CHAPTER 22

10.2K 346 54
                                    


Hi! Pasukan na tomorrow at feeling ko balik eskuwela din ako😆 pipilitin kong mag daily update kay Princess kase magiging busy na din ako for sure sa mga junakis ko.

Sa mga student dito, mag-aral kayo ng mabuti!







"Sino yon?" Tanong ni Clark kay Marcus habang nag-iihaw sila ng barbecue.


"Si Callum? Why? Ex boyfriend yan ni Princess at feeling ko makikipag-balikan yan kaya nandito."



"Ex boyfriend? Akala ko ba hindi pa siya nagkaka-boyfriend? Eh bakit ex na?"



"One month lang naman sila niyan kaya hindi counted." Sagot ni Marcus.



"Still naging sila pa din!" May inis sa boses na sabi ni Clark. Princess didn't say about her ex, and now he's curious kung isa lang ba yon o meron pang iba.



Pumeywang naman si Marcus sa tapat ni Clark habang may hawak na bote ng beer. "Sabihin mo nga kaya ba gusto mong mag-resign dahil gusto mo si Princess?" Direkta niyang tanong dito, nagsabi kase ito kanina sa planong pagre-resign bilang personal assistant ni Princess kaso wala naman siyang makitang dahilan. But now he can smell jealousy!




Tiningnan ni Clark si Marcus, it's just simple yes or no. Kapag nag-oo siya malamang ay bumulagta siya dito at kapag sumagot naman siya ng hindi malamang sa malamang ay hindi niya na magawa ang planong panliligaw sa dalaga.
"Yes, I like her." Pag-amin niya dito. "I don't know how it starts or when but I like Princess. At gusto kong makita niyo na malinis ang intensyon ko sa kanya kaya gusto kong mag-resign bago ko siya ligawan."




Marcus face became serious. Bakit pa ba kase siya nagtanong? "And you think papayag ako, kami na ligawan mo siya? Specially si Bullet?"




"Si Princess ang liligawan ko at hindi kayo."




"Pero package deal yon Castillon, weather you like it or not once na manligaw ka kay Princess ay pati din kami kasama."



"Tsk, let see." At naiinis na tinalikuran ni Clark ang kaibigan. Kasama pati sila? Ano yon bibigyan ko din ng bulaklak?




  Kanina pa nagtataka si Bullet sa hindi maipintang mukha ni Clark habang nakatingin sa nagpapaalam na si Callum kay Princess. Kailangan na kaseng umalis ng binata dahil may emergency daw ito sa trabaho at kailangan ito doon, he's a doctor by his profession .



"May problema ba Clark? Kanina ka pa nakatingin kila Princess." Tanong ng abogado sa kaharap, malilim na dito sa may pool area sa likod ng bahay niya dahil alas kuwatro naman na din ng hapon. Sina Maximum, Marcus, Hugo siya at si Clark lang ang nandito ngayon.



"Wala, may iniisip lang." Tipid na sagot ng binata.



"May iniisip? Susss.. gusto niyang ligawan si Princess Bullet tapos magreresign na din daw siya." Wala ng pasakalye na sabi ni Marcus. Pero agad naman siyang nabatukan ni Clark na katabi niya lang. "Aba't!" Akmang gaganti siya kay Clark pero..




"Sige subukan mong gumanti, ano nakaimutan mo na? Ako nag-alaga sayo noong nagkasakit ka sa loob." Sabi ni Clark, ang tinutukoy niyang loob ay panahon na nakulong  silang dalawa.




"Gago!" Asik ni Marcus na ininom na lang ang beer. He remembered that, ito yung nagkaroon siya ng problema sa pinakamataas na opisyal sa loob ng kulungan at hindi agad siya inasikaso ng mga doktor doon maski ang pinapapasok niyang doktor na kasama ni Bullet ay wala din nagawa at hindi nga nakapasok kaya naman medyo may utang na loob nga siya kay Clark dahil ito talaga ang nag-asikaso sa kanya noon.



"You like Princess? Ha? Liligawan mo siya?" Sabi ni Bullet na humigpit ang pagkakahawak sa bote ng beer.




Tumingin ng diretso ang binata sa abogado, ngayon pa ba siya tatanggi at hindi aamin? Eh sinabi na nitong chismoso niyang kaibigan. "Yes, and gusto ko din sanang mag-resign bilang personal assistant niya para maligawan ko siya." Finally, he said it. Because this is the right thing to do, lalo pa at hindi naman simpleng babae lang itong si Princess. Ayaw niyang isipin ng mga kuya-kuyahan ng dalaga na may masama siyang intensyon.



Bullet gritted his teeth while looking on Clark, but it fade away when someone talked from his back.


"Magre-resign ka? Bakit?" Mahinang tanong ni Princess na parang hindi inaasahan ang narinig mula kay Clark.



"Sit down Princess, mag-uusap tayo." Seryosong sabi ni Bullet na tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.



Tiningnan ko sila kuya Marcus, kuya Hugo at kuya Maximum. They all look so serious, ano ba kaseng problema? Bakit biglang magre-resign si Clark?



"Gustong mag-resign ni Clark Princess, alam mo ba ang tungkol dito?" Tanong ni Bullet sa katabi.




"I-I don't know kuya, teka, uy! May problema ba tayo?" Tanong ko kay Clarky boy.




"Wala tayong problema Princess, but I already decide to resign as your personal assistant." Sagot ng binata.




"Pero bakit nga? Bakit ka magre-resign? At bakit hindi mo muna sa akin sinabi at nauna pa talaga ang mga kuya ko?" Diba dapat ako  muna ang kinausap niya? Eh bakit ganito?




"Dahil plano kong ligawan ka."


"W-what?" Oh my god, oh my god! Kalma self!



"Tutal nandito na din ang mga kuya mo gusto ko na din sanang magpaalam at sabihin sa kanila na liligawan kita." Sabi pa ni Clark.



"And you think papayag kami?" Si Hugo na kokontra agad.



"Your forty and Princess is only twenty two, sa tingin mo papayag ako?" Seryoso ang mukha na sabi ni Bullet, hindi niya naisip na puwedeng mangyari ito na magkakagusto at manliligaw si Clark sa dalaga.



"Akala ko ba age doesn't matter kuya? Eh diba ang laki din naman ng agwat niyo ni ate Elaine? Pati na din itong si kuya Marcus tsaka si kuya Hugo at kuya Maximum. Pare-pareho naman kayo sa mga asawa niyo ah." Singit ko naman.




"Shut up Princess, wag mo kaming ikumpara sayo dahil lalaki kami." Sabi ni Bullet.



"Tsaka bakit parang tuwang-tuwa ka pa? Don't tell us may gusto ka din sa Clark na to'? At magpapaligaw ka talaga." Si Maximum na naka-dekuwatro pa.




"H-he can court me, beside he's nice naman eh. Tsaka nagpapaalam naman siya sa inyo ng maayos ah. Pero yung pagre-resign Clarky hindi yon puwede okay? Bawal!"



"Tsk, kakakilala niyo lang Princess ano ka ba? Ni wala pa ngang tatlong buwan sayo nagtatrabaho itong si Clark eh." Muling kontra ni Bullet na parang sumasakit ang ulo sa mga nalalaman ngayon at mga sinasagot sa kanya ng katabi.



"Pero wala naman sa tagal yon kuya eh, bakit si kuya Marcus nagpakasal agad sila ni ate Amara?"




"Wag mo na kaming idamay ng ate Amara mo Princess. Bullet was right iba ngayon dahil parang kapatid ka na namin, bunsong kapatid namin. At kahit kaibigan ko pa itong si Clark hindi din ako basta-basta papayag." Sabi ni Marcus.


"Ah ganon ba? So parang tama nga sila ate na tatanda akong dalaga sa kakapigil niyo na mag-boyfriend ako?  Then let see, isusumbong ko kayo sa mga asawa niyo para wala kayong sexy time!" Tumayo ako at inis na inirapan sila.



"What? Hey Princess hindi ako kasali!" Si Maximum na napatayo mula sa pagkakaupo, hindi puwede yon dahil mabilis pa naman maniwala ang asawa niyang si Lizzeth!



"See? so damay-damay to' ganon?" Si Samuel na kanina pa nakikinig habang nag-iihaw.


Tumayo naman si Clark para sundan si Princess. "'Kakausapin ko siya." Paalam niya dito.




#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now