5

10 5 1
                                    

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


He's sleeping beside me. Habang pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog, napapaisip ako.

Ganito kaya kami sa hinaharap? In the future, I still wish that I could wake up beside him and the first one that I would see is his face.

Maraming bumabagabag sa isipan ko. Lalo na sa kung anong meron na relasyon kami ngayon. Magtatagal ba ito? Hindi ko masasabi.

Hindi naman sa nag-iisip ako nang masama o kung ano. Pero kahit mahal ko siya, hindi ko alam kung bukas ba, kasama ko pa siya.

But one thing's I'm sure of, I really love him. If I could give my life for him, I'll gladly do it.

Muli ko pa siyang pinagmasdan at tinaas ang kamay ko para haplusin ang mukha niya. Narinig ako na bumulong-bulong siya at nagulat ako nang idantay niya ang braso niya sa itaas ng tiyan ko para hapitin ako palapit sa kanya.

"Sleep, Love. It's still early..." bulong niya sa akin at mahigpit akong niyakap.

I smiled even though he couldn't see that. Pinikit ko ang mga mata ko at yumakap sa kanya pabalik.

Bahala na bukas. Basta masaya akong kasama ko siya ngayon. Bukas ko na iisipin ang kinabukasan naming dalawa.


- G.

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora