[6.4] Casandra's Voice

6.9K 131 11
                                    

-Alison's Pov-

Nagulat ako ng hilingin ng aking kapatid na si Casandra na tugtugin ang pyesang iyon.

Ang pyesang sya mismo ang gumawa para sa kanyang pinaka mamahal na si Vlad. Simula ng mamatay si Master Vlad kaylanman ay hindi na nya ito binalak pang tugtugin ni ang iparinig kung gaano kaganda ang kanyang tinig kapag itoy kumakanta hindi na nito ginawa.

Ng huling marinig ko ito ay sobra ang naging epekto para sa kanya tinugtog nya ang pyesang ito sa araw ng libing noon ni master vlad, Matapos ang libing ng araw na iyon. Iyon nadin ang huling beses naming nakita ang kanyang mga ngiti at luha. kasama rin ang pagkawala ng buhay sa kanyang mga mata.

At hanggang ngayon ay hindi parin namin ito nasisilayan. Handa kanabang bitawan lahat ng sakit kapatid ko? handa mo nabang tanggapin na kahit kaylan ay hindi na babalik kaylanman ang iyong minamahal?? handa ka nabang harapan ang panibagong buhay ng wala sya??

Nangangatog kong hinakawan ang piano at buong pusong tinugtog ang pyesang iyon.

(Play the Video)

-Casandra's Pov-

Buong puso kong kakantahin ang awiting ito para sayo mahal ko.

Kahit kahit kaylan ay hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo.

Lumuluha ang aking mga mata habang ako ay kumakanta kasabay ng unti unting pagtila ng ulan.

Ngayon ko lamang uli ito kinanta ang kanyang ako mismo ang lumikha para sa iyo habang nasa matindi kang pakikipag laban ginawa ko ito para sa iyong pagbabalik magkakasama na tayo at wala ng hahadlang pa sa atin.

Patuloy ang aking pagluha at kasabay din nito ang aking pagkanta. kahi anung pilit kong wag bumagsak ang aking mga luha hindi parin ito tumitigil minsan naiisip ko dukutin ko na lamang kaya ang aking mga mata upang wag ng muli kaylanman maglabas ito ng luha.

I Love you for a thousand years.

Kahit kaylan kahit gaano pa katagal na panahon hinding hindi kaylan man mawawala ang pagmamahal ko sa iyo.

kahit sa kabilang buhay ay patuloy padin kitang mamahalin ikaw ang nakatadhana sa akin ikaw lang wala ng iba.

-Paul's Pov-

Hindi ko alam pero naiiyak ako sa boses ng babaeng nasa bintana.

*sniff* napalingon ako sa katabi ko si Andrea literal na umiiyak talaga sya. yung boses nun babae na nakaupo sa bintana yung tinatawag nilang Casandra punong puno ng sama ng loob yung kanta nya punong puno ng sakit lahat ng katagang binibitawan nya kaya walang sino man ang hindi mapapaiyak sa boses nya.

Siguro broken hearted sya kaya ganon? o talagang ganon lang yung pinapahiwatig ng kanta kaya nakakaiyak talaga!!

kung hindi ko lang pinipigilan yung sarili ko siguro kahit ako umiiyak na.

Natapos yung kanta na walang kumikibo hanggang sa namalayan namin na wala na talagang ulan kung kanina parang pasikat palang yung araw kasi tumatama yun sa dalawang babaeng nakaupo sa may piano ngayon talagang nagliliwanag na sila kasi ang taas ng araw.

"Halina kayo" napatingin ako sa babaeng nasa bintana nun nagsalita sya.

tapos bigla syang

tumalon sa bintana??

eh nasa third floor kami??

O___________O

nagpapakamatay ba sya??

maya maya.

sumunod din yung dalawang babae

at tumalon din sa bintana!!

O______________O itchura naming apat.

hindi magsink-in sa utak namin yung nangyari

nagawa nila yon??

"oh my god!!" sigaw ni andrea atsaka nagmamadaling tumakbo doon sa bintana kung saan tumalon yung tatlong babae.

"nasan sila?" sabi ni andrea kaya tumayo narin ako at sumilip pero sa halip na bangkay ang makita namin sa ibabakasi expected namin patay na sila >3<

wala!!

wala kaming nakita!!

NASAN BA KAYO!!!

---

:D

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon