[14.3] Vlad.

5.4K 72 4
                                    

School Festival Part III

-Paul's Pov-

Kanina pako nakakahalata sa magkakapatid nato isama pa si Julie. tawa ng tawa tapos biglang magbubulungan. ang sagwa kaya kakanta ka tapos may biglang tatawa sa gilid mo, feeling ko tuloy ako yung pinaguusapan nila.

Pero kapag lumilingon naman ako sa kanilang apat. Bigla silang mag "sshhh" mga sira ulo minsan nasisilip ko sa gilid ng mata ko pigil na pigil yung tawa ni Cassandra nakahawak pa sya sa bibig nya para di sya matawa.

"Yow! Lunch Break!" Sabi ng Vice President namin. Buti naman kung ganon, makakapag pahinga na ang lahat kasi nga lunch break.

Kakain na sana ko pero nakita ko yung apat andun parin nagtatawanan at nagbubulungan.

"Hindi paba kayo kakain?" sabi ng vice president namin.

Umiling naman silang apat sabay sabay pa haha!! parang mga kambal haha.

"Oy! Sali tayo sa talent show bukas masaya yun!!" sigaw ni Jullie Ecited na Excited pa.

"Anung meron don?" tanong naman ni Alison.

"basta! Mamaya pagdating sa bahay sasabihin ko sa inyo." sabi ni jullie.

"Jullie sasali ka na naman?" takang tanong ni Justin. tumango lang si Jullie tapos naglakad papunta sa Piano.

"Tara lunch break naman eh" yaya nya dun sa apat. umiling lang si Cassandra si Madeline naman parang pinagiisipan pa pero si Alison biglang natahimik.

Pagtingin ko dun sa tinitignan nya nakita kong nakatingin sya kay Ralph na may kausap na babae. Kilala ko yun ah? Yun yung Ex ni Raph eh bakit na naman kaya. Alam ko yung babae nakipag hiwalay kay Raph eh pero gang dun nalang alam ko.

"Paul babes! Kain tayoooo!!" Eto na naman si Jessica may dalang lunch tumabi sakin. hindi ko sya pinansin at tumingin lang kila Jullie pero tae ang kulit talaga ni jullie.

"Paul babes say aaaaah!" -__- Lumpo bako?? pssh kasura, hay hayaan na nga lang wala naman nakong magagawa eh sige.

Sinubo ko na yung pinapakain nya. MAsarap naman pala ngumiti lang ako sa kanya tapos eto na naman susubuan na naman ako.

O____O

"O-oy bat may ipis yan isusubo mo!" sigaw ko napatayo ako sa upuan ko nagtinginan naman mga classmate namin samin.

"P-papatayin mo bako!!" sigaw ko ulit sakanya. umiyak naman sya tapos umiling.

"H-hindi paul. p-promise wala akong nilagay na ipis dyan *sobs*" umiyak na sya ng tuluyan natakot siguro nun sinigawan ko sya. Hays ayoko naman magmukhang masama sa mata ng mga classmates namin. niyakap ko lang sya saka pinatahan. buti naman tumahan na sya.

"ayieeeh" Asar samin ng mga classmates namin. magpapaliwanag sana ko kaso nakita ko si Cassandra sabukot yung mukha nakapalung baba na nakatingin samin tapos umiwas ng tingin saka tumayo dun sa kinauupuan nya. naglakad papalayo.

susundan ko sana sya kaso hinila ako papaupo ni Jessica napaupo nadin ako habang nakatingin parin sa likod ni Cassandra na naglalakad papalayo.

"Oy tutugtog kayo?" sabi ni Alison kay Madeline.

"ayaw nyo naman eh kami nalang" sagot ni Jullie

Nagsimula ng maggitara si Madeline. Talented talaga tong magkakapatid nato pati pinsan nilang si Jullie.

Unang kumanta si Jullie sinundan lang ni Madeline Duet sila. Kahit gitara lang gamit nila maganda yung boses nilang dalawa malamig masarap sa pandinig.

-Cassanra's Pov-

"Vlad?" nakatulala lang ako sa isang nilalang na nasa aking harapan ilang hakbang lang ito nalalayo sa akin pero kahit na ganoon sigurado ako. Si vlad ang nilalang na ito.

"Vlaaaaad!!" tawag ko rito ngunit naglakad lang ito papalayo sa akin.

