16

9 4 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


One week had passed since he returned from his trip and he's staying at our apartment. I didn't ask him anything and he didn't explain things to me. May parte man sa akin na hindi komportable dahil alam kong may tinatago siya, hindi ko na lang binuhos ang atensyon ko roon.

Lahat naman tayo ay may sikretong tinatago. And he's entitled to have his privacy so I didn't dwell on it.

Papasok na ako sa trabaho at katulad ng dati, pinaghanda na naman niya ako ng babaunin na bumuo ng araw ko. At dahil gusto niyang ihatid ako, pumayag ako.

Tutal at maaga pa naman, napili naming maglakad na lang para tipid na rin sa pamasahe. Sayang din ang pera na matitipid ko.

Habang naglalakad kami, marami siyang naging kwento sa akin tungkol sa mga pinuntahan niya. Nangako rin siya na kapag pinayagan ako mag-leave, magbabakasyon kaming dalawa na sinang-ayunan ko.

Hindi ko alam kung mabilis lang lumipas ang oras ngunit narating namin kaagad ang opisina ko. Nagpaalam kaagad siya na aalis na habang ako naman, nanatiling nakatanaw sa kanya. Kung hindi lang ako sinita ng security guard at sinabing mahuhuli na akong mag-time in, hindi pa ako papasok.

Tama lang ba na maramdaman na mula noong bumalik siya, parang unti-unting lumalayo ang loob niya sa akin? Ayokong mag-isip nang masama ngunit parang may manipis na pader na nakapagitan sa aming dalawa na kahit ayaw niyang iparamdam sa akin, nararamdaman ko pa rin.

Baka sobrang pag-iisip ko lang ito.

Nakauwi ako sa bahay na wala siya. Wala rin siyang sinabi sa akin kung saan pupunta ngunit dahil nasa bahay naman ang mga gamit niya, naisip kong baka nasa malapit lang siya.

Naghahanda na ako ng pagkain namin para sa hapunan nang tumunog ang cellular phone na nasa sala. Sinagot ko iyon at tinig ng babae ang narinig ko.

Hinanap siya nito sa akin at nang sinabi kong walang siya rito, ramdam ko ang inis sa boses ng babae. Nagbilin pa ang babae na sabihin sa kanya na tumawag ito.

I don't want to doubt him but I can feel that  there's a connection between her why he's acting aloof all of a sudden.

Huminga ako nang malalim at pinili na iwaglit sa isipan iyon. He's still with me. That's what matters. And I will cherish every seconds with him. That's it.



— G.

Someone Like You (BxB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now