[16] Party + HIM

5K 81 6
                                    

-Jullie'Pov-

"Ate Cassandra, Ate Alison!, Madeline!!" Anu bayan anung oras na. Hindi parin sila lumalabas ng kwarto nila.

Magkakasama silang tatlo sa kwarto sabi nila wala naman daw kaso yun kasi magkakapatid naman daw sila.

*tok tok tok*

"woooy! Hindi na natin naabutan yung ceremony" katok ko sa pinto nila. kusa namang bumukas yung pinto. saka ako pumasok pero pagpasok ko ang dilim kaya hinanap ko muna yung switch ng ilaw. Kaya nun nahanap ko na at nabuksan.

O_____O >3<

"Namaaaaan eeeeeh!!!" padabog akong lumapit sa kanila.

"Bakit hindi pa kayo nakagayaaaaaaaaak!!" pagmamaktol ko hindi naman nila ako pinansin at nakatuon parin yung atensyon nila doon sa malaking kawali nila.

"Kelan pa nagkaron nyan dito?" tanong ko saka sumilip sa loob nun kawali na kasing laki ko ata. sobrang laki. tapos si ate alison hinahalo halo pa yung tubig. tyak may spell silang ginamit.

"Ssshhh" sabi ni madeline tapos ngumiso kay ate cassandra na nakapikit habang may sinasaboy na kung anung lupa dun sa kawali.

"Anu bang ginagawa nyo?" bulong ko kay madeline.

"May kakaiba kasing naramdaman si ate alison kaninang umaga. kaya simula kaninang umaga nagkulong na kami dito para alamin yun" bulong sakin ni madeline tapos may inabot na mga dahon kay ate cassandra habang patuloy na hinahalo ni Alison yung Tubig sa may kawali.

Nun huminto sya biglang may lumabas na image dun sa kawali.

"Oh yung school natin yan ah?" takang tanong ko.

Pero bakit? Anung meron sa school namin?

*tok tok tok*

"Crafts,Jullie late na kayo baka wala na kayong maabutan" katok ni papa sa labas ng pinto.

"Opo pa. Uy tama nayan tara na. Yuck! Bat ganyan itchura nyo!" sabi ko sa kanila kanina ko pa napansin ngayon ko lang tinanong.

Kasi yung itchura nila gulo gulo yung buhok parang hindi nagsuklay tapos ang haba ng ilong nila. never akong naging ganyan pure witch kasi sila ako hindi eh >3<

"Teka san ba punta mo at nakapustura ka?" tanong ni ate alison.

"D-dont tell me kinalimutan nyo?" hindi ako makapaniwala halos ubusin ko yung maghapon ko para maghanap ng damit para sa party.

*Hep right side ---- >

"Ang alin?" sabi ni Madeline.

"Yung Party Hellloooooo!!!" di makapaniwalang sigaw ko sa kanila. para naman silang natauhan sa sinabi ko.

"Naku paumanhin nakalimutan namin,naging abala kasi kami sa aming ginagawa" sabi ko na eh.

"Oh sya gumayak na kayo maligo na kayo ambaho nyo amoy *sniff sniff* amoy weird kayo" sabi ko tapos inamoy amoy ko pa sila.

"Mauna kana susunod na lamang kami" sabi ni ate cassandra na nakatingin parin sa kawali nila tapos pinagmamasdan yung school namin.

"Oh sya sige una nako ha?" sabi ko tapos lumabas nadin ako. Nagtanong pa si papa kung bakit ako lang nun sinabi kong nakalimutan nun magkakapatid tinawanan pa ko ni papa. hay nakooo.

Nagpunta lang ako sa Party. Pagdating ko dun wala ng Ceremony chuchu PARTY na talaga nagpapatayan sa kakasaway yung mga schoolmates namin.

Naghanap lang ako ng Available table para kapag dumating sila ate cassandra may maupuan sila.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon