[15] Second Day (Full Part)

5.5K 90 6
                                    



--

-Paul's Pov-

Second Day ng School Festival, kahapon maaga kaming umuwi kasi para mapahinga ko agad yung boses ko. ngayon 30 to 40 songs lang ang pwede irequest. Mamayang gabi kasi may Contest sa Gym at manunuod kami then bukas yung lang day ng School Festival sa gabi may party kaya bukas wala kaming tugtog pero pwede padin magrequest kaso hindi na kami ang kakanta recorded na yung mga tugtog galing sa cd.

Andito nako sa Booth namin wala naman dito yung apat na weird ang andito lang yung officers namin tapos yung mga kabanda namin. nakita ko si Andrea naka sandal sa couch at natutulog. Himala kasi hindi naman ganyan si Andrea anu kayang pinagkaabahalan nya kagabi at puyat sya?

"Paul" tawag sakin ni raph nakipag fist to fist lang ako sa kanya saka kay justin na sabukot naman yung mukha.

"Anong nangyari sayo. aga aga nyan ah?" tanong ko agad.

"Hindi kasi papasok sila sweetiepie eh!! ouch bakit ka nambabatok!!" sigaw nya sakin ampanget nagngunguso pa sya mukha syang timang nakatikim tuloy sya ng batok sakin.

"Anyare dyan? Bakit puyat yan?" tanong ko sa kanila habang nakaturo kay andrea.

"Baka nakipag date kagabi kay andrei?" sabi ni justin.

"Ah oo tapos naginom sila tapos nagkiss tapos tapos araaaaay bat ka nambabatok!" sigaw ni raph this time sya naman binatukan ko. green minded masyado.

"May sakit si andrea wag nyong gisingin. hayaan nyo muna magpahinga."

"Wooooaah" kaming tatlo yan nagulat naman kami kasi biglang sumusulpot sa gilid namin si andrei. remember si andrei yung bf ni andrea?

"Ginulat mo naman kami!" sigaw namin sa kanya. kahit kelan talaga tong si andrei kung hindi kung anu anu ang alam kung saan saan sumusulpot.

"Tumugtog na kayo andaming naghihintay sa inyo" sabi ni andrei saka naglakad na papalayo.

Paglingon namin sa entrance ng both namin ang dami ng nakapila at nagpapalista ng ipaparequest. paguran talaga toh.

"Pauuuuul babes!!" anak ng kay-aga aga si Jessica na naman.

"Jessica wag kang magulo tutugtog na kami" sabi ko sa kanya nagpout naman sya saka saktong uupo sa tabi ni andrea kaso.

"Kyaah! bat ka naninipa!!" sigaw nya kay andrea. sinipa sya ni andrea. hindi talaga gusto ni andrea si Jessica.

"Ayaw kitang katabi maingay ka masyado" sabi ni andrea saka tuluyan ng nahiga sa couch.

nagwalkout naman si Jessica naka cross-arms pa. maganda naman si JEssica ayoko lang talaga sa babaeng ganyan.

Tumugtog lang kami maghapon. nun naka 30 songs na kami tumigil na kami 3pm palang mabuti naman makakapag pahinga pako para makapanuod ng contest mamaya.

Talagang hindi nga pumasok yung apat na weird. anu naman kayang ginawa ng mga yun at hindi pumasok.

"Ang alam ko sasali sila sa contest"

"Tae ka andrea! bigla kang nagsasalita dyan!" sigaw ko sa kanya bwiset nato magkaugaling magkaugali sila ni andrei biglang sumusulpot.

"sorry naman" sabi nya tapos naglakad na papalayo. oh kitam magkaugali silang dalawa.

"Teka Andrea pano mo yun nalaman" habol ko sa kanya. lumingon naman sya saka sinabing.

"Alam ko lang" sabi nya saka nag smirk, yung smirk nya kakaiba eh. parang ang dami nyang alam na hindi ko alam yung parang sinasabi nyang wala kayong matatago sakin?

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon