[Epilogue]

6.7K 172 39
                                    




Play the Video

---

[Cassandra]

"Ang ganda mo" napangiti ako ng malapad sa lalaking nasa aking harapan.

Gaano na nga ba katagal simula ng ngumiti ako ng tunay. mga ngiting walang bahid ng lungkot oh hinagpis.

Mga ngiting muling masisilayan sa aking mga labi.

Dahil ito sa lalaking nasa aking harapan.

"At ang gwapo mo" nakangiting tugon ko sa kanya at tulad nga ng pagkaka-kilala ko sa kanya matamis na ngiti ang itinugon nito sa akin.

"Malapit na hindi na ako makapag-hintay pa" nagpunta sya sa aking likod at niyakap nya ako ng buong pagmamahal sabay naming tinignan ang pareho naming repleksyon sa salamin.

*click*

napatingin kami kung san nang-galing ang tunog na iyon. at isang nakangiting Madeline ang nasilayan namin may hawak itong kamera at nakatingin sa amin.

"Ang ganda nyong pagmasdan. Sinong mag-akalang aabot kayo sa ganito?" pilyang wika sa amin ni Madeline pamuli kong pinagmasdan ang aming ayus sa salamin.

Napangiti akong muli sa aking nakita.

Tama nga si Madeline.

Sinong mag-aakalang aabot kami sa ganito?

Na aabot kami sa KASALAN.

Ang daming pinag-daanan halos hindi ko na maalala ang lahat pero sa mga nangyari yon may isang bagay akong kahit kaylan ay hindi ko makakalimutan. yon ay nung humarap sya sa kataas taasan upang humiling na hayaan na lamang kami.

Bakit at paano nya ginawa iyon?

Alam nyo bang sobrang paghihirap nya nun mga araw na nanatili sya sa aming mundo. mga araw na masasabi kong binalewala ko lamang sya pero ni isang saglit hindi nya pinaramdam sa akin na pagod at nahihirapan na sya.

Sa halip lalo pa nya akong inintindi at minahal sa mga nagdaang araw na iyon lalo kong napapatunayan sa sarili ko na totoo ang mga sinabi sa akin ni VLAD noon.

Na nagmahal na ako ng iba.

Nagmahal ako ng iba ng hindi ko namamalayan yon ay dahil ang buong atensyon ko ay nakay vlad lamang pero ngayon.

"Bakit nakangiti ka? nababaliw kana Cassie?" ipinatong nya ang baba nya sa kaliwang balikat ko at ngumiti ng pilyo.

"Baliw? Sino kaya ang baliw sa ating dalawa?" bigla syang tumayo pero nakayakap padin sya sa akin mula sa likod.

"Ikaw syempre naalala mo nun sinabi kong aalis na ako. hahaha!! umiyak kapa non at teka teka naalala ko pa ang mga sinabi mo" napasimangot ako sa sinabi nya pero sa loob loob ko masaya ako.

"Wag kang umalis! Kukulamin kita!" ginaya pa nya yung boses ko. napatawa ako sa sinabi nya.

Oo naalala ko din ang araw na iyon at grabe ang eksena nun araw nayon mismong araw na iyon niyaya nya akong magpakasal sa kanya.

Masyado ba kaming bata?

Mali sapat na ang edad namin dahil dito sa aming mundo.

KAPAG MAHAL MO. MAHAL MO.

Hindi man ako makapunta sa kanilang mundo para doon ikasal. Dito. Dito sa aming mundo kami ikakasal. Walang batas na kaylangan sundin.

At walang hahadlang na kahit na sino.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon