19

14 4 0
                                    

I tried so hard to take him off my mind but I couldn't

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I tried so hard to take him off my mind but I couldn't. Ganito siguro dahil bago pa lang kaming hiwalay, ano? Masasanay rin ako na wala siya sa tabi ko; na oras na umuwi ako sa apartment namin, wala na akong taong hihintayin at makakatabi sa kama tuwing balak ko nang matulog.

Una lang ito. Masasanay rin ako.

Huminga ako nang malalim at pinilit na ayusin ang ginagawa ko noong may tumabi sa akin. Paglingon ko, isa sa katrabaho ko iyon.

"Ga, bakit parang ang tahimik mo? May gumugulo ba sa isipan mo? Maaari ba akong makatulong?"

Iyon ang naging tanong nito sa akin na umiling lang ako. Gusto kong magsabi ng problema ko. Pero alam ko naman na hindi nila ako maiintindihan. Ayoko rin mahusgahan nila. Iilan lang ang taong bukas ang isipan tungkol sa amin. Alam ko naman na pandidirihan nila ang isang katulad ko kapag nalaman nila ang totoo.

Iyon ang ayaw kong maranasan niya. Kaya nga una pa lang, hinanda ko na ang sarili ko na may hangganan ang tungkol sa aming dalawa. Mahal niya ako ngunit hindi lahat ay madadaan sa pagmamahal.

He's bound to marry someone else. Tanggap ko naman iyon.

Noong kinausap niya ako tungkol sa pagpapakasal niya, alam kong gusto niyang pigilan ko siya. Nabasa ko iyon sa mga mata niya. But I don't want to. My decision hurt me but it's better for him to get married to someone normal. Hindi ang tulad kong isang lalaki ang dapat pakisamahan niya dahil umpisa pa lang, sa mali na nagsimula ang relasyon namin.

"Ga, you're spacing out. May problema ka, ano? Tingnan mo, you lost a lot of weight. Are you eating on time?"

When my colleague asked that, I don't know but I suddenly remembered him.

He likes to worry about every little things. Kahit na bumahing lang ako, kabado na siya na baka magkasakit ako. Ang dami niyang ginagawa para lang masiguro na maayos ako. At ang isipin na sa mga susunod na araw ay hindi ko na siya makakasama pa, parang hinugot ang puso ko mula sa katawan ko.

"And now you're crying, Ga. Hala, Ga. I'll hug you, ha? Go on, cry."

Isang yakap mula sa katrabaho ko ang natanggap ko na kinapikit na lang ng mga mata ko.

As much as I wanted to deny, I miss him. I really really miss him.

— Gareth

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now