[11] Princess Ingrid

6.5K 118 7
                                    

-Alison's Pov-

Pagkatapos na pagkatapos namin tumugtog sa harap ng buong paaralan lumabas na kami. Masaya kaming sinalubong ni Jullie dito s alikod ng entablado .

"Crafts" napako ang aming tingin sa dalagang nasa aming harapan nakasuot ito ng magarang damit na tila ba isa din itong mortal.

"Ingrid" punong puno ng galit na tawag ng aming kapatid na si Cassandra sa nilalang na nasa aming harapan.

"Nagkita tayong muli. anu at naparito kayo?" masayang tanong nito sa amin. ngunit walang tumutugon sa masayang tanong nito sa halip ay lumayo kami rito.

"Nagagalak akong makita ka, ngunit ikinalulungkot kong ipabatid sa iyo na marahil eto na ang huli nating pagkikita" hindi namin malayan na napag palit na ng kaanyuan ang aming kapatid suot na nito ang kanyang damit na para lamang sa mga mandirigma ng palasyo nakatutok ang wand nito sa dating prinsesa ng aming mundo.

"C-cassandra?" nagtatakang tanong ng dating prinsesa

"Bakit nagulat ka Ingrid hindi mo ba batid na ito na iyong kamatayan?" wala sa wisyong wika ng aming kapatid.

Nais sana namin itong pigilan ngunit huli na ang lahat tumilapon sa hindi kalayuan ang katawan ng dating prinsesa ngunit hindi manlang ito nakatanggap miski maliit na pinsala.

"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa Cassandra!!" Ma-autoridad na tanong ng dating prinsesa.

"sa aking palagay eto ang nararapat mong danasin. Ang mamatay mismo sa aking harapan dating prinsesa!" galit na wika ni ate cassandra atsaka ito muling sumugod sa dating prinsesa.

*boooogsh!!*

-Paul's Pov-

*boooogsh!!*

"Teka anu yon!!" sigaw ni justin. biglang may sumabog na hindi namin malaman kung saan.

Ilang pagsabog at pagyanig pa yung naramdaman namin at lahat ng andito sa school nagkakagulo na. lahat natatakot at hindi alam yung gagawin samahan pa ng sigawan at iyakan ng lahat.

*boooogsh! may tumilapon sa harap namin.

Isang magandang babaeng sugatan, may dugo sya sa labi sa hita at sa katawan. punit punit narin yung damit nya.

"PAre umalis na tayo dito!!" sigaw ni raph atsaka nya ko hinila papalabas. pero bago nila ako tuluyang mahila papalabas narinig kong nagsalita yung babaeng sugatan at sumigaw.

"Pagbabayaran mo ang iyong kalapastanganan Cassandra!!"

Cassandra??



Si cassie??



Sya bayun??



At sino ang babaeng yun?



Bakit nagkakagulo sa school namin.

- Jullie's Pov-

Hindi ko na alam ang gagawin ko hindi ko alam kung kanino ako dapat kumampi pero mali! wala akong dpat kampihan! Hindi sila dapat nag-aaway higit sa lahat alam dapat nila na wala kami sa aming mundo andito kami sa mundo ng mga mortal at malaking kaguluhan ang mangyayari kapag nalaman na may witch na nagaaral sa school nato.

"Pigilan nyo sila. parang awa nyo na" sabi ko kila alison pero hindi nila ko sinagot at hinila papalabas lang ng gym.

"ano ba!! pigilan nyo sila!!!" sigaw ko sa kanila pero hindi padin nila ko binibitawan at patuloy parin sila sa paghila sakin.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon