BFAN : 12

47.6K 736 47
                                    

CHAPTER 12

FELISSE

             "MR. RIVERA is married?!"

Patago kong tinignan ang tatlong babaeng nagkukumpulan sa bandang gilid. Kanina pa ako nanliliit dito dahil nasa gitna kami ni Sir Logan at kasalukuyan siyang pinapakilala ako.

Nakauwi na kami ng Pilipinas isang linggo matapos ang kasal namin. Pinakalat na agad ni Sir Logan ang kasal na ginawa between me and him. Hindi na nakapagtatakang pinag-uusapan nila kami ngayon.

"So, again, this is my wife, Felisse Rivera. You must respect her as much as you respect me. Whoever insults my wife in any offending words will face the consequences."

Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinila na ako paalis do'n.

May mga bumabati pa sa naging kasal namin pero hindi na 'yon pinansin pa ni Sir Logan kaya naman hindi ko na rin nagawang magpa-salamat sakanila.

"Uhm..." Natigilan ako at nilingon siya. Na exclusive elevator kami. Ang sabi niya, pamilya niya lang ang pwedeng sumakay dito.

"Hmm?" Hindi ko alam kung nilambingan niya ba ang boses niyang 'yon o gano'n talaga siya.

"Anong... uhm," Napakamot ako. "Anong trabaho ko?"

Pinilit kong itago sa mga mata ko ang kinang. Pangarap kong mag-trabaho sa ganitong kompanya kaya naman excited ako! Kahit anong trabahong pang-opisina ay gagawin ko!

"Trabaho?" Kumunot ang noo niya at hinila na ako palabas.

May malaking glass wall ang opisina niya. May living room at sa dulong gitna ay ang malaki niyang lamesa. Sa harap no'n ay apat na visitors chair.

"Oo. Magta-trabaho ako, hindi ba?" Inilahad niya sakin ang isa sa mga upuan sa visitor's chair habang naupo siya sa swivel chair niya.

"For what?" Takang taka niyang tanong.

"Huh? Kailangan ba may rason?" Hindi ko siya maintindihan.

"Well, at this point, yes. You will work for what?"

"L-libangan?"

"You don't have to work to pass the time, Felisse. You can... shop abroad or anywhere you want if you're bored. You've got the money." Nagkibit balikat ito.

"Pero hindi ko naman hilig ang shopping..." Ano naman kasing pake ko sa mga designer bags and branded clothes?

"At anong trabaho naman ang gagawin mo rito?" Nag-taas siya ng kilay. "Look, you don't have to work kung iniisip mo ang bills. There's no financial problem, Felisse. Isa pa, this company is yours too since you're my wife." Napalunok ako.

Akin... din ito? Sa isang iglap, naging gano'n? Pero wala akong interes sa pagma-may ari ng isang company.

"Wala sa mga nabanggit mo ang iniisip ko, Sir Logan. Ang gusto ko, mag-trabaho sa ganitong kompanya dahil ito naman talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko noon pa."

Hindi siya agad nakasagot.

"What did you call me?" Naningkit ang mga mata niya.

"Huh?"

"Did you just called me 'Sir Logan'?" My lips parted. Hindi ko maitanggi dahil malinaw naman sakanyang narinig niya ang sinabi kong 'yon.

"U-uhm..." Lumikot ang mata ko.

"Quit calling me that kind of pet name. Tss." Nakita kong umirap siya.

"Ano namang itatawag ko sayo kung gano'n?" Nag-taas ako ng kilay.

Bought for a NightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