[8] Hoy! Mahiya naman kayo!!

7.3K 128 13
                                    


---

-Justin's Pov-

Grabe ang iingay ng mga classmate namin may biglaang meeting kasi ang school namin sa kabilang school at kaylangan andun yung mga teacher so ang nangyari may kanya kanya kaming bantay galing sa student council maryosep bantay pa!! eh kung kamalas malasan ang napadpad saming bantay eh etong makulit na si Jullie! napaka galing tye-tyempo!! Pinagkakaguluhan sya ng mga classmate namin na lalaki ang ingay ingay!! sabagay ako maingay din pero not like them na halos argh!! bastaaaaa!!

"Hoy!! Mahiya naman kayo!!" sabi ko sa kanila nakatayo pako. hindi na kasi ako makatagal eh.

"Hoy! Justin wag kang sumigaw hindi kami bingi!!" sigaw ng isang lalaki

"Eh kung hindi pala kayo bingin eh bakit kay iingay nyo jan!! mga lintek kayo ubod nyo ng daldal!! magsitahimik kayo!" sita ko sa kanila. sinamaan lang nila ko ng tingin at binalik na nila yung atensyon nila doon kay Jullie na nakanguso nadin sa sobrang ingay ng mga kumakausap sa kanya.


"Hahaha hot-headed masyado ang loverboy natin ah?" biro sakin ni Paul na nagtotono pa ng gitara nya psh!!!

Hindi ko sya kinibo at padabog na binagsak yung ulo ko sa desk namin ang ingay ingay talaga!! daig pa nasa palengke.

"Hayaan mo na sila Jus. ganyan talaga alam mo naman si jullie sikat sa school" sabi ni Andrea habang pinaglalaruan yung drumstick nya na kunwaring nagdru-drums sa hangin nakasuot pa sya ng pagkalaki laking headseat.

"As if naman naririnig mo sila eh nakahead set ka!" sabi ko sa kanya nakasubsob padin yung mukha ko sa desk.

"Naririnig ko sila Justin naririnig kita alam mong malakas ang pandinig ko" serysong sabi nya habang nakapikit at nagheadbang pa.

"Isa pa pare kung yung mga bago nga hindi sila pinapansin eh! hindi naiingayan sa kanila eh. Tignan mo" sabi ni raphael na nakaupo sa desk nya at yung paa nakapatong sa mismong upuan nya. Inangat ko naman yung tingin ko para hanapin yung tatlong bago na kanina pa namin napapansin na tahimik simula nun magpakilala sila kanina sa PE Class after nga nun hindi ko na sila narinig na nagsalita ulit eh.

"PAre maling side ka tumingin nasa kabila" bulong ni paul sakin na ganon padin yung ginagawa. sa right side kasi ako tumingin alam ko doon sila umupo kanina eh kasi yun lang naman yung bakante. pero nasa kaliwang side pala sila which is nasa may bintana sila at nakita ko sila doon sa bintana nakaupo sila sa mismong edge nun bintana O____O hindi ba sila natatakot don? baka mahulog sila!! ako nga nalula kapag sumisilip don eh.

"Weird nila noh" si Andrea habang nakapikit eh mas weird pa nga sya sa mga toh eh. >3<

"Di ako Weird" sagot nya o kitams sabi sa inyo weird sya eh (_ _")

"oh nakatono na hay justin putulin mo ulit yung string ha!" sabi ni paul habang nilalagay sa guitar case yung gitara nya. ako kasi nakaputol nun eh. ewan ko kung paano ko naputol.

"Alam nyo para silang may sariling mundo noh?" napatigil lahat ng ingay nun may nagsalita ewan ko basta parang bulong lang naman yung sinabi nya pero napatahimik kaming lahat siguro kasi totoo? parang may sarili silang mundo parang sila lang yung nagkakaintindihan.

halos walang bumabasag ng katahimikan halos lahat ng atensyon nakatuon doon sa mga bago naming classmates.

"Hihi! Tama tama! Syang tunay!" nagulat kami ng tumawa yung nagngangalang Madeline kulay brown yung buhok na hanggang bewang.

"Tapos naalala mo pa --" napatigil sa pagkwento yung si Alison tapos nagtatakang tumingin samin siguro napansin nilang sa kanila nakatingin lahat. maya mya kinalabit nila yung isang babaeng seryoso pading nakatingin sa labas ng bintana habang nililipad lipad padin yung buhok nya. nun humarap sya samin.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon