[22] Hatol (EDITED)

4.9K 76 6
                                    




----

[Cassandra]

Kahit na hindi ako makapaniwala na narito sa aking harapan ngayon si Ingrid hindi parin maalis sa aking isipan na magduda kung kanino ba silang panig.

"Wag kang mag-alala. Magtiwala ka sa akin" tinignan nya ako ng seryoso sa mata kung kaya tango na lamang ang aking naisagot sa kanya.



"Tayo ngayon ang maghaharap Chambier" yoon lamang ang aking narinig at tinungo na si Paul.



"Itigil mo yan!!" sigaw ko sa isang mangkukulam na may balak na sugurin si Paul na hirap na hirap sa kanyang kalagayan ngunit bago pako makarating ay isang mangkukulam ang tumulong na sa kanya.











"Anika" hindi makapaniwalang tawag ko rito tumingin lamang ito sa akin at sinabing.



"KAHIT SUKDULAN ANG GALIT KO SA IYO CASSANDRA HINDI KO HAHAYAANG SAKTAN LAMANG NILA AT IDAMAY SA GULONG ITO SI PAUL" hind na ako nagsalita dahil hindi ito ang tamang oras na makipag talo sa kanya dahil alam kong kaya nyang protektahan si Paul.



"HEP HEP HEEEEEP!! ANG DAYA NYO NAMAN? ISALI NYO NAMAN KAMI DYAN" halos natigilan kaming lahat sa narinig naming tinig halos lahat ay nakatingin lamang sa aming itaas. titig na titig. at halos walang gumagalaw.



"Oh ano natigilan kayo?" wika naman ng isa pang nilalang kahit nasa murang edad lamang ang mga ito ay malaki ang aming takot sa kanila.



Si Nina at Mina silang dalawa ang pinaka malakas na mangkukulam sa aming henerasyon silang dalawa a nanggaling sa pinaka malakas na lahi ng mangkukulam.



"Bal ayaw ata nila tayong isali" wika ni Nina.

"Wag kayong makisali rito!!~ aaaaaah!!" sigaw ng isang mangkukulam na nasa panig nila Chambier pagkatapos ay nasunog ang kanyang katawan

"Ahihihi!! Ano tuloy ang laro?" tatawa tawang wika naman ni Mina.

Sa isang iglap ay binitawan nilang lahat ang kanilang mga wand at sandata bilang pagsuko. samantalang kami ay nanatiling hawak ang aming mga wand.

"Aaaaaah!!!" sa isang iglap ay isa na namang mangkukulam ang bumagsak at halos masunog na ang kanyang katawan.



"Bakit kayo tumigil? Maglaro pa tayo!!" seryosong wika naman ni Nina.

Ngunit bago pa kami makapag salita ay hindi namin namalayan na narito na kami sa aming mundo

Madilim at malamig ang simoy ng hangin nasa gilid kami ng isang bangin na hindi halos maabot ng aming mata ang hangganan.

"Mamili kayo paparusahan namin kayo o tatalon na kayo sa bangin na iyan?" serysong wika ni Nina.

Tatalon? bakit? may nagawa ba kaming kasalanan hindi kami ang nagsimula ng gulong ito.



"Chambier at Luxius" ngumiti ng nakakaloko si Mina at pagkatapos ay tumingin sa amin.

"Crafts" at halos simbilis ng kidlat na napunta kami sa slid ng paghuhukom.



"Patayin!"

"Sunugin!"

"Sila ang mga gumagawa ng gulo sa ating mundo!!"

sigawan ng mga mangkukulam na nasa aming paligid. naririto na pala kami sa silid ng paghuhukom kung saan nililitis ang mga makasalanang mangkukulam at dito rin pinagpapasyahan kung anung parusa ang ibibigay sa mangkukulam na mapatunayang nagkasala.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon