[23] Vlad-Cassandra-Paul

5K 75 4
                                    

Dedicated to her.

Thanks :D Enjoy reading.

Play the Video. Thanks to Youtube :)

------

[Vlad]

"Aalis na ako"

"Kaylangan mo ba talagang umalis?" kahit nakatalikod sya sakin alam na alam kong malungkot sya dahil kiala ko buong pagkatao nya lahat ng ugaling meron sya at lahat ng meron sya lahat yun tanggap ko mahal ko sya kahit anu pa sya.

Pero sa sitwasyon namin ngayon.

May magagawa ba ang pagmamahal ko.

Kung kahit tadhana na mismo ang nagsasabing hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Na kahit paano ko pa ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya gawin ko man ang lahat hindi talaga kami para sa isa't-isa.

bukod don.

nararamdaman kong may mahal na syang iba.

"Mahal ko. ako parin ba?" tanong ko sa kanya kahit hindi sya sumagot o kahit hindi ko pa itanong ito sa kanya alam ko na ang magiging sagot nya.

"Anung ibig mong sabihin?" mula sa pagkakatalikod nya humarap sya sakin medyo tinatangay tangay pa ng hangin yung buhok nya.

"Kung ako parin ba sa dyan sa puso mo. sa tingin ko kasi may iba na dyan." nakita kong nagulat pa sya na para bang may gusto syang sabihin pero hindi nya alam kung paano nya ito sisimulan.

hindi sya kumibo ng ilang minuto at sa mga nadaang minuto na iyon nakatingin lamang kami sa isa't-isa.

"Alam ko Cassandra. Alam kong hindi na ako ang nilalang na nasa puso mo ngayon. na kahit hindi mo pa sabihin alam ko at nararamdaman kong hindi na ako ang mahal mo." pakiramdam ko nadudurog ang puso ko sa mga salitang binibitawan ko. pero kung eto lang ang paraan upang malaman nya at maisip nya kung ano ba talaga ang nararamdaman nya.

kahit na masaktan ako.

Kahit maging kahatungan nito ay mawala sya sa akin.

Tatanggapin ko.

Ganon naman talaga kapag nagmamahal hindi ba? Handa nating gawin lahat para sa taong mahal natin kahit tayo pa mismo ang masaktan sa bandang huli.

"Hindi ko maintindihan" malamig na tugon nya sakin. nilapitan ko sya saka ko sya niyakap.

"Handa akong hintayin ka kahit nasa mundo ako ng mga mortal. kahit habang buhay hihintayin kita." hindi ko man gusto kusang tumulo yung mga luha ko. bakit napaka hirap ipaubaya ang taong mahal mo.

"Pero ikaw ba Cassandra kaylan mo balak harapin ang katotohanan?" niyakap ko sya ng mahigpit dahil alam ko na ito na ang huling beses na mahahagkan ko sya. at napaka sakit sakin nito.

hindi dahil sa hindi na kami magkikita pang muli.

kung hindi dahil.

iiwan ko sya habang hindi sya sigurado kung anu ba ang totoong nararamdaman nya.

"Master Vlad oras na po" sabi ng kasama kong mangkukulam. Sila ang mga sundo ko at tiga hatid sa mundo ng mga mortal upang masigurong pupunta ako sa lugar na iyon.

sa lugar kung saan malayo kay cassandra.

"CAssandra lagi mong pakakatandaan na mahal na mahal kita. at ikaw lang wala ng iba. Ngayon pinapalaya na kita." mula sa pagkakayakap ko sa kanya bumitaw na ako.

Pero sya nanatiling nakayakap sa akin na tila ba ayaw nya akong bitawan. Gustuhin ko mang manatiling yakap sya at wag nang umalis hindi maari. kahit kaylan hindi na maaring manatali ako sa tabi nya.

Pero nagulat ako nun lumuhod sya sa harap ko at nagmakaawa halos sambahin na nya ako.

"Nagmamakaawa ako sa iyo Vlad wag kang umalis parang awa mo na wag mo akong iwan." nakayuko lang sya pero nanatili syang nakaluhod at nakahawak sa binti ko.

Gustuhin ko man syang itayo hindi maari. kaylangan ko ng umalis.

"T-tumayo kana Cassandra" nangangatog na sabi ko sa kanya. naawa ako sa kanya pero kaylangan tigasan ko ang loob ko.

"Nagmamakaawa ako pakiusap wag mo akong iwan. hindi ko kaya. H-hindi ko na kakayanin p-pa m-mabuhay ng w-wala ka" pero mas hindi ko yata kayang tiisin ngayon na makita syang umiiyak at magka-awa na wag akong umalis.

"Gusto ko Cassandra. Gustong gusto kong manatali na lamang sa iyong tabi ngunit hindi na maari. Eto ang hatol ng nakaka-taas kaylangan kong sundin ito" dahan dahan akong lumuhod at hinawakan ko ang balika nya tumingin lamang ako sa mga mata nya.,

Mga matang hindi ko kaylanman ninais na lumuha ng ganito.

Ngunit kahit pa lumaban ako sa pagibig ko sa kanya.

hindi na maari.

"V-vlad hindi ko k-kaya vlad. mahal mo a-ako h-hindi ba? Paki-usap isama mo ako kahit saan sasama a-ako sa iyo" hindi ko na sya kayang makita ng ganito isa pa hindi na magandang manatili ako rito.

hindi ko man gusto kaylangan ko na syang gamitan ng spell para makatulog sya.

[Cassandra]

"Mahal na mahal kita Cassandra kahit saang mundo kahit sa kabilang buhay ikaw lang ang mamahalin ko"

"Mahal na mahal kita Cassandra kahit saang mundo kahit sa kabilang buhay ikaw lang ang mamahalin ko"

"Mahal na mahal kita Cassandra kahit saang mundo kahit sa kabilang buhay ikaw lang ang mamahalin ko"

"Mahal na mahal kita Cassandra kahit saang mundo kahit sa kabilang buhay ikaw lang ang mamahalin ko"

yan ang mga huling salitang binitawan nya bago sya tuluyang mawala sa paningin ko.

bago ako tuluyang mawalan ng malay.

yun nadin ang huling araw na magkita kaming dalawa.

mga sandaling kahit kaylan hinding hindi mawawala sa ala-ala ko.

mga huling sandali na pinaka masakit sa lahat.

Pero bakit sa kabila ng sakit na iyon may isang tao padin ang hindi maalis sa isip ko.

na kahit gaano kasakit para sa akin ang iwan ako ni vlad ay tila ba may isang parte sa aking puso ang iniisip kung kamusta naba sya.

Naalala ko ang mga sinabi ni vlad na may mahal na raw akong iba.

may mahal na nga ba akong iba?

hindi na nga ba si vlad ang mahal ko?

posible kayang mawala na lamang basta ang pagmamahal ko kay vlad?

"Cassandra" gulat na gulat ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

ang lalaking laman ng isip ko.

ang lalaking gumugulo sa puso ko.

ang lalaking hindi ko alam kung anong meron ngunit hindi mawala sa aking isipan.

"Paul? Pero bakit? Paano? Sinong nagdala sayo rito?" sunod sunod na tanong ko rito.

"Oh easy kalang sunod sunod tanong mo eh. diko alam ang uunahin kong sagutin eh" nakangiti lamang sya habang nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko lahat ng sakit at alalahanin ko nawala ng makita ko sya. Ang mga ngiti nya.

hindi ko maintindihan.

mahal ko na nga ba ito?

"Cassandra. Kung hindi ka na makakabalik sa mundo namin. Ako ang pupunta sayo rito"

-------------------

First Part :D

May kasunod pato.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon