"I don't drink too much. I'm not alcoholic"

"Same lang tayo. Mahina ang katawan ko pagdating sa alak. Hindi talaga strict ang parents ko" natatawa kong sabi.

"Oh. So you lied huh" tumango ako at natatawa.

"One time nga nung nagka problema ako sa bahay. Sumama ako sa inuman. Pinilit ko yung sarili ko na tunggain yung mga alak kaya ayun, nahimatay ako. Buti nga buhay pa ako" he chuckled and became serious again when he noticed my stares at his dimple. Doon talaga ako madalas nakatingin kasi bihira niya lang ipakita.

"Alcohol is not a solution to any problem. You can talk to someone"

"Alam ko. Nag try lang naman ako. Nung nalaman ko na hindi ko pala talaga kaya. Never na akong nag try."

Tumingin ako sa wrist watch ko at alas dose na pala. Kailangan ko ng umuwi. Ako talaga si Cinderella. Dapat hindi lumagpas ng twelve ang uwi ko kundi paktay ako kay mama.

"Mauuna na ako."

"Alone?" Tumango ako at tumayo para tawagin si Ricci. Nilingon ko siya nang tumayo din siya kasabay ko. Bigla akong nahiya sa tangkad niya.

"Ricci. Uuwi na ako"

"Hatid na—"

"Huwag na. Malapit lang ang bahay ko." Kumaway na ako para hindi na sumunod si Ricci. Alam ko kasing magpupumilit na naman siya.

"Byee Rhein"

"Ba bye. Bye sirr" paalam ko sa kanila.

Inayos ko ang gusot gusot ko ng damit at isinukbit ko na ang bag ko para umalis na.

"It's dark outside. Do you mind if I walk you through your house?" Seryoso niyang alok. Ang hirap tanggihan pero ayoko namang hayaan siyang samahan ako samantalang tinanggihan ko nga yung best friend ko.

"Huwag na. Salamat. Malapit lang yung bahay namin." I smiled to assure him I'm fine.

"Okay. I'll just watch you outside." Sumunod nga siya sa labas sakin

"Ayos lang ako" Tiningnan niya lang ako at hindi na nagsalita.

Dere deretso na yung lakad ko paalis. Lumingon pa nga ako at nakita ko siya na nasa entrance pa ng bar at nakatanaw sakin. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Hindi naman na bago sakin na may nagpapakitang motibo na gusto ako. Pero ito kasing si Hilton, mukhang hindi niya naman ako gusto. Parang normal lang na gesture niya. Kaya nakakairita na nakaka kilig.

Kinabukasan ay muntik pa akong ma late sa subject ni sir Malate. Nagtawanan pa sila kasi mas mukha pa daw na ako yung may hang over kahit hindi naman ako uminom.

Eh pano ba ako makakatulog kagabi na sa tuwing pipikit ako ay yung ngiti ni Hilton yung nagfa flash sa utak ko. Jusmeyo. Nakakalaglag panty yung ngiti niya kahit isang beses niya lang ginawa kagabi. Tapos nag overthink pa ako dun sa part na bakit niya ako hinatid? Bakit ako lang yung kinausap niya? Mhiee. Ayoko naa. Alam kong baka hindi na kami mag meet. Pero yung mukha niya nakatatak na sa utak ko.

Sa sobrang harot ko. Sinaulo ko yung bawat anggulo ng mukha niya kagabi. Mas sinaulo ko pa nga siya kaysa sa pag review sa quiz namin mamaya.

Mahina kong sinampal ang sarili ko. Wake up naa. Akala ko tapos na ako sa thoughts na yan. Kailangan nating mag focus baka hindi tayo makagraduate sa kalandian. Rhein, rhein. Gising

"Excuse me lang class" natigil sa pagsasalita si sir Malate nang may pumasok na matangkad na lalaki sa classroom namin. Parang automatic akong nagising. Nandito siya giirl. Napaayos ako ng upo at inayos ko yung buhok kong hindi nasuklay ng maayos sa pagmamadali. I wonder how I look today.

"You're going back to Manila?"

"Yeah. Can you get the box she's talking about?"

"Sige. May klase pa naman ako"

Halos lahat ng babae ay nakanganga sa lalaking mala-diyos ng kaguwapuhan. Akala ko antok lang ako kagabi kaya sobrang guwapo niya sa paningin ko. Pero hindi mhiee. He's guwapo talagaa.

"Class. Sorry for the inconvenience. We'll continue tomorrow. You may work with your groupmates for today."

Nagsitayuan na kami para pumunta ng library. Kailangan kong mangalap ng sources para sa research paper namin. Pero yung malanding part ko ay binubulungan ako na mamaya na ako umalis kasi lalapit pa yan sakin. Hayy. Antok ba ako o nasiraan na ng ulo?

"Sunod na lang ako, Trish" pero sinunod ko pa rin yung kalandiang bumubulong sakin.

"Sige. Sa library tayo" tumango ako at pinanood na makaalis ang kaibigan ko. Nagtataka pa nga sila kung bakit ako magpapaiwan. Syempre hindi ko palalagpasin ang araw na ito. I heard na babalik na siya ng Manila. Baka hindi ko na siya makita pa.

Nag uusap pa sila ni sir Malate. Bigla akong nahiya dahil ako na lang ang estudyante na naroon pa. Dahan dahan akong naglakad palabas ng room. Nakakahiya talaga itong ginagawa ko. Bakit niya naman ako lalapitan? Ang stupid mo naman talaga Rhein. Narinig ko na nagpaalam ng aalis si sir Malate.

Bago pa man ako makalabas ng room ay tinawag ako ni hilton. Pakiramdam ko ang ganda ganda ng pangalan ko. Hindi ko na naman maintindihan ang kabog ng dibdib ko. Lord. Ganito ba ako karupok? Kakakilala ko pa lang sa kaniya kagabi.

"Thesis?"

Awkward akong ngumiti at tumango.

"Is that your topic? Can I see?"

Nanginginig ang kamay kong binigay sa kaniya yung printed namin na research paper. Sinuri niya yun na sobrang ikli pa lang na introduction. Nakatitig ako sa kaniya habang nakakagat labi. How can he be so gorgeous like this?

"You got an interesting topic. It's easy. You want me to help you?"

"Ah" shet. Magsalita ka naman Rhein. Kagabi ang daldal mo.

"Are you okay?" Hindi. Sino bang magiging okay lang dito na kaharap ang ganiyan kaguwapong nilalang? Kanina gustong gusto ko siyang makausap. Ngayong kaharap ko na siya ay halos maestatwa ako dito sa kinatatayuan ko.

"Oo. Salamat na lang. Nakakahiya naman sayo kung aabalahin pa kita" pakipot ko pang sabi.

"It's fine. I insist"

"I-ikaw bahala." Matalinong foreman naman ito. Bigla akong natawa sa sarili ko. Well, handa naman akong pumatol sa isang foreman. Basta Hilton lang ang pangalan.

Tumango siya at sumandal sa may pader sa likod niya.

"Akala ko uuwi ka ng Maynila"

"Ah yeah. Just had an order from my sister" binabasa niya pa rin ang papel na hawak niya.

"Ah okay. Tapos bakit si sir Malate yung pinuntahan mo?"

"He's my sister's husband"

"Kaya palaa. Sige kung gusto mo, sayo na yan na papel. Magpapa print na lang ako ng bago. Sasabihin ko kina Rebecca na may tutulong na samin. May bayad ba?" Nakangisi kong tanong. Kinapalan ko na ng bongga ang aking mukha.

"What? No. I'll just get your number"

"Di bayad din yun" nagtawanan kami. Oo kami. Napatawa ko siya mhiee. At talagang yung dimples niya sa kanang pisngi ang nakakaagaw ng atensyon ko. Juskolord. Gusto ko na lang umikot ng umikot at yumakap sa kaniya.

Kumuha ako ng sticky note at mabilis na isinulat ang numero ng cellphone ko.

"You got a weird style of writing"

"Yes. Because I'm unique" pabiro kong sagot. Siguro na amaze din siya sa paghawak ko ng ballpen na iniipit ko sa hintuturo at middle finger kong daliri.

"Yeah you are." Nakatitig siya sakin na para bang inuungkat niya ang kaluluwa ko. Kaya ngumiti na lang ako para iwas awkward. Sus. Kung hindi ka lang talaga guwapo Hilton. Nakoo.

I smiled the moment I woke up in bed. I dreamt about how it all started. It feels like it just happened yesterday. Those were the days but I will carry those beautiful memories of ours wherever i go..

With him..

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon