[16.2] The Sad Truth

4.9K 80 5
                                    


-Cassandra's Pov-

Nagbibiro lang sya hindi ba?

Hindi totoo lahat ng yon tama ba?

"Ha-ha. Anu bang pinag-sasabi mo vlad? Hindi mo ko mahal? Wag ka namang magbitaw ng ganyang mga biro. Kasi hindi ako natutuwa. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang sakit dito oh" itinuro ko pa ang aking puso upang makita nyang nasaksaktan na talaga ako. Dahil hindi. hindi ako naniniwala. Hindi matanggap ng puso ko.

Hindi matanggap ng puso ko na ang lalaking lubos kong minahal at pinagbigyan ko ng aking puso ay nagawa akong pagtaksilan at lokohin ng ganito.

Hindi yon totoo. Walang pawang katotohanan lahat ng mga sinabi nya.

"Cassandra GINAMIT lang KITA. HINDI TOTOO lahat. Hindi kita MINAHAL"

Pakiramdam ko unti-unting napupunit ang puso ko.

Mas masakit pa ito nun namatay si Vlad.

Mali.

Hindi nga pala ito namatay.

"Pag-papanggap lang ba ang lahat?" hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang aking lakas upang makapag salita at manatili paring nakatayo sa kanilang harapan.

"Pag-papanggap?

OO Cassandra.

Pag-papanggap lang ang lahat ng iyon"

"mahal mo ako hindi ba?" hindi ako makapaniwala.

"Hindi kita mahal." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at dahan dahang tumalikod at naglakad na papalabas.

Hindi nya ko mahal.

Pang-papanggap lang ang lahat.

Hindi ko halos namalayan na nasa labas na pala ako.

Ulan.

Umuulan.

Ang sakit.

Hindi ko kaya.

-Alison's Pov-

Hindi namin maigalaw ang aming mga paa upang sundan ang aming kapatid nanatili kaming nakatayo at nakatingin lamang sa mga kataas taasang nilalang na galing pa sa aming mundo.

"anung nangyayari?"

"Sino ba sila?"

"Ang gulo"

Naririnig ko ang bawat bulungan ng mga mortal.

Halos lahat ng naririto ay nasaksihan ang nangyari.

"Joke joke" Nakatingin lamang ako kay Chambier. Habang inaanunsyo nito na pawang palabas lamang ang lahat ng nangyari.

Chambier.

Bakit nga ba hindi namin nahalata na ikaw yan?

Bakit mo toh ginagawa sa amin?

Anung kasalanan namin sa inyo?

Ah tama! Kami nga pala ang Crafts.

Ang mga witch na itinakwil dahil sa katigasan ng aming mga ulo.

Ngunit hindi ba.

Hindi ito dahilan upang patayin ng paulit-ulit ang puso at damdamin ni ate Cassandra?

-Madeline's Pov-

Tama nga ang kutob ni ate Alison na may hindi magandang mangyayari.

Nanatili kaming nasa gitna habang ang mga mortal ay ipinagpatuloy ang naudlot na kasiyahan.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon