[19] Patricia Santos

5K 82 4
                                    



-- Chapter 19

Royal Rumble

3RD person's Pov

Umaga na sa mundo ng mga Witch pero hindi iyon alintana ng nilalang na nakalutang sa ere habang nakasakay ito sa kanyang broomstick magdamag nyang pinagmamasdan ang bintana sa ikalawang palapag ng bahay na nasa kanyang ibaba.

Magdamag kasi itong nakabukas at tila ba hindi manlang natulog ang nasa loob ng silid na iyon.

"Vlad Anu pabang ginagawa mo rito?" Nilingon ni Vlad ang nilalang na tumuwag sa kanya. Isang pares ng maamong mga mata ni Ingrid ang kanyang nasilayan/

"Wala naman" balewalang tugon nya sa tawag pansin sa kanya ni Ingrid

"Ingrid sa tingin mo hanggang kailan ako maghihintay ng tamang panahon" malungkot na tanong nito kay Ingrid.

"Sa oras na matapos natin ang ating mga plano Vlad pero sa ngayon kaylangan muna nating lisanin ang mundong ito sapagkat alam mo naman na hindi nila alam na BINUHAY lamang kita" pagpapaliwanag nito kay Vlad.

Bago nila tuluyang lisanin ang mundo ng mga Witch ay sinulyapan pamuli ng isang beses ni Vlad ang bintana ng babaeng pinaka mamahal nito. SI CASSANDRA.



Pagdating nila sa mundo ng mga mortal ay hindi nila inaasahan ang isang malakas na pagtira gamit ang napaka-lakas na spell kung kaya tumilapon silang dalawa sa hindi kalayuan mabuti na lamang at nasalo ni Vlad si Ingrid kung kaya hindi masyadong nasaktan si Ingrid ngunit si Vlad ay hirap na hirap tumayo at tila ba napilayan ang kanan nitong braso.

"Sumisira kayo sa ating plano" Sabay nilang nilingon kung sino ang nagsalita at kung kanino nang-galing ang malakas na pagsugod.

"Chambier?" (Si ANDREA yan) parehong kumunot ang noo ni Vlad at ni Ingrid sa kanilang nalaman.

"Malaki na ang isinaksipisyo ko sa misyon kong ito Princess Ingrid kaya paki-usap wag kayong sumira sa plano" pagkasabing pagkasabi non ni Andrea/Chambier ay umalis na ito at iniwan silang dalawa.

"Sinabi ko na sa iyo. Hindi natin mapagkakatiwalaan ang tagasunod mong iyan" balewalang tumayo si Vlad at kusang pinagaling ang kanyang mga sugat.

"Hindi ko alam kung anung nangyari sa kanya at nagkaganyan sya" purong pag-aalala ang boses ni Ingrid habang nakatingin kay Chambier/Andrea na lumilipad papalayo.

"Hindi mo ba nakikita tuluyan na syang nilamot ng kanyang ambisyon Ingrid" at tuluyan ng umalis si Vlad at iniwan nyang si Ingrid na gulong gulo at nagiisip sa dapat nitong gawin.

sa hindi kalayuan naman ay patuloy na nagmamasid ang isang witch nasaksakihan nito ang lahat ngunit ang hindi nga lang nito alam ay kung anung nangyayari.

[Cassandra's Pov]

"Ate" si Madeline nakauwi na pala ito mula sa kanyang pagmamasid sa mundo ng mga mortal.

"Kamusta Madeline?" tanong ko rito habang nang aking atensyon ay nananatiling nakatuon sa aking libro.

Sinabi nya ang kanyang nakita sa mundo ng mga mortal mula sa pagdating ni Ingrid at ni Vlad hanggang sa ginawang kahangalan ni Chambier. tahimik lamang akong nakikinig habang pinagpapatuloy ang aking pagbabasa,.

"At ate" naputol ang kanyang paglilitanya at tila ba pinagiisipan nito ang kanyang sasabihin.

"At kasi ate~" napabuntong hininga na lamang ito na tila ba naghahanap ng lakas upang masabi ang dapat kong malaman.





The Three Naughty Witches Where stories live. Discover now