."
"Good afternoon, Miss Felisse."
"Good day, Mrs. Rivera."

Sunod sunod ang bati sakin ng ilan sa bawat dadaanan kong tao. Ni hindi ko na nagawang bumati pabalik at tipid na lang na ngumiti.

Hindi naman ako naligaw nang pumunta ako sa elevator ni Logan. May mga taong tumitingin sakin pero kapag tinitignan ko sila, nagpapatay malisya ang mga ito.

Umirap ako sa kawalan bago pumasok sa exclusive elevator ni Logan. Nagpahatid ako sa floor kung nasaan siya.

Malayo pa lang, may narinig na akong umiiyak!

"Sir, please!"

Bumagal ang lakad ko lalo na nang may nakita akong babaeng nakaluhod sa harapan ni Logan. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung anong nangyayari ngayon.

Naka-bra na lang ang babae at isang pencil skirt! Nakaluhod ito sa harap ni Logan at humahagulgol!

Nanlamig ang kamay ko bago nilipat ang tingin kay Logan. Mabilis ang pag-hinga nito at matindi ang pagkakasimangot habang nandidiring nakatingin sa babae.

Ilang beses akong napakurap nang makita kong may lipstick ang labi nito at tanggal ang ilang butones.

"Sir, I've been admiring you since then! That's why I worked here! Ilang taon akong nagpapapansin sayo tapos ano?! Biglang may asawa ka na?!" Nalaglag ang panga ko sa lakas ng sigaw nito.

Hindi siya pinansin ng asawa ko dahil natuon ang pansin nito sa sariling neck tie.

"Fuck. Look what you've done! You ruined my tie! My wife fixed this for me tapos guguluhin mo lang?!" Pumalingawngaw ang sigaw nito kaya pati ako ay napatalon sa gulat!

Bumaling ang tingin sakin ni Logan. Namilog ang mga mata niya nang makita ako.

Nagmamadali siyang lumapit sakin. Bumunggo pa siya sa kanto ng lamesa pero hindi niya na 'yon ininda kakamadaling lumapit sakin kahit na wala naman akong balak na umalis.

"Felisse, it's not what you think!" Bungad niya agad at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Nothing happened! It's not what you think!"

"H-huh—"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Please! Don't think of something else. Hindi gano'n 'yon. Walang nangyari, I swear. That girl was crazy that's why my neck tie is ruined!"

Lumayo siya sakin at pinakita ang neck tie niya. Tinignan ko naman 'yon at wala sa sariling hinaplos.

"Ikaw!" Natigilan ako nang sumigaw ang babae. Tumayo ito kaya nag-bounce ang malaki niyang dibdib. Umiiyak siyang lumapit sakin. "Kasalanan mo 'to! Lahat 'to, kasalanan mo!"

Napatili ako nang sinubukan niyang atakihin ako kung hindi lang siya naharan ni Logan.

"Akin si Logan! Akin siya! Mang-aagaw! Kasalanan mo 'to! Inakit mo siya! Sakin dapat siya! Ang tagal ko na siyang mahal pero bigla ka na lang sumulpot! Hayop ka! Malandi! Inakit mo siya! Malandi ka! Bayaran!"

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon