21

9 3 0
                                    

I didn't know how she found me but I saw that she meant no harm when I saw her clear eyes so I met up with her

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I didn't know how she found me but I saw that she meant no harm when I saw her clear eyes so I met up with her. Honestly, I was worried she'll be repulsive but no. Mabait siya sa akin.

Mabait ang nanay ng mapapangawa niya. The one I'm talking about is his soon to be wife's mother. Hindi ko alam kung bakit nito ako kinakausap ngayon.

"Bakit po nandito kayo at kinakausap ako?"

"Wala naman. Nasabi sa akin ni Denver ang totoo kaya gusto kong makita ka. At masasabi ko na hindi siya nagkamali. Mukha kang mabait."

Napayuko ako noong sinabi nito iyon.

"You love him, right?"

Napaangat ang tingin ko.

"Kaya may hihilingin sana ako sa 'yo..."

Hindi ko alam ngunit base sa tono nito, kinabahan ako. Hindi nga ako nagkamali noong narinig ko ang sunod nitong sinabi.

"Pwede bang huwag ka nang makipagkita kay Denver kahit na siya ang pumunta sa 'yo?"

Napalunok ako at nablangko ang utak. Gusto kong humindi. Gusto kong sabihin na wala ito sa lugar para hingiin sa akin iyon ngunit sa huli, hindi ko ginawa.

Dahil sa totoo, may karapatan naman ito. Ina ito ng babaeng papakasalan niya. Ako, ano ba ako? Wala naman.

Kahit labag sa kalooban ko, pinilit kong ngumiti at tumango sa kaharap ko.

Mukhang nakahinga naman ito nang maluwag at ngumiti sa akin pabalik.

"Salamat. Matagal na naming plano itong kasalan sa pagitan ni Denver at Marissa. Bata pa lang silang dalawa, planado na ang kinabukasan nila. Mabait na bata si Denver... masunurin sa mga magulang. Kaya kahit nagkaroon siya ng relasyon sa 'yo, alam naman namin sa huli ay susundin niya ang kagustuhan ng mga magulang. Lilipas din ang pambatang pag-ibig ninyo sa isa't-isa. Masaya ako na naiintindihan mo kami na gusto lang namin na maging maayos ang buhay niya."

Hindi pa rin ako nagsasalita dahil pakiramdam ko, nangangapal ang lalamunan ko. Mabigat ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.

"...Sa huli, mag-aasawa pa rin kayo at bubuo ng pamilya dahil iyon ang tama. Ikakasal na si Denver, Gareth. Iyon ang pangalan mo, hindi ba? Sana ay ganoon ka rin; makahanap ng babaeng papakasalan. Maigi na bumuo kayo ng sari-sarili ninyong pamilya para kapag dumating ang panahon, may mag-aalaga sa inyo."

May mga sinabi pa ito pero blangko na ang utak ko. Ayaw ko itong pakinggan. Ayaw kong tumatak ang mga sinasabi nito pero hindi ko magawa dahil sa kabila ng sinasabi nito, alam kong gusto nitong 'mapabuti' ako; kami ni Denver. Ngunit hindi naman iyon ang gusto ko.

Ayaw kong magpakasal sa isang babae dahil iyon ang dikta ng karamihan. Ayokong manira ng buhay ng iba dahil sa huli, alam kong hindi ko kayang magmahal ng iba. Siya lang ang gusto ko.

I don't want to drag someone to my miserable life. Tama nang mag-isa lang ako.

Pero sa kabila ng mga sinasabi niya... alam kong mabait siyang tao. He will have a good mother in law.

"...Kumusta na po siya?"

Natigilan ito sa naging tanong ko subalit sinagot pa rin naman ako.

"He's with my daughter. They're doing good. They're out of the country for now and thinking of having a wedding at the end of the year."

Mapait akong napangiti kasabay ng pagkirot ng puso ko. I'm... I'm happy that he's doing fine with his soon to be wife. It's... good.

— Gareth

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now