[13.2]

5.9K 77 3
                                    


--

Alison's Pov-

"Ikaw jan ako dito!"

"Pare bumili ka nga ng creep paper!"

"Hoy yung design para sa both nasan na"

Halos mabli na ang leeg ko hindi ko alam kung saan ko itutuon ang atensyon ko lahat ng aming kamag-aral ay nagkakagulo tila ba may malaking salo salo silang pupuntahan.

"Anung meron?" takang tanong sa akin ng aking kapatid.

"Hindi ko din alam ate"bulong ko sa kanya bilang sagot.

Pagdating kasi namin dito sa aming silid aralan ay nakita namin silang nagkakagulo.

"Excuse me lang. wag kayong humambalang sa daan" hawi sa amin ng isang babae.

"Ah anung meron?" hinawakan ko pa ito sa braso tumingin lang ito ay tinaasaan ako ng kanyang kanang kilay.

"Yung totoo? Sang mundo kayo galing?" tanong nya sa amin.

Nanlaki ang aming mga mata sa tinurang iyon ng mortal. Alam naba nito na isa kaming mangkukulam at hindi talaga kami mortal? Hindi maaari.

"Nevermind. Tumulong nalang kayo. Eto gupitin nyo toh gawin nyong bulaklak" may ibinigay itong makulay na papel sa akin. tinitigan ko lamang ang papel at takang tumingin sa kanya.

"Ano? Tatanga kalang gawin mo na!" sigaw nya napapitlag ako sa aking kinatatayuan ng sigawan ako nito.

Aba!! Sino sya para sigawan lamang ako ng bara bara. Tinignan ko ito habang naglalakad ito papunta sa pisara kung kaya.

*snap*

"Kyaaaah"

"Haahaha!! Anung ginagawa mo dyan Isabelle!" tatawa tawang wika ng isa naming kamag-aral.

"hihi" pilyang tawa ng aking kapatid. napangiti ako ng malapad sa aking nakita.

Napasubsob kasi ito sa sahig ng gamitan ko ito ng aking mahika.

"Hahaha!! Ilan nahuli mong palaka!" buska pa ng isa naming kamag-aral.

Tumayo lamang ang aming kamag-aral na galit na lumabas sa aming silid aralan.

"Yow! Pumasok na pala kayo" may kumalabit sa aking likuran. nagulat ako sa aking paglingon ng makitang malapit ang mukha ng tumawag sa akin.

Napalunok ako ng makita ko ang maamo nyang mukha.

-Raphael's Pov-

"Pare si Alison yon dba?" turo ni Justin sa may pinto ng classroom namin.

Napangiti ako ng makita sya na may hawak pang creep paper at nakangiti. kaya nun makalapit ako sa kanilang magkapatid.

"Yow! Pumasok na pala kayo" kinalabit ko pa sya tapos nilapit yung mukha ko sa kanya sakto naman paglingon nya face to face kami 3inches lang ata pagitan ng mukha namin.

napangiti naman ako ng makita ko syang napalunok at umiwas ng tingin na namumula ang mga pisngi.

"Oh nasan si Madeline?" tanong agad ni Justin.

"A-ah k-kasi" nanginginig na umpisa ni Alison.

"Ano naman sa inyo kung nasaan si Madeline?" napatingin ako sa nagsalita.

Si Cassandra naka cross-arms pa sya nakataas ang kanang kilay at seryosong nakasandal sa pader malapit sa amin.

"Wala naman namimiss ko na kasi si Madeline" prangkang sagot ni Justin mas lalong tumaas yung kilay ni Cassandra at naglakad papalapit sa kinalalagyan ni Justin naka cross arms padin sya.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon