[3] Madeline

10.9K 189 6
                                    

Madeline's

"Ina nasan si Ama?" masayang tanong ko rito. Ngunit tumingin lamang ito sa akin at matipid na ngumiti.

"Ina mayroon kabang dinaramdam? Nais mo bang magpatawag ako ng manggagamot?" nag-aalalang tanong ko rito.

"Ayos naman ang aking pakiramdam at wala akong dinaramdam na ano mang sakit. Mayroon lamang akong iniisip." pamuli matipid itong ngumiti sa akin. Kung hindi nya nais na sabihin sa akin kung anu man ang kanyang dinaramdam wala na akong magagawa kung ito ang kanyang kagustuhan.

Dumating na ang aking mga nakakatandang kapatid at naupo narin sa aking tabi. Hindi na nila tinangka pang kausapin si Ina at kumuha na ng pagkain at sinimulan na ang kanilang pagkain. Naupo si Ina at seryosong tumingin sa aking nakakatandang kapatid na si Casandra

"Casandra anak, nais sana kitang makausap mamaya pagkatapos nating kumain" seryosong wika nito kay Ate Casandra.

Ibinaba ni ate ang kanyang tinapay at ibinaling ang kanyang atensyon kay Ina.

"Ina kung tungkol na naman ito sa ating tinalakay kamakaylan lang hindi ko iyon nais pang pag-usapan."

"Huwag kang mag-alala hindi ito patungkol doon."

"Kung hindi ito patungkol doon bakit hindi mo ito sabihin ngayon na Ina?" Nababalot ng tensyon sa hapag kainan. Ni wala kang maririnig na kahit na anung ingay. Bumuntong hininga na lamang si Ina at pamuli ngumiti ito ng matipid na may halong sakit at pag-aalala.

"Kamakailan lang ay pumarito ang inyong mga guro." Nagulat kaming magkakapatid sa aming narinig. Hindi maari! Kung ganoon nakarating na kay Ina ang mga pangyayari sa paaralan.

"At nais nila kayong ipatapon sa mundo ng mga mortal."

Halos gumuho na ang aming mundo sa winikang iyon ng aming Ina.

"At sumang-ayon naman kayo sa kanilang nais ganoon ba Ina?" punong punong ng galit at hinanakit na wika ni ate Casandra.

Sa aming magkakapatid ito ang pinaka matigas. Hindi na nya nais pang bumalik sa mundo ng mga mortal.

Nasaktan man kami sa winika ng mortal na iyon. Mas higit syang nasaktan kaysa sa amin sapagkat para sa kanya. Ang pagiging Witch ang pinaka magandang nangyari sa buhay nya. Kung kaya lubos itong nasaktan sa pagpapasya nya na hindi na babalik sa mundong iyon.

"Wala akong magagawa iyon na ang napagpasyahan ng nakakataas at maski ang palasyo ay sumang-ayon sapagkat nakarating narin sa kanila ang inyong kapangahasan. Kung sana ."

"Kung sana ano Ina?? Maging sunud sunuran kami? Ay mali patuloy kaming maging sunud-sunuran sa kanilang nakakasakal na patakaran?" Puno ng galit na sumbat ng aming kapatid.

Ngunit hndi na muling tumugon si Ina, naunang tumayo si Ate Casandra at sinundan naman ito ni Ate Alison.

"Patawad Ina" malungkot na paalam ko rito at saka sumunod sa aking mga kapatid.

Ano na ngayon ang aming gagawin??

"Ate?" takot na tawag ko sa kanila.

"Nakakainis!!" Galit na sambit ni Ate Alison.

"Iyon ba ang kanilang nais? Ang ipatapon tayo sa mundo ng mga mortal?? Para ano!! Para maturuan nila tayo ng leksyon! Kaylanman ay hinding hindi ako susunod sa mga kagustuhan ng palasyo!" Puno ng galit na sabi ni Ate Casandra sabay kinuha nito ang kanyang broomstick at umalis na sakay nito.

Naiwan kaming nakatulala sa kanyang pag-alis. Kahit na alam na namin kung saan ang punta nito ay hindi na namin babalikin pang sundan ito.

Sapagkat sa lugar na kanyang pupuntahan lamang ito nakakahanap ng kapayapaan.

Sa lugar kung saan nya panandaliang makakalimutan ang maging sunud sunuran sa palasyo.

Walang iba kundi sa punto ng pinaka mamahal nitong si Master Vlad.

---------------------

Sa mga nagbasa noon ng My Girl Is a Witch.

Hello!! Andito po si Vlad. Crossover lang po.

Salamat

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon