3

32 6 1
                                    

Lunch time came and my co-workers saw that I brought a lunch box with me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lunch time came and my co-workers saw that I brought a lunch box with me. They flocked over to see what food did I bring.

Pagbukas ko ng lid ng box, nakita kaagad nila ang Caldereta.

"Wow, can I ask for some, Ga?"

Ngumiti muna ako bago nagbigay ng sagot. "Hindi pwede."

Nawala ang ngiti ng katrabaho ko dahil sa naging sagot ko. Pero bakit ko naman ibibigay sa kanila ang nilutong pagkain ng mahal ko? I'm telling this people, it's impossible.

I saw how love woke up early just to cook this food for me and they'll just get it easy? No.

"Ang damot naman ni Ga."

Muli akong ngumiti bago sumandok ng pagkain at tinikman iyon sa harap ng mga katrabaho ko. Nakita ko pang napalunok sila na lihim kong kinatawa.

"Ang swerte nitong si Ga, e. Ang bait ng girlfriend. Laging may baong pagkain tapos ito namang kaibigan natin, hindi tayo gustong patikimin," ani ng isa sa kanila.

"My love cooked this for me," depensa ko naman.

Pinaikutan nila ako ng mata bago bumalik sa  pagkain nila. Mayamaya't ang sulyap nila sa kinakain ko na nagpabuntonghininga sa akin.

Dahil busog naman na ako at marami-rami pa ang Caldereta, inabot ko sa kanila ang lunch box.

"Here. May kaunti pa."

Mabilis na nawala sa kamay ko ang hawak at nakita ko na lang na ubos na kaagad ang laman ng lalagyan na nagpalaki ng mga mata ko.

Wow.

"Ang sarap naman! Ga, may kapatid ba iyong girlfriend mo? Pakilala mo naman. Magaling din ba magluto? Mag-aasawa na ako kapag ganito kagaling ang girlfriend ko."

I just smiled. I couldn't tell them that it's not a girlfriend but a boyfriend. Bukod sa tingin ko ay magugulat sila, baka magkagusto pa sila sa mahal ko. Mahirap na, hindi ba?

Also, I don't think that they would support me. Kaya kung kailangang itago ko siya, iyon ang gagawin ko.

Hindi pa handa ang mundo sa pag-iibigan naming dalawa. Maraming mapanghusgang mata. At para hindi siya masaktan, kahit masakit sa parte ko na hindi maipagsigawan ang pagmamahal sa kanya, kuntento na rin ako na kasama ko siya.

As long as he's with me, it'll be alright.

— G.

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now