20

10 4 0
                                    

Nautusan kami ng boss namin na mag-close ng isang deal sa investor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nautusan kami ng boss namin na mag-close ng isang deal sa investor. Dahil malaki ang ambag ko sa ideya na ginamit sa proposal, isa ako sa pinadala para kausapin ang potential investor.

We met that investor inside a private room from a restaurant. Good thing that we successfully closed the deal and it made me happy achieving something again.

Ngunit noong palabas na kami sa restaurant, may nahagip ang mga mata ko.

Nakita ko siya. Kasama niya ang pamilya niya. Minsan na kasi niya akong pinakilala sa ama't ina niya at hindi ko nalimutan ang itsura nila.

How can I forget them when I saw how they looked down on me? Hindi man ako nakarinig nang kung anu-ano mula sa kanila, ramdam ko ang pandidiri mula sa mga mata nila. They barely tolerated him because he's their son but not me. Mabuti na lang at hindi na naulit pa ang pagkikita na iyon.

I also saw... her.

She's the girl he's with when I visited him at his office. Sa isipin na tama ang hinala kong siya ang babaeng ipakakasal sa kanya, muli kong naramdaman ang pagkirot ng kalooban ko.

Sinulyapan ko pang muli ang direksyon nila at nakita kong masaya ang bawat isa maliban sa mukha niya. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang masayang nagkukwentuhan ang mga magulang nila kasama ang babae.

Still, I'm happy that he didn't look pale. Basta ba maayos siya, masaya na ako.

"Ga, tara na?"

Huling sulyap ang ginawa ko bago ako tumalikod sa kanya.

He's getting by. It's a good thing for both of us.

— Gareth

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon