[4] Unang pag-ibig

10.7K 169 7
                                    

Pakinggan yung vid sa gilid.

---

*Casandra's Pov*

Nakakamuhi! Sukdulan ang aking galit sa mundong ito! Ang pagiging witch at kabahagi ng mundong ito ang isa sa pinaka magandang nangyari sa akin. bagkus alam ko sa sarili ko na eto rin ang pinaka masalimot na pangyayari para sa akin.

"Namumuhi kaba Casandra" wika ng aking mahiwagang walis na si CC.

"Oo sukdulan ang aking pagkamuhi sa mundong ito CC." tugon ko sa katanungan nito.

Si CC ang aking Broomstick eto ang aking gabay, kapag ikaw ay isinilang sa aming mundo binibigyan ka ng mahiwagang walis na syang magiging gabay mo. kaya nilang magsalita ngunit sa isipan lamang ng nagmamay-ari sa kanila. Kaya rin ng mga itong maramdaman kung anu ang isina saloob ng iyong damdamin gayundin ang mga bagay na tanging sa isipan mo lamang winiwika.

"Sabihin mo namumuhi kaba dahil sa naalala mo ang winikang iyon ng mortal o namumuhi ka dahil naalala mo ang sakit na dulot ng mga mortal dahil sila ang naging dahilan kung bakit pumanaw ang iyong pinaka mamahal na si vlad?" tanong nya sa akin. napahinto naman ako sa himpapawid. Hindi ko mahalungkat sa aking isipan kung anu ba ang narara[at kong isagot sa kanyang katanungan.

"Hindi mo masagot tama ba ako Casandra?" tanong nyang pamuli sa akin.

"Hindi ko alam kung nararapat ko bang sagutin ang katanungan mong iyan CC ang tanging alam ko lamang ay ayokong maging sunod sunuran ng palasyo" iyon lamang ang aking isinagot at ipinagpatuloy ang aming paglipad papunta sa sementeryo.

Ng makarating kami rito ay inutusan kong iwan muna ako ni CC dahil nais kong mapag-isa.

"mahal ko" wika ko ng makarating ako sa puntod ng aking pinaka mamahal na si Vlad. inilagay ko ang mga puting bulaklak sa kanyang puntod,

Si Vlad noong una kong itong makita ay isa lamang itong mortal na dinala noon rito ng prinsesa Ingrid. noong una ay wala akong nakitang espesyal na katangian rito gaya rin lamang ito ng mga mortal na walang kakayahang gumamit ng mahika o ng anu mang kulam.

Ngunit ng sanayin ito ng palasyo ay doon ko napagtanto na may kakaiba at tinatago pala itong kapangyarihan gaya ng isang mangkukulam noon ay nakaharap ko pa ito sa isang dwelo upang masukat ang kakayanan nito sa pakikipag laban.

At sa unang pagkakataon doon ako nakatanggap ng unang pagkatalo. Bihasa ako sa pakikipag laban mapa lupa man o himpapawid kung kaya lubos ko itong ikinagalit ng sandaling iyon dahil sa kahihiyang aking natamo.

Ngunit isang araw ay nilapitan nya ako at kinausap. doon ko lubusang naaninag ang kanyang mukha may maamo itong mukha ngunit ang mata nito ay punong puno ng emosyon. emosyon na tinatago lamang nito sa likod ng malakas nitong kapangyarihan. Ang mga mata nito ay punong puno ng galit,poot at hinanakit ngunit sa likod ng mga iyon mas nangingibabaw ang kalungkutan at sakit.

Nagusap kami panandalian at humingi ito ng tawad sa akin. inaamin ko noong una ay humanga ako sa katangian nito nagpakumbaba ito ng dahil lamang sa aking pagkatalo sa aming dwelo. Pero ng lubusan ko itong makilala doon ko napagtanto na sa likod ng kanyang magandang katangian ang pagkamuhi nito sa aming mundo.

Nagalit ako sa kanya noon at nagkaroon kami ng matinding pagtatalo. Hindi daw nya ninais kaylanman ang mapabilang sa aming lahi ang maging isang mangkukulam ngunit wala na raw syang pagpipilian kung kaya minabuti na lamang nito ang sumama sa mahal na prinsesa. Nakaramdam ako ng matinding awa sa mga kinwento nya sa akin sukdulan ang kanyang sakit na nadarama dulot ng kanyang paglisan sa kanilang mundo,

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon