CHAPTER 08

9.6K 364 18
                                    




"What?" Nagtataka kong tiningnan ang mga kuya ko matapos kong makarating dito sa roof deck, alas otso na ng umaga at malamang pinagod nila ang mga asawa nila dahil wala ang mga ito diro. My head really hurts, hindi talaga tama na uminom-inom ako kagabi eh.



"Wag mo kaming ma-what what Princess, alam mo ba ang ginawa mo kagabi?" Si Rios na seryoso ang mukha.


Hinila ko ang upuan sa harap nila, inagaw ko din yung kape na iniinom ni kuya Bullet alam kong siya ang nagtimpla nito at pareho kaming dalawa ni kuya na gusto ang ganitong timpla yung walang asukal at kape tsaka cream lang. "I got drunk, and I'm not saying sorry if that's what you guys want to hear from me. Si ate Amethyst kuya Rios ang pasimuno kaya ako nalasing."



"Hindi yon Princess, it's okay on us if you got drunk last night dahil kasama mo naman ang mga ate mo at kami. Pero naaalala mo ba kung ano ang ginawa mo kay Lorraine? That's my visitor! Pero anong ginawa mo? Bakit mo finlying kick?" Parang mauubusan ng pasensya na sabi ni Azul.



Tiningnan ko si Clark na katabi ko, eto talaga yung puno't-dulo eh. "I remembered that, bakit? Sipa lang naman yon ah tsaka bakit mo kase sinama yon kuya? Exclusive nga lang to sa atin diba?"



"Ang laki ng pasa niya sa mukha Princess at alam mo ba kung anong itsura niya ng madatnan ko siya sa clinic kagabi? She was crying there because you kicked her on her face!" May inis sa boses na sabi ni Azul.


"Deserve.." kibit balikat kong sabi sabay inom ng kape. Buti nga yon lang ginawa ko eh. "She's weak, isang sipa lang tumba na agad."

"Princess!" Si Marcus.

"Princess!" Ani ni Hugo.


"I will not say sorry kuya, bida-bida kase yung sinama mo. She can sue me or what and kuya Bullet will take care of that." Sabi ko bago tumayo at hinila si Clark.

Nag-tinginan naman sila Azul at napapailing na lang na sinundan nila ng tingin ang dalawa.


"See? Princess never changed, she's really a brat!" Ani ni Hugo na nakatingin kay Bullet.


"Wag na natin ito palakihin, ikaw naman kase Azul bakit mo naman kase pinakilala pa ng pinakilala yung mga kasama mo kay Clark? Knowing Princess she's very territorial and short tempered." Paliwanag ni Bullet.


"Bakit parang ako pa ang may kasalanan? You saw last night how Lorraine looked liked. Ang laki ng pasa niya sa mukha at gawa yon ni Princess." Hindi din papatalo na sabi ni Azul.



"But she's okay, naihatid naman na siya sa Manila so ano pa pagtatalunan natin?" Sabi pa ni Bullet, hinatid ng helicopter ni Marcus si Lorraine kagabi. He knew her very well, if Princess got triggered on something tsaka pa lang ito gaganti o kikilos. Loraine keep bragging about Clark last night at kung anu-ano pa daw sinabi kay Princess kaya naman nainis itong isa at tsaka sinipa sa mukha. Base yon sa kuwento ng asawa niya at natural maniniwala siya kay Elaine.


"Nakakahiya lang kase kay Lorraine Bullet, I invited them here to unwind not to get in trouble."



"Don't worry pagsasabihan ko si Princess." Pagtatapos ni Bullet sa usapan bago muling kinuha ang kape at ininom ito.



  "Hahanapin ka ng mga kuya mo.." sabi ni Clark sa dalaga ng makarating sila sa kuwarto nito.

"Ayoko bumalik doon, papagalitan lang nila ako." Parang bata na sabi ni Princess.


"Dahil may kasalanan ka naman talaga." Clark went out last night passed midnight. Hinintay niya munang makatulog ng mahimbing ang dalaga bago niya ito iniwan sa kuwarto nito. Pinuntahan niya si Azul at ang mga kaibigan ni Marcus para humingi ng pasensya dahil sa ginawa ni Princess na boss niya kay Lorraine. Pagkatapos ay kinausap siya ni Marcus, his friend talked to him. At ayaw man nito na isipin ay alam ni Marcus na nagseselos daw si Princess dahil nakipagkilala siya kay Lorraine.



"They all have family Clark, kuya Bullet is nice to me. He really treated me as his own sister after I lost my parents and he's the only one I have and I'm very thankful on that. But the end of the day, I still go home alone, yes everyone is nice to me but I don't have a family, yung nakakasama ko mismo sa buhay. So I'm sorry for what I did last night pero feeling ko kase aagawin ka niya sa akin." Sabi ko sa kanya, I feel threatened ayoko kase magpapasok ng tao sa buhay ko tapos masasanay ako na nandiyan siya para sa akin tapos in the end aalis din pala.


"I'm not leaving you Princess, I'm working to you remember?"



"Still, ganyan din sabi ni kuya Thunder at kuya Supremo sa akin pero iniwan pa din nila ako. Tsaka naka dumating yung time na magsawa ka sa akin dahil nakakapikon ang ugali ko at iwan mo ko. I don't like people who leave me from behind, gusto ko kapag pumasok ang isang tao sa buhay ko wala ng labasan."



Natawa ng bahagya si Clark, bakit parang ngayon nakalimutan na yata ni Princess ang sinabi niya sa akin na boss/personal assistant lang ang relasyon namin? "Ikaw na nagsabi Princess na huwag kong kalimutan kung mag-ano ba tayo, na nagtatrabaho lang ako para sayo kaya yon ang ginagawa ko."


"Tsk, sinabi ko nga yon pero puwede naman magbago diba? Teka nga wag mong sabihing gusto mo na agad yung Lorraine na yon? Aba kakakilala niyo lang kahapon no!"


"Of course not, I'm just being nice to her. Pinakilala siya sa akin ni Azul kaya nakakahiya naman kung hindi ko papansinin. Kahapon ko lang din nakilala ang iba pang kaibigan ni Marcus kaya natural na maging maayos dapat ang pakikitungo ko sa kanila gaya ng ginagawa nila sa akin." Paliwanag ng binata.


"Kahit na, as your boss dapat hindi ka makikipag-usap sa ibang babae simula ngayon naiintindihan mo?"



Ngumiti si Clark, mas naiintindihan niya na ngayon ang bilin sa kanya ni Bullet bago niya tanggapin ang trabaho bilang personal assistant/bodyguard/driver ng dalaga. Princess have this territorial attitude, and self centered. She maybe act rude or will really make you feel pissed but all Princess want is attention. "I promise, hindi kita iiwan mahal na prinsesa.."


#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now