CHAPTER 42

24K 413 71
                                    



"Eh bakit nga ganon ang sinabi mo? Paano na yan ngayon? I'm sure galit sayo si Princess pati na sa amin." Sabi ni Bullet kay Clark, agad silang nagpunta ni Marcus sakay ng helicopter nito ng tawagan siya ng binata at sabihin na nagpunta ng Baler si Princess. At kahit hilo pa at masakit ang ulo ay pinilit nila ng kaibigan na bumiyahe papunta dito. Akala din nila ay maaabutan nila ang dalaga pero nakaalis na pala kanina pa pabalik ng Maynila.

"Eh diba yon naman talaga ang plano mo? Ang umiwas sa akin si Princess? Kung hindi ko yon sinabi sigurado akong hindi siya aalis dito o kaya naman isasama niya 'ko pabalik ng Maynila." Sagot naman ni Clark, nakokonsensya na nga siya dahil nakita niya kaninang umiiyak palabas ng resort si Princess at kahit gusto niyang habulin ito at yakapin ay nanatili pa din siyang nakatingin lang dito. Pinilit niyang wag maging marupok lalo pa at naniniwala na siya ngayon sa sinabi ni Bullet na nagiging distraction siya kay Princess, he never expect that she will went here to see him. 

"Pero iba na nga dahil alam niya din na kami ni Marcus ang kumausap sayo." Sabi na naman ni Bullet, Clark just told them that Hugo is behind of this. Kinuwento pala ni Princess sa binata na kay Montero nito nalaman kung nasaan si Clark, at mamaya lang talaga sa kanila ang Hugo na yon. Sabi na eh, ito talaga ang madaldal sa mga kaibigan niya.

"Kausapin na lang natin si Princess pagbalik sa Manila Fierro, wag na natin itong gawing big deal. Tangina inaantok pa ako alam mo ba yon?" reklamo ni Marcus kay Bullet, natutulog pa siya kanina ng walang tigil sa pagtawag ang kaibigan niyang to' kaya ginising na siya ni Amara. Yon pala magpapasama lang ang walanghiya papunta dito sa Baler.

Tiningnan ni Bullet ang binata, ngayon nagkanda letse-letse na ang simpleng plano niya sana. "I know Princess very well Clark, hindi yon iiyak basta-basta at kapag umiyak yon sigurado ako nasaktan mo talaga siya."

Manila..

Malalakas na suntok ang pinakawalan ni Princess sa ka sparring niya ngayon, he went here on the gym after her office hours. Masama ang loob niya, masamang-masama para kay Clark at maging sa kuya Marcus at Bullet niya. He felt betrayed after knowing why Clark leave him and this might help her to release her anger.

Para sa ikakabuti 'ko? Tsk! Paasa! Gigil na sinuntok ko ang kaharap ko at tsaka sinipa ng malakas na nagpatumba dito. "S-sorry!" Hingi ko ng paumanhin kay coach Aldrin at mabilis din siyang nilapitan, siya ang coach nila kuya Rios dito sa gym dito kase sila nagpupunta kapag wala silang mga pasok at naisama na nila ako dito ng maraming beses.

"Parang may pinagdadaanan ka mahal na prinsesa ha?" Pabirong sabi ng coach sa dalaga matapos hubarin ang suot na head gear.

Meron talaga coach, kaya parang gusto kong manakit ngayon. I just smiled to him, halos kalahating oras na din kami nag-iisparring pero hindi pa din ako makaramdam ng pagod. I'm busy talking on him when someone called my name.

"Princess.."

"Princess.."

"Princess.."

Sabay-sabay na tawag nila Arkanghel, Supremo at ni Rios. Kasama din ng mga ito si Thunder na nakasimpleng pambahay lang pero ang kuya Samuel niya ay naka formal attire pa.

Lumapit ako sa gilid ng boxing ring at tiningnan sila. "Anong ginagawa niyo dito?" Inis na tanong ko.

"Namiss ka lang namin, ikaw naman." Ani ni Thunder.

"Kanina ka pa ba? Pawis na pawis ka na ah." Sabi naman ni Rios.

Napairap ako, babait ah, mga feeling walang kasalanan ang mga to' sa akin. "Gusto ko ng ka sparring, pagod na si coach Aldrin eh." Sabi ko na lang at tiningnan pa si coach na pababa na ng boxer ring.

M.A series #11 Princess FurukawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon