[9]

7.4K 127 3
                                    




---

Jullie's Pov

"Ma!! Pa!!" pagdating namin dito sa bahay hinanap ko agad sila mama at papa pero mukha wala sila dito hay san na naman kaya nagsuot yung mga yun.

"Jullie! Tignan mo ito may iniwan silang liham sa iyo" tawag sa akin ni madeline na nagbubutingting ng mga gamit namin sa bahay first time lang nila makarating dito eh kaya siguro ganyan.

tinignan ko kung ano yung laman ng sulat pero nagulat ako ng kusang magbukas ito at nagmistulang hugis bibig at nagsalita kagaya ng boses ni mama.

"gumagamit rin pala ng mahika ang iyong ina kapag naririto sa mundong ito?" gulat na tanong ni madeline nagkibit balikat lang ako hindi naman kasi ginagamit ni mama ang kapangyarihan nya kapag andito sa bahay kaya nakakapag taka.

"Anak alam kong kasama mo ang crafts sisters ngayon" panimulang sabi nun papel na kaboses ni mama.

"Ipinatawag kami ng iyong ama sa wizzard and witch world may mahalaga raw paguusapan sa palasyo at kinakailangan na kasama ko ang iyong ama hindi ko alam kung magtatagal kami doon sa ating mundo kung kaya ikaw na muna ang bahala sa crafts kung maari ituro mo ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa mundo ng mga mortal" huminto saglit yung papel at parang bumuntong hininga

"Anak batid kong alam mo kung bakit naririto ang mga crafts. kaya ikaw na ang bahala sa kanila alam mong hindi sila basta basta naririto lamang para sa wala. yoon lamang magingat kayo"

akala namin tapos nang magsalita yung papel pero nagulat kami ng magsalita pa toh.

"At cassandra nais kitang makausap sumunod ka sa akin" pagkatapos sabihin ng papel yon lumayo na silang dalawa samin.

kung anu man yung bagay na paguusapan nila mukhang may kinalaman yun kung bakit sila naririto sa aming mundo. napatingin ako kay madeline at alison na parehong naguusap gamit yung mga mata nila. eto ang isang katangian na gusto ko sa kanila kaya nilang makipag usap gamit lang yung mata kaya nilang sabihin yung gusto nila kahit hindi sila magsalita at kahit kanino nila gawin yon maintindihan yon ng kausap nila katangiang silang magkakapatid lang ang meron dati nga hiniling ko na sana kapatid ko nalang sila. ang cool kaya nila *O* Idol ko nga sila eh lalo si ate Cassandra idol ko talaga sya ginagalang ko sya at mataas ang pagtingin ko sa kanya.

"So. anung rason kung bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila hehe hello andito kaya ako parang wala ako dito eh XDD

"Pinatapon kami sa mundong ito" malungkot na sagot sakin ni alison.

Nagulat? OO nagulat ako sobra kasi once na ipatapon ka sa ibang mundo wala ng chance na makabalik kapa sa aming mundo at hindi yon maganda dahil base sa pagkakakilala ko sa kanilang tatlo ang aming mundo ang pinaka magandang mundong nasilayan nila na hindi nila kakayanin na malayo ng matagal sa mundo ng mga mangkukulam kaya nakakagulat. bakit sila pinatapon dito? anung nangyari sa aming mundo habang wala ako??

"Bakit? anung nangyari?" tanong ko sa kanila. ngumiti ng mapait sakin si alison at tumayo lumapit sa tapat ng bintana namin at tumingin sa labas saka nito kinwento ang lahat. at hindi talaga ako makapaniwala na ganoon na sa aming mundo kaylan pa naghigpit ng lubusan ang palasyo? hindi ito ganito noon nun nanirahan ako ng pansamantala sa aming mundo dahil isa lamang akong half witch hindi maaring manirahan ako ng tuluyan sa aming mundo pero maari naman akong pumarit parito mula dito at sa aming mundo.

Pero mas nagulat ako ng malaman kong kagagawan itong lahat ng dating prinsesa na si Ingrid kung ganon ito pala ang punot dulo ng lahat nakakalungkot isipin na ang matalik na kaybigan ni ate cassandra at ang dating prinsesa ay ngayon ay matalik na magkaaway dahil sa naganap na kaguluhan sa aming mundo limang taon na ang nakakaraan.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon