SDTR: Kabanata 44

Start from the beginning
                                    

"We are so damn late, Daddy." Nanghihinayang na sambit niya. Kinurot yung puso ko dahil nakikita kong paiyak na si Sebastian.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong may maliit na pwesto doon sa gilid malapit sa stage pero may nakaharang na bakal! Hinila ko si Ethan at binuhat naman niya si Sebastian.

"Excuse po, makikiraan lang po." Sambit ko pero siksikan ang mga tao at may ilang nagagalit pa dahil sa pagsingit namin.

"Claire, h'wag na. Masikip na dito, mahihirapan lang kayo ni Seb." Pag aalala ni Ethan, hindi ko siya pinakinggan. Sa halip ay mas hinila ko siya!

At nang makarating kami doon sa gilid ay pawis pawisan na kami.

"Are you okay?!!" Nakangiting sigaw ko kay Sebastian na ngayon ay nakahawak doon sa bakal, tumingala siya sa akin at nag thumbs up pa siya! "You're the best, Mama Claire!!" Sigaw niya at halos mapatawa ako nang dahan dahan siyang lumingon sa Daddy niya at nagtakip ng bibig saka mabilis na nag iwas ng tingin!

"Pilyo." Bulong ni Ethan sa tabi ko na siyang nagpangisi sa akin, pinunasan ng kamay niya ang noo ni Sebastian dahil pawis na ito.

Maya maya pa ay lumakas na ang sigawan dahil sa pagdating Chicosci! Panay ang talon ni Seb lalo na nang hawakan na ng bokalista ang mic at binati ang mga nanonood. Maraming tattoo ito sa katawan, medyo payat ng kaunti at maputi, messy ang buhok parang sadiyang ganun na talaga. Malakas ang dating niya sa aming lahat na nanonood.

Nagsimula na silang tumugtog at narinig kong sinigaw ni Seb ang title non! "Seven black roses!" Sigaw ni Seb, ngumisi si Ethan at binuhat niya ang anak saka isi akay ito sa balikat niya, panay ang sabay ni Seb sa pagkanta gamit ang maliit na boses niya habang ikinukumpas ang kamay sa ere!

Panay ang halakhak namin ni Ethan dahil minsan ay mali mali pa ang lyrics ni Seb pero tama ang tono!

"Anak! H'wag masyadong malikot mahuhulog ka!" Natatawang suway ni Ethan sa kanya pero parang walang naririnig si Seb.

Lumulundag ang puso ko sa tuwing makikita ko kung paano mahalin ni Ethan ang anak niya. At masayang masaya ako kapag nakikita kong masaya rin siya.

Nagpatuloy ang mall show at sigawan ng mga audience, parang halos lahat ng tao ng mall ay nanonood na at sinisigaw ang pangalan ng bokalista.

"Pareng Miggy!! Magasin naman diyan!" Sigaw ni Sebastian iyon na nagpahalakhak sa amin ni Ethan, pawis na pawis na si Seb at ganoon rin si Ethan na kahit medyo pagod na sa pagbuhat kay Seb ay hindi niya pinapansin ang pagod.

"Magasin!" Ulit ni Seb at nakuha niya ang atensyon ng bokalista, mabilis lumapit sa amin ang bokalista ng banda na siyang mas lalong nagpasaya kay Sebastian.

"Magasin! Magasin!" Paulit ulit na sigaw ni Seb na nagpahalakhak sa buong banda. "What's your name, little man?!" Usisa nung bokalista.

"Sebastian!" Masiglang sigaw ni Seb doon sa microphone.

"Your Mom and Dad are with you?" Patanong na sambit nung bokalista na nagpatibok ng malakas sa puso ko, ramdam kong napatingin sa akin si Ethan pero hindi ko na lamang pinansin iyon dahil alam kong iniisip nanaman niya kung anong nararamdaman ko, "Yes, Kuya Miggy! Favorite po namin yung Magasin!" Sigaw ni Seb, kinarga nung Miggy si Seb at isinama sa stage, nagsigawan ang mga tao nang bigyan din ng mic si Seb at nagsimula nang tumugtog ang banda!

Sumagi sa alaala ko nung panahong nagpunta kami ni Ethan sa Olonggapo Beach kasama si Seb, kinanta namin iyon sa kotse ni Ethan nang pabalik kami sa Manila, isa na yata yon sa pinaka magandang alaala na sa tingin ko ay kailanma'y pahahalagahan ko. Noong panahong alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ako nagdalawang isip na ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya na sa huli ay naisipan ko pa rin siyang talikuran.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now