25

10 3 0
                                    

It's my rest day and in a spur of the moment, I went to the nearest mall to unwind

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.


It's my rest day and in a spur of the moment, I went to the nearest mall to unwind. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa department store at napunta ako sa baby's section. Doon, nakita ko ang mga nakasabit at nakatiklop na magagandang damit ng bata.

Lumapit ako sa isang seksyon ng mga damit at dumampot ng dinosaur printed onesies. Habang pinagmamasdan ko ito, naisip kong bagay siguro ito sa anak niya.

Sa utak ko, naisip ko na ang baby na kamukha niya at suot ito. Malungkot akong napangiti at humigpit ang kapit sa hawak. Sa huli, dinala ko iyon sa counter para bayaran at ipabalot bilang regalo.

If I give this clothes as a gift for his child, will he like this? I hope so.

Habang bitbit ang paper bag, wala sa sarili akong naglibot at natuloy sa isang fastfood sa loob ng mall. Kumain ako roon nang mag-isa. Ngunit nang patapos na ako, may taong tumayo sa gilid ng table. Pag-angat ko ng tingin, siya ang bumungad sa paningin ko na kinabigla ko. Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko, nagbabakasali na guni-guni ko lamang iyon ngunit totoo ang nakikita ko. Narito siya sa harapan ko.

He's looking at me with complicated expression and I just smiled.

"Ga..."

Tumayo ako at bago pa makapag-isip, kinuha ko ang dala kong paper bag at inabot sa kanya. Nagtataka na kinuha niya iyon bago nagtanong.

"W-What is this?"

"That's my gift for your baby. Congratulations, Den."

Nanlaki ang mga mata niya at tinangka akong abutin ngunit umiling lang ako. Muli, sinabihan ko siya ng pagbati bago ako umalis doon. Nawala rin ang ngiti sa mga labi ko habang naglalakad palayo.

Tinikis ko ang sarili kong huwag lumingon dahil baka bumalik ako sa harapan niya at makiusap na kahit patago, maging kami uli dahil mahal na mahal ko pa rin siya.

No. I can't do that.


— Gareth

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum