4

16 5 1
                                    

I had a rare chance of getting out early from work

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I had a rare chance of getting out early from work. Kaya noong maaga kaming pinauwi ng boss namin, hindi ako sa bahay dumiretso kundi sa office nila.

Malapit na ang labasan nila kaya naghintay ako sa labas. As I wait for my love to come out, I also bought a buko juice on the stall beside me.

Pinalagay ko iyon sa plastic at panay ang tingin sa main door ng mataas na building. Sa bakante kong kamay, sinilip ko rin ang oras.

Isang minuto pa pala bago makalabas ang mahal ko. Hindi nga nagtagal, nag-awasan na ang mga empleyado. Tinanaw ko naman kung palabas na siya at dumapo ang mga mata ko sa kanya na kalalabas lang.

Tatawagin ko na sana siya noong makita kong may babae na nakahawak sa braso niya.

Hindi ko alam kung tumabingi ba ang mga labi ko at nauwi iyon sa ngiwi. Isa lang ang masasabi ko, may kumirot sa loob ko.

I hate to see him with other people especially with girls. Alam ko kasi na kahit kailan hindi ako magiging babae. Masama bang ganito ang maramdaman? Hindi ko alam. Basta alam ko sa sarili kong mabigat ang loob kong makita siyang may kasamang iba.

Naglakad siya palabas habang nakakapit pa rin ang babae sa kanya at masaya silang nagtatawanan na lalong nagpabigat ng kalooban ko.

Tatalikod na sana ako nang mamataan niya ako. Inalis niya ang hawak ng babae sa kanya bago lumapit siya sa direksyon ko.

"You're here, Ga. You got early?"

Hindi niya ako madalas tawagin sa ganoong tawag kaya sandali akong natahimik at hinamig ang sarili. Tumitig ako sa kanya at tumitig siya pabalik na nakikiusap ang mga mata.

Maliit na lang akong ngumiti. Oo nga pala, hindi niya akong pwedeng tawagin sa endearment namin dahil nasa pampublikong lugar kami.

"Maaga akong nakalabas sa trabaho kaya dinaanan kita. Ito nga pala, binilhan kita ng inumin."

Inabot ko sa kanya ang buko juice na binili ko. Ito ang paborito niyang inumin kaya kahit sakto lang ang perang dala ko, bumili ako para sa kanya.

Kinuha naman niya iyon at balak nang inumin noong magsalita ang babae na nakasunod sa kanya.

"Are you sure that it's clean? You just brought it on the roadside. Denver, you can't drink it."

Pareho kaming natigilan noong marinig ko iyon. At kahit hindi naman siguro sadya ng babae ang sinabi, nakaramdam pa rin ako ng panliliit.

Lumunok ako at pinilit pa ring ngumiti. "M-Malinis naman iyan. Kilala ko si Manong na nagtitinda at alam kong hindi siya madumi gumawa ng produkto."

Nakita ko ang pagsimangot ng babae bago ito bumaling sa kanya.

"Den, sino siya?"

Tumingin siya sa akin at kita ko ang sandaling pag-aalinlangan sa mga mata niya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Marissa, this is Gareth. He's my bestfriend."

Ngumiti ako sa babae kahit na sumakit ang tiyan ko noong marinig kung paano niya ako pinakilala.

I can't even say to her that he's my beau.

I didn't know that this will hurt this way.

— G.

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon