[6] First Part

7.4K 127 6
                                    

-Madeline's Pov-

Nakapag pasya na kami ng aking kapatid na si Alison na kahit anung maging desisyon ng aming nakakatandang kapatid na si Casandra eto ay aming rerespetuhin na lamang.

Kanina ay kinausap kami ng aming ina patungkol sa nais ng palasyong ipatapon kami s amundo ng mortal. Wala naman daw kaming magiging problema kung doon kami maninirahan makakagamit padin daw kami ng aming kapangyarihan ngunit hanggat hindi daw kami nag titino at patuloy na susuway sa mga kagustuhan ng palsyo.

Ngayon ay kami na lamang ang bahalang mamili ngunit ang aming desisyon ay naka base parin sa aming kapatid.

Nakatingin lamang ako sa aking kapatid na si casandra habang nakatanaw ito sa bintana ng kanyang silid.

"Ano ang iyong pasya?" tanong ni ate alison

Humarap ito sa amin at ngumiti ngiting kahit na alam mong nakangiti ito ay malungkot padin ang mga mata nito.

"Nais nyo ba munang maglaro?" pilyang tanong sa amin ni ate casandra. nagliwanag naman ang aking mukha sa aking narinig.

"Talaga ate? Saan naman?" masayang tanong ko rito.

"Sa palasyo" balewalang sagot nya sa akin.

natikom ang aking bibig at nawala ang masaya kong mukha sa aking narinig.

"A-ano nga u-ulit ang iyong?" hindi makapaniwalang tanong ni ate alison pamuli ang atensyon ni ate casandra ay nakatuon sa bintana.

"Nais ko lamang magliwaliw bago tayo tuluyang ipatapon sa mundo ng mga mortal" seryosong wika nito sa amin.

Kung ganoon eto ang kanyang naging pasya?

"tara na" yaya nito sa amin habang nakatanaw parin sa bintana. doon unti unting lumalapit mula sa himpapawid ang walis nitong si CC kung kaya tinawag ko nadin ang aking walis na si "MC" tinawag narin ni ate alison ang walis nitong si AC.

Atsaka kami lumabas sa bintana at lumipad gamit ang aming mga walis.

"Eto ang ating pamama-alam sa ating mundo"

Nagpatuloy lamang kami sa aming paglipad.

at ng makarating kami sa palasyo ay namayani ang mga ngiti sa aming mga labi.

"Ready?" pilyang wika ni ate alison.

"Ready na hihihi!!" sagot ko.

"Sugooooooood!!!" at ng sinabi ni ate na iyon sugoood ^O^

kanya kanya kaming mahika na ginamit.

"Boogsh!"

"Boom"

Halos magkagulo na sa palasyo.

"Hihihi!!!" pilyang tawa ng aking kapatid.

"Anu sa tingin nyo ang inyong ginagawa Craft sisters?" galit na wika sa amin ng isa sa mga namamahala ng seguridad ng palasyo.

"Ano sa tingin mo??" pilyang tugon ni ate casandra at saka nito ginamit ang kanyang mahika at saka tumilapon ang taga bantay.

ilang mahika at pagsugod pa aming ginawa.



at ngayon ay napapaligiran na kami ng mga gwardya ng palasyo.

"Wag na kayong gumawa ng anu mang kaguluhan!!" galit na bulyaw ng isang gwardya.

"Oh tapos?" pilyang wika ni ate casandra.

Biglang nahawi lahat ng gwardya at doon lumabas ang prinsesa ng mga mangkukulam ang bagong prinsesa.

"Hindi na ako natutuwa sa inyong magkakapatid" seryosong wika nito sa amin.

biglang humangin ng malakas.

"Ano naman ang iyong gagawin ha? Chambier?" pilyang tanong na muli ni ate casandra.

"Casandra hindi ko aakalin tulad karin pala nya" seryosong tugon nito kay ate.

"Syang tunay."

at bigla sa isang iglap ay tinangay kami ng malakas na hangin papasok sa isang portal.

bago pa sumara ang portal ay narinig kong nagsalitang muli si Chambier.

"Kaylan man ay hindi na kayo muling makakabalik sa ating mundo"



yoon lamang ang aming narinig at tuluyan na kaming hinigop ng portal

---

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon