CHAPTER 33

8.5K 321 29
                                    




Hi. Again, bawal ho demanding dito dahil bina-block ko. Kaya wag na kayong nag-cocomment ng next update dahil naiinis ako kapag ganon.




Princess pouted her lips after checking her phone again, she texted Clark yesterday before she went to her company but she still don't recieve any reply from him until now.

Busy kaya siya? Pero kahit may ginagawa naman yon, nagrereply pa din sa akin. Padabog akong sumakay sa loob ng kotse, masasakal ko talaga ang Clark na yon kapag nagkita kami. Anong klaseng manliligaw yon? Ni hindi man lang binabalitaan yung nililigawan. Tsk, sarap i-flying kick eh.

"Manong doon ho muna tayo pumunta sa bar ni kuya Bullet." Sabi ko sa driver ko, simula ng umalis si Clark bilang personal assistant ko ay nagkaroon na ulit ako ng bodyguard. Pero isa lang dahil ayoko ng madami kaya nagkapilitan pa kami ni kuya Bullet, gusto niya kase ay tatlo pero ang gusto ko ay isa lang. Naiilang kase talaga ako kapag may sunod ng sunod sa akin hanggang ngayon. Kaya naman maliban kay mang Artur na matagal ko ng driver ay may bodyguard ako ulit na isa at yon nga ay itong si Christian na nakaupo sa unahan.






   "This is wrong Bullet, yung paalisin si Clark dahil lang sa tingin mo ay sagabal siya kay Princess." Dismayadong sabi ni Rios sa kaibigan na nakaupo sa harap niya, bago binalingan si Marcus na katabi lang din nito. "Isa ka pang letse ka, hindi mo din inawat ang gagong to'."



"Tsk, bakit ko aawatin? Mas may karapatan si Bullet kay Princess kumpara sa akin." Sabi naman ni Marcus, nandito sila ngayon sa bar niya at ewan ba niya kung bakit ang lalakas ng radar ng iba nilang kaibigan at alam ng mga ito na nandito sila ni Bullet.



"Kahit na pare, parang mali talaga yung ginawa mo." Segunda naman ni Arkanghel sa sinabi ng kapitan niyang si Rios, sabay silang nagpunta dito mula sa Crame pagkatapos ng kanilang trabaho. All goods na sila ni Rios at napakiusapan niya na din ito na wag ng sa malayo siya ma-assign lalo pa at gusto niyang laging umuuwi sa bahay nila ng asawa niyang si Athena.



"Anong parang? Mali talaga." Singit din ni Hugo na minotor lang mula Pampanga hanggang dito. Wala naman nag-aya sa kanya na lumuwas pero malakas kase ang pakiramdam niya na nandito sina Marcus at hindi nga siya nagkamali.


"Tumahimik nga kayo, ang dami niyong satsat. That's the right thing to do naiintindihan niyo? Kung hindi ko gagawin yon mawawala ang focus ni Princess sa kompanya niya at malaki ang porsyento na puwedeng bumagsak yon." Sabi ni Bullet.



"At ang paalisin si Clark ang nakikita mong paraan para makapag-focus si Princess?" Ani ni Samuel na kanina pa nakikinig. "Mahirap yan Fierro, basta ako labas na ko' sa usapan."



"They like each others, at hindi niyo ba napansin nag-iba ang dating ni Princess simula ng makilala niya si Clark?" Ani ni Bullet sa mga kaibigan.



"Counted na maganda talaga ang batang yon pero parang nag-bloom siya lalo nitong mga nakaraang buwan." Sabi ni Maximum.


"Exactly, at dahil yon kay Clark." Siguradong ang boses na sabi ni Bullet.



"But their age gap, damn, eighteen years to be exact." Pailing-iling na sabi ni Hugo.




"Age doesn't matter nga diba? Sabihin mo yan kapag nandito si Ara para mabigwasan ka." Kontra agad ni Rios, ewan ba niya at bakit pikon na pikon talaga siya kay Montero hanggang ngayon. Para bang laging kumukulo ang dugo niya dito kapag nagkikita sila.



"I need to do that, ayokong bumagsak ang Furukawa company dahil sa kapabayaan ni Princess lalo na at ayaw niyang magpapasok ng ibang investor sa kompanya niya." Paliwanag pa ni Bullet, nabasa niya kase ang naging monthly income ng Furukawa textiles company at bumaba nga talaga ang sales ng thirty percent. Paanong hindi bababa? Eh kung minsan hindi pumapasok si Princess at pinapaubaya nito sa kanya ang pagpapatakbo nu'n.



"But what if she found out this? Siguradong magdadadaldal yon." Sabi na naman ni Hugo.



"Wala naman na siyang magagawa dahil wala na dito si Clark." Sagot ni Marcus, iniwan niya na kahapon si Clark sa Baler. Nagpasundo na nga lang siya sa helicopter para makabalik agad sa bahay nila ng asawang si Amara sa Tagaytay.



"Kayong dalawa lang naman ang may pasimuno kung bakit nagkakilala yung dalawa eh, so bakit ngayon pinipigil-pigilan niyo?" Sarkatiskong tanong ni Rios, nagkatinginan naman sina Marcus at Bullet.



"HIndi naman namin alam ni Marcus na ganito ang mangyayari."


"Kaya nga, aba hindi naman namin hawak ni Fierro ang puso nila." Pagsang-ayon din ni Marcus sa sinabi ng katabi.



"Pero saan niyo ba dinala si Clark? Saan siya nagpunta?" Tanong ni Samuel.



"Oo nga, saan nga pare? Baka naman dinala niyo ng ibang bansa." Ani ni Hugo.


"Well.." kibit balikat na sabi ni Marcus at tinungga ang baso na may alak.



"Well what?" Naka-kunot noo na tanong ni Maximum.



"Well, secret.." Marus answered wickedly.



"Tsk, gago. Saan nga?" Si Rios naman ang nagtanong.



"Secret.." sagot din ni Bullet matapos dumekuwatro ng upo.



"Para namang sira to'ng dalawa na to'. Saan nga? Don't tell me sa isla mo?" Tanong naman ni Arkanghel.



"Bakit ba kailangan niyong malaman kung saan pa?" Si Marcus na nakatingin sa mga walanghiya niyang kaibigan.


"Anong bakit? Natural gusto naming malaman kung nasaan si Clark." Sabi naman ni Maximum na patingin-tingin sa kanyang rilo.



"Wag niyo ng tanungin kung nasaan si Clark dahil baka sundan niyo lang." Sabi ni Bullet, kilala pa naman niya ang animal na to', dinaig pa ang babae sa pagka-chismoso, lalo na si Montero na dadayo at dadayo talaga para lang makasagap ng chismis.



"Exactly, baka puntahan niyo lang o kaya naman sabihin niyo kay Princess kung nasaan ang kaibigan ko." Sabi din ni Marcus, nakarating naman na ang mga mga kaibigan niya sa Baler pero once na sinabi nila ni Bullet na nandoon si Clark sigurado pa sa sigurado na pupuntahan talaga yon ng mga ito.



"Susss ang damot ng mga to', saan nga?" Naiinis na kakatanong na sabi ni Hugo.



"Secret nga!" Sabay pa ulit na sagot nila Marcus at Bullet.



Nilapag ni Rios ang baso na may alak sa lamesa na nasa harapan nila. "So hindi niyo talaga sasabihin?" Tanong niya pa sa dalawa.



"Hindi." Mariing sagot din nila Bullet.


May dinukot naman si Rios mula sa suot niyang body bag na kinagulat ng anim niyang kaibigan na naroon.



"H-hoy Sandoval tumigil ka nga, siraulo ka ba!" Asik ni Marcus ng ma-reliaze ang hawak ni Rios.




Pero hindi basta-basta magpapapigil si Rios at itinaas pa ang hawak-hawak na kugel grenade at nginitian ang dalawa niyang kaibigan na nasa harap niya. "Sasabihin niyo o bubuksan ko to'?" Tukoy niya sa granadang hawak.





#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon