BFAN : 18

45.7K 714 26
                                    

CHAPTER 18

FELISSE

                  SUNOD SUNOD ang pagpatak ng luha ko habang nakatanaw sa asawa kong nagpapaalam sa parents niya. Kanina niya pa sinusubukan magpaalam sakin pero hindi ko siya pinapansin.

Tutuloy talaga siya. May conference meeting siya sa Sydney at kailangang kailangan daw siya ro'n.

Nagtama ang paningin namin. Umiwas agad ako ng tingin sakanya para ipakitang walang pakialam kahit na tuloy tuloy ang pag-agos ng luha.

Marahan siyang naglakad palapit sakin. Iwas na iwas akong tumingin sakanya kahit na noong kunin niya ang kamay ko. Nagpaubaya ako pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"I'll be back. Three days isn't that long." He said. Mariin ko siyang tinignan.

"Ayos lang sana kung hindi ako buntis, Logan. Ayos lang sana kung hindi ko pa ka-buwanan. Kahit isang buwan kang mawala, walang problema sakin pero ano? Aalis ka kung kailan ilang araw na lang lalabas na 'to!"

"Please, don't make this hard for me." Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"Lagi na lang ikaw? Paano naman ako?"

Mas lalong nanghina ang mga mata niya. Napailing ako nang naisip na kahit ano pang sabihin ko, tutuloy at tutuloy parin siya. Male-late na nga siya, e!

Tinalikuran ko siya at pumasok na lang sa bahay. Narinig ko pa ang tawag niya na hindi ko na pinansin pa. Katulad kahapon, umiyak ako sa kwarto niya sa pag-iisip na bigla siyang maaawa sakin o ano.

Pumunta ako sa banyo nang maramdaman kong naiihi. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makitang may maliit na bahid ng dugo ang underwear ko!

Kumabog ang dibdib ko sa takot. Para saan naman ito? Bakit may ganito?!

Hindi naman ito mens dahil ang konti at higit sa lahat, buntis ako!

Bumalik ako sa kama at natatakot na tumingin sa malaking bintana nitong kwarto ni Logan. Hinaplos ko ang t'yan nang maramdaman ko na masakit 'yon. Nanginginig din ang tuhod ko sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Aw..." I gripped the sheets nang humilab ang t'yan ko. Sunod sunod ang pag-hinga ko ng malalim.

Hindi pa naman siguro ako manganganak?!

Nanatili ako sa kwarto nang ilang oras pa dahil paminsan minsan lang naman sumasakit ang t'yan ko pero patagal nang patagal, sumasakit ito nang sumasakit!

"M-ma!" Sigaw ko nang hindi ko na makayanan. "Ma!"

Napaluhod ako sa gilid ng kama at yumuko roon dahil sa tindi ng sakit ng t'yan ko. Sunod sunod kong narinig ang yabag ng mga tao hanggang sa bumukas ang pinto.

"Felisse! What's happening?!" Boses iyon ni Mommy. Lumapit agad siya sakin.

"A-ang sakit po..." Nangilid ang luha ko.

"Oh my, God! You're in labor?!"

"What's happening?!" Umangat ang tingin ko at nakita ang Daddy ni Logan. Namilog ang mga mata niya nang makita akong nakalumpasay sa sahig.

"She's in labor!"

Natigilan ako. Labor?! Labor na ito?! Pero next week pa ang due date ko!

"K-kanina pa po 'to masakit," Sumbong ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"S-sorry po..."

Nagkakagulo sila. Sinabi nilang pauwiin si Logan pero hindi ko alam kung posible pa ba 'yon dahil nasa gitna na ng byahe.

Bought for a NightWhere stories live. Discover now