18

11 3 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nakatingin ako sa labas ng bintana habang binabagtas ng bus ang daan pauwi. Madilim na. Iilan lang ang mga posteng gumagana ang ilaw. Katulad ng kalangitan ngayon na madamot ipakita ang mga bituin na kinakalinga nito.

Siguro kung ipaliliwanag ang nararamdaman ko ngayon, katulad iyon ng mga nabanggit ko sa itaas. Mabigat. Madilim. Nanlulumo. Halo-halo ang lahat ng emosyon ngunit nangingibabaw ang kawalan ng pag-asa at sakit na parang tagos hanggang buto.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinandal ang ulo sa salaming bintana.

Naalala ko ang mukha niyang puno ng luha habang pinanonood akong mag-empake ng mga gamit ko. Isang yakap mula sa likod ang nakuha ko mula sa kanya ngunit hindi pa rin ako tumigil.

"Love, I love you. Please—"

Sandali akong tumigil at tumingala para hindi na tumulo ang luha sa mga mata ko bago ko siya hinarap. "M-Mahal din kita..." nanghihina kong sabi sa kanya.

"I don't want this... I don't..."

Umiling ako at pinilit na ngumiti sa kanya. "Alam kong hindi mo gusto. But this is what they want. You already said yes to them."

Mas lalong nagtuluan ang mga luha niya. Ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Gusto kong punasan ang mga iyon sa pisngi niya ngunit paano ko papawiin iyon kung durog na durog din ako ngayon? Maging ako, hilam na hilam ng luha ang magkabilang mata.

"Ga..."

Natapos na akong mag-impake at saka ko siya hinarap. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Pagkatapos noon ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi para patakan ng halik ang noo niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"M-Mag-ingat ka, ha? Alagaan mo ang sarili mo. Mahal na mahal kita, Den."

Bago pa magbago ang isip ko, kinuha ko na ang bag ko at tuloy-tuloy na lumabas paalis ng bahay bakasyunan at maging sa buhay niya.

We finally reached the ending of us. I... I don't want it to end but I got no choice. We got no choice.

— G.

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now