17

14 3 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nakapagpaalam ako sa opisina at pinayagan naman ako dahil ilang taon ko na ring hindi nagagamit ang leave ko. Simula noong magtrabaho ako ay hindi pa ako nagkaroon ng pagliban at maganda rin naman ang trabaho ko.

Natuloy din ang plano naming bakasyon at sobrang saya ko. Dahil isang linggo ang binigay sa aking vacation leave, nagpasya kaming pumunta sa  kabilang bayan pero maraming tinayong pasyalan.

Unang beses kong sumakay ng Ferris’ Wheel dahil malululain ako. Pero dahil kasama ko siya, pinilit kong harapin ang takot ko. Hindi niya rin binitiwan ang kamay ko sa buong durasyon ng pagsakay namin. At noong nasa tuktok kami, sinabi niyang buksan ko ang mga mata ko. May takot man, sinunod ko siya.

That's when I saw the setting sun and I was in awed. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko pero nakita kong napangiti rin siya noong makita niya ako.

"I love you," bulong niya sa akin at kinulong ako sa isang mahigpit na yakap.

Pinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw habang nakasakay sa Ferris' Wheel.

Ilang araw din kaming namasyal sa bayang iyon at marami akong nabiling mga pasalubong. Huling araw na namin ngayon at bukas ay babalik na kami. Kumakain kaming dalawa nang mapansin kong matagal siya na tumitig sa akin na hindi ko maiwasang hindi magtanong.

"May problema ba?"

"I-I’m marrying someone, Love."

Bigla akong nanlamig at pakiramdam ko ay may bagay na nakabara sa lalamunan ko na hirap akong lumunok.

"G-Ganoon ba?"

Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na nangingilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ko. Siguro ay dahil inaasahan ko na rin na makikipaghiwalay siya sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon.

Tinupad niya rin ang hiling ko. He's gentle with his words but it made my world crumble. Masaya dapat ako dahil kahit bago mangyari ito, binigyan niya ako ng oras na manatili pa sa tabi niya.

Ngunit kahit handa pala ako, hindi pa rin noon mababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa mga salitang binitiwan niya.

He's getting married and it's not with me because that's the reality I have to face. Hindi kami pang-habambuhay dahil kahit anong gawin, hindi tanggap ng lipunan ang pag-ibig namin sa isa't-isa.

People around me despise this kind of love I have for him. For them, it's immoral and sinful. And now, for him, he's getting back to the straight path. Unfortunately, I was left behind.

— G.

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now