"Vlaaad!!!" Patuloy ko padin syang tinatawag pero hindi ako nito nililingon gang sa may nabangga akong mortal at nadapa ako.

hindi ko ininda ang sugat at pilay na natamo ko kahit iika ika ako tumayo lang ako at sinundan parin si Vlad. Nakakasiguro akong sya iyon.

Hindi ako maaring magkamali. kahit kelan hindi nabura sa aking isipan kung anu ang itchura ni vlad.

"Ano ba miss!" sigaw sa akin ng isang mortal. Tumayo lang ako at maglalakad na sana upang sundan syang muli ngunit hibalot ako ng mortal at hinawakan sa buhok.

"Walang modo ka ah!!" hawak nito ang aking buhok hinahatak nya ito hindi ako makakilos dala ng sugat sa aking binti at pilay sa aking paa.

"Bitawan mo ako!!" wala akong paki-alam kung sino kapa. *snap* wala na ako sa wisyo kung kaya ginamitan ko ito ng aking mahika at biglang lumutang ito sa himpapawid upang mapabitaw sa akin. tumayo na ako at agad na hinanp ng aking mga mata si Vlad ngunit hindi ko na ito nakita pa.

"Kyaaah! Ibaba nyo ko dito!!" takot na wika ng mortal na nasa himpapawid padin. naka-agaw tuloy ito ng pansin kung kaya pinagtinginan ito ng mga tao sa paligid.

Agad naman akong lumayo sa eksena at saka ibinaba ang mortal mula sa pagkakalutang nito at saka ako naglakad na pabalik. kahit iika ika ay bumalik ako sa aking mga kapatid at kamag-aral.

"Oy anung nangyari sayo?" nag-aalalang tanong agad sa akin ni Jullie. hindi ko ito sinagot at naupo nalang sa isang upuan.

Aaah ang sakit. tinignan ko yung paa ko namamaga at pulang pula nagdurugo din ang aking binti hindi ko ito magawang gamitan ng kapangyarihan upang mapagaling dahil napapalibutan kami ng mga mortal.

"ate anung nangyari sa iyo?" umupo sa aking tabi si Alison.

"Nakita ko si Vlad sa mundong ito" seryosong sagot ko rito atsaka sumandal sa upuan at ipinatong ang aking kanang braso sa aking mata ipinangtakip ko ito. nararamdaman ko kasing papatulo na ang aking mga luha.

"Vlad" bulong ko. ngunit tyak kong narinig ito ni alison.

"Sino si Vlad?" napapitlag ako sa aking pagkakasandal ng hindi si Alison ang magsalita kung hindi si Paul.

Muli na namang bumilis ang tibok ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa aking katawan.

"Talaga! Nakita mo si Vlad nasan?? Pero teka dba patay nayun?" nagpantig ang aking tenga sa aking narinig.

"Julliiieeee!!!" Pagsasaway ni Madeline at alison sa kanya.

-Paul's Pov-

anu bang nangyari sa babaeng toh iika ika ng bumalik dito tapos may sugat pa sa tuhod nakita kong lumapit sa kanya si Jullie, Alison at Madeline tapos nagusap sila. tumabi pa si Alison sa kanya.

Lumapit ako sa kanila nakita naman ako ni Alison pagkatapos ay tumayo sya at ako ang naupo sa tabi nya. si alison naman ang nakatayo ngayon at nakatingin lang samin.

"Vlad" bulong ni Cassandra napatingin ako sa kanya nakatakip yung kanang braso nya sa mata nya habang nakasandal sya. Na currious naman ako kaya tinanong ko kung sino yun.

Pero mali ata yung pagtatanong ko kasi.

"Talaga! Nakita mo si Vlad nasan?? Pero teka dba patay nayun?"nagtataka akong tumingin kay jullie pero mas nagulat ako ng sumigaw si alison at madeline. sinigawan nilang dalawa si Jullie

"Julliiieeee!!!" nakakatakot si Madeline at Alison. seryosong seryoso yung mga mukha nila,

"s-sorry" nangangatog sa takot na sabi ni jullie.

Anu bang meron sa magpipinsan nato. Sino si Vlad. Bakit ganon nalang reaction ni Madeline at alison ng sabihin yon ni Jullie at isa pa.

San ba talaga galing si Cassandra at ang pinaka huli sa mga tanong ko.

Ano ni Cassandra yung Vlad??

--
Edited

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon