[2] Alison

13.6K 203 3
                                    

Alison's

Hihi!! Hay nako. nakakaloka yung kanina. Ay sandali? Parang araw araw naman samin sa school ay nakakaloka eh. At sigurado kaming mas naloloka yung mga nasa witch academy. hihi!! Next time mas malala naman gagawin namin.

Sya nga pala!! I'm Alison Craft. Isa sa nakababatang kapatid ni Ate Casandra. Idol ko si ate sya ang pinaka hinahangaan kong witch sa lahat bukod sa maganda na sya matalino at sopistikada pa syang nilalang.

Bukod sa aming ina ito ang pinaka magadang witch na aking nakita sa talang buhay ko.

*Toktok*
Ha? sino naman kaya yung kumakatok? Tumayo ako mula sa upuan na nakaharap sa bintana ng aking silid at tinungo ang pintuan.

"ate alison"

Ah si Madeline lang pala. Sya ang bunsong kapatid namin.

Si Ate Casandra, Ako at si Madeline.

"oh pasok ka bunso" tugon ko sa tawag nito sa akin.

"wala kabang napapansin kay Ina? hindi manlang tayo kinibo nito kanina pagdating mula sa paaralan?"

Tama nga sya hindi nga kami kinibo ni Ina. Ano kaya ang nasa isip nito?? Dati-rati sa tuwing uuwi kami mula sa aming paaralan ay sasalubungin kami nito at masayang makikipag-kamustahan sa amin ng mga pangyayari sa nagdaang maghapon. Ngunit nitong mga nagdaang araw ay ni hindi manlang kami nito magawang kausapin na tila ba hindi nya kami nakikita.

"Baka malalim lamang ang kanyang iniisip kung kaya hindi nito namalayan ang ating pagdating" sagot ko kay Madeline ayokong mag-alala ito masyadong malapit ang loob nito sa aming Ina. Ngunit kahit ito ay hindi rin kinakausap ng huli.

"Nasaan si Ama?" tanong nyang muli.

"Hindi ko rin alam bunso marahil ay nasa kakahuyan ito at nangingilap ng mga sangkap" sagot kong muli rito at muling bumalik sa tabi ng bintana at pinagmasdan ang tanawin mula sa aking silid.

"Sa tingin mo ba makakabalik pa tayo sa mundo ng mga mortal?" nag-aalalang tanong nito sa akin habang nakahiga ito sa aking kama at nakatingin lamang sa kisame ng aking silid.

"Hindi ko rin alam Madeline. Alam mo naman kung bakit hindi pa nais bumalik ni Ate Casandra sa mundo ng mga mortal. Alam mo naman din na sya ang nasusunod pagdating sa pagpapasya dahil mas sya ang nakaka-alam kung ano ang nararapat nating gawin" malungkot na tugon ko rito.

"Kung ganoon maghihintay na lamang ba tayo rito kung kailan mapag desisyunan muli ni Ate Casandra na bumalik sa mundo ng mga mortal?" napabuntong hininga ako sa kanyang katanungan.

"marahil ay ganoon na nga ang dapat nating gawin maghintay na lamang muna tayo."

Ang mundo ng mga mortal ang pinaka magandang mundo na aming nasilayan. Sa mundong iyon magagawa ang anumang nais mo. malaya kang makakapag-desisyon.

Binalak pa nga namin noon manirahan sa mundo ng mga mortal at sa aking pagkaka-alam ay kinausap din ni Ate si Ina patungkol sa nais naming paninirahan sa mundo ng mga mortal.

Ngunit matapos nilang magusap habang wala kami ay hindi na sila muling nagusap pa patungkol sa usaping iyon. Marahil hindi sumang-ayon si Ina sa aming nais.

Pero lingid sa kanyang kaalaman ay bumabalik parin kami sa mundo ng mga mortal. hindi man kami nakikihalubiho sa kanila. pinagmamasdan lamang namin sila sa himpapawid.

Hanggang sa isang araw ang masayang pagmamasid namin sa mga mortal ay nabahiran ng lungkot at galit naman sa aming nakakatandang kapatid na si Casandra.

Sa mundong iyon. Ang mga tulad namin au kinatatakutan. Para sa kanila kami raw ay lubhanh mapanganib. Nasaktan kami ng lubusan sa mga winikang iyon ng isang mortal.

Ganoon pala ang tingin sa amin ng mga mortal.

Mga nilalang na hindi kaaya aya ang panlabas na anyo at may nakakatakot na kapangyarihan.

Simula noon ay pinagpasyahan na ni Ate Cassandra na huwag na kaylanman bumalik sa mundo ng mga mortal.

"ate tignan mo mukhang bago lamang ito dito sa ating mundo" hindi ko namalayan na nasa aking tabi na pala si Madeline.

"hindi ito bago madeline. hindi lamang ito lubos na nakikihalubilo sa nakakarami kung kaya marahil ay hindi mo ito kilala"
Pinagmasdan ko ang binatang umagaw sa pansin ni Madeline. Doon ko napagtanto na may maganda ay kaaya-aya pala itong itchura katamtaman ang katawan at may maamong mga mata.

Nagulat kami ni Madeline ng tumingin ito sa aming direksyon awtomatiko namang nagtago sa aking likuran si Madeline. Ngumiti lamang ako rito bilang pagbati ngunit ang mga mata nito ay tila ba walang emosyon. Tumalikod ito at naglakad na papalayo.

"Ate lalabas na ako ha? sumunod kana sa hapagkainan marahil ay tapos ng magluto si Ina" masayang paalam sa akin ni madeline.

pamuli sa huling pagkakataon ay pinagmasdan kong muli ang binatilyo habang unti unting nawawala ito sa aking paningin.

--------------

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon