[1]

18.7K 295 14
                                    

"Magandang umaga mga minamahal kong mag-aaral" wika ng aming guro sa harapan na si Ginang Matilda

"hihi!!" narinig ko ang palihim na hagikgik aking nakababatang kapatid na si Alison. Nasisigurado kong may ginawa na naman itong kapilyahan, tumingin ito sa akin at ngumuso padereksyon sa aming guro.

Teka hindi pa nga pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Casandra. Casandra Craft ang aking buong pangalan. si Alison ay isa sa mga nakakababata kong kapatid. 

"ayan na ayan na!! Ops napalakas!" sambit naman ng aming bunsong kapatid na si Madeline. mababakas sa mga mukha nito ang labis na kapilyahan at kasiyahan.

"prruuuuuuttttt"

"pfffft HAHAHAHAAHAHAHA!!!!!!!!" sa sobrang pagkatuwa ay hindi na namin napigilan at napalakas ang tawa namin. Maging ang aming mga kapwa mag-aaral ay tuwang tuwa sa nangyari.

Pag-upo ni Ginang Matilda kanyang upuan biglang tumunog yung nilagay ni Alison. Isa itong laruan mula sa mundo ng mga mortal na kapag nadiinan o naupuan mo ay tutunog na tila ba nauutot. 

"Sinong lapastangan ang may kagagawan nito?!!" galit na galit na sigaw ng aming guro, kung kaya napatigil nalang kami sa pagtawa ng tumingin ako sa harapan at sa amin nakatuon ang kanyang atensyon.


"KAYO BA?!!!" namumula sa galit na sigaw ng aming guro


"HINDI PO" -- sabay sabay naming sabi. sumilyap pa itong muli samin at saka ulit ito umupo sa kanyang upuan.

"Prrrruuuuut"

"bwahahahaha!!!" humagalpak na naman kami ng tawang magkakapatid ng muli nitong maupuan ang laruan ng mga mortal sa kanyang upuan dahil hindi pa nito natatangal ang laruan. 

Eto ang natutunan namin sa panunuod sa mga mortal habang nasa himpapawid kami.

Talagang nakakatuwa dahil ngayon ay hindi na nakakatamad sa klase. Nasa huling baitang na kami ng aming pag-aaral at kapag natapos na kami dito ay matatawag na kaming ganap na mga witch.

"sis sis! Eto mas maganda" bida naman ni madeline. tinaas nito ang kanyang hintuturo at gumuhit ng bilog sa hangin at itinuro sa.





sa taas ng ulo ng guro namin.



bigla bigla nagkaron ng timba sa ibabaw nya at unti unting nalaglag ang laman nitong putik at dahil sa hindi kami pwedeng tumawa ng malakas. halos mawalan na kami ng hininga sa pagpipigil namin ng tawa.

"Ayoko na!! SOBRA NA!!! kayong tatlo!! Magkakapatid na Craft!!! LABAAAAAAS!!!" galit na galit na bulyaw sa amin ni ginang matilda nakatayo pa ito at nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang lamesa.

at syempre dahil sa hindi ako magpapalamang.

tinaas ko ang aking kamay at *snap*

"booogsh"

"pfffft hahahahaha!!!!" nalaglag sya sa upuan. ginamitan ko kasi sya ng kapangyarihan ko at hinila ang upuan nya papalayo sa kanya kung kaya ng maupo sya sa halip na upuan ang maupuan nya ay nalaglag ito sa sahig.

"pfft hahaha!!!!" tawa ulit naming tatlo habang nagpapalit ng anyo ang aming guro at unti unting humahaba at tumutulis ang ilong nito.

kaya kami takbo kaming magkakapatid palabas ng silid aralan namin.

"nakakatawa yun ate!!" sabi ni madeline.

"hindi kaya mas nakakatawa kaya yun sakin!" pagbibida ni alison sa ginawa nya.

"pero infairness ha! maganda din yun ginawa mo bunso!" pagpupuri ko kay madeline.



"ayan na yung magkakapatid na sutil"

"napalabas na naman siguro ang mga iyan"

"malamang wala naman silang alam gawin kung hindi ang magpasaway sa klase"

bulong bulungan ng mga kapwa namin mag-aaral

"nye nye nye!!" pang-aasar ni madeline dahil sa isip bata ito inaasahan ko ng ganyan ang kanyang iaasal.

"ako ng bahala jan sis" sabi ni alison

"anung gagawin mo?" usisa ko habang nakatingin sa kanya

"anu pa nga ba? hihihi!!" tinaas nito ang kanyang hintuturo at hinlalaki na tila ba mambabaril at sinabing "BANG"

"kyaaaaah!! anu toh!!" sigawan nilang tatlo

sa isang iglap ay may dumaang hangin at nilipad ang mga palda ng mga babaeng nagbubulungan kanina.

"o edi natahimik sila apir bunso" tuwang tuwang sabi ni alison

(^_^)//\\(^_^)

"oh sya tara na umuwi na lamang tayo wala naman na tayong gagawin dito eh" yaya ko sa kanila

"ate tara muna sa mundo ng mga mortal" sabi ni alison

"saka na nagsasawa na ako kakapanuod sa kanila" wika ko habang naglalakad padin,

umuwi na kaming tatlo at nadatnan ang aming ina na gumagawa ng gamot lunas sa mga kulam at sumpa.

nagtuloy lang kami sa kanya kanya naming silid.

ako naman ay kinuha ang aking libro at nagbasa na lamang.



---------------

UPDATED

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon