CHAPTER 34

8.5K 325 14
                                    


Hi. Sa mga nag ppm sa akin yung si Catteleya yung isa sa triplets sa story ni Mikael at Irish ng story kong My hot policeman. So 2nd gen na siya and on going sa vip at patreon apps. Lahat ng 2nd gen ko at nandoon.

On going din yung pre order ng the governor's daughter book 01 and 02.






Isang napakalakas na tawa ang pinakawalan ni Arkanghel ng makita ang reaksyon nila Marcus at Bullet. Ganon din ng iba pa nilang kaibigan matapos ilabas ng kanyang kapitan ang granada mula sa bag nito, siya ang nagbigay nu'n kay Rios pero malay ba niyang bitbit ng kaibigan niya yon. Oh loko secret, secret pa kayo ha!


"I can file a case against to you for bringing illegal firearms. O kaya irereklamo kita sa PNP sa kalokohan mo." Sabi ni Bullet kay Rios na napatayo na mula sa pagkaka-upo.


"Oo nga, oo nga! Kasuhan mo nga yan Fierro ng madala!" sabi ni Marcus sa katabi. "Siraulo ka talaga Sandoval, itago mo nga yang hawak mo mamaya sumabog yan eh." Siya na kinabahan din pagkakita sa granada. 



"Sabihin niyo nga muna kase kung nasaan nga si Clark, napaka-simple lang kaseng tanong pinapahaba pa ang usapan. Hindi naman ako chismoso para ipagsabi ang tungkol diyan sa iba." At tsaka tiningnan ni Rios si Hugo.


"Oh bakit ka sa akin nakatingin? Parang pinapalabas mo na chismoso ako ah." Naka-kunot noong sabi ni Hugo. Bakit ba ako lagi nakikita ng hayop na to'?


"Wala akong sinabi, pero baka nga." Kibit balikat na sagot ni Rios na hawak pa din ang granada.


"Kapag sinabi ba namin hindi niyo ipapagsabi sa mga asawa niyo? Si Amara lang kase ang nakakaalam kung nasaan si Clark." Biglang seryoso na sabi ni Marcus, maski ang asawa ni Bullet na si Elaine ay hindi din alam dahil alam nila ng kaibigan na may tsansang sabihin ni Elaine ang tungkol doon kay Princess.


"Basta ako, hindi." Unang sumagot si Samuel.


"Ako din," segunda ni Maximum na siyang tahimik lang talaga sa kanila noon pa man at natataguan talaga ng sikreto.



"Well, syempre hindi ko din sasabihin kay Athena." Nakangiting sabi ni Arkanghel na akala mo ay hindi under sa asawa.



Sabay-sabay silang anim na nag-tinginan kay Hugo, dahil ito talaga ang madaldal sa kanila at may malaking posibilidad na magkuwento ng sikreto kung kani-kanino.


"Hayyyss, oo na, oo na. Promise hindi ko sasabihin kay Ara." Nakasimangot na sagot ni Hugo. Bakit ba parang inaapi ako dito? Good boy na nga ko' diba?


"Nasa Baler si Clark, sa resort ni Marcus." Taas kamay na sagot ni Bullet bago sinamaan ng tingin si Rios. Namo Sandoval letse ka!


While Rios smiled before he returned the kegul grenade inside of his body bag. Oo, totoong granada yon pero kahit buksan niya pa yon ay hindi naman yon sasabog, kumbaga expired na. Mga engot lang talaga 'tong mga kaibigan niya dahil akala ay totoo kaya nga ang lakas ng tawa ni Yaser kanina dahil alam nito ang totoo. "Sasabihin mo naman pala, pinaglabas mo pa ako ng granada." Pang-aasar niya sa abogagong kaibigan niya, ay mali abogado pala.



"So meaning doon muna si Clark ganon?" Tanong ni Hugo.


"For the meantime yes, buti nga pumayag si Amara at pinakiusapan din niya si Clark na tingnan-tingnan din muna yung coffee shop niya doon dahil matagal na kaming hindi nakakapunta sa Baler." Paliwanag ni Marcus na kalmado na ang itsura.



"I see, so bawal natin to' sabihin sa mga asawa natin?" Ulit ni Hugo pero agad naman siyang binatukan ni Maximum.


"Oo nga daw diba, paulit-ulit hindi ka yata nakikinig eh." Asik ni Gallego kay Hugo.


"Sinisigurado ko lang, baka mamaya puwede naman kase eh." Kakamot-kamot na sabi ni Hugo. Uwi na kaya ko'?


"Just don't say anything to your wives, tayong pito lang ang nandito kaya kapag may ibang nakaalam niyan lagot talaga kayo sa akin." May banta sa boses na sabi ni Bullet.


   "Ano ang bawal sabihin kuya?"


Napatingin sila sa pinang-galingan ng boses at wala yong iba kung hindi si Princess!

"Oh bakit natahimik kayo? Ano yang pinag-uusapan niyo?" Ulit ko ulit bago tumabi kay kuya Bullet, sabi na eh nandito sila ngayon, I can feel it!

"W-wala, may pinag-uusapan lang kami." Alanganing sagot ni Bullet sa dalaga sabay siko sa katabing si Marcus.



"About business Princess, may itatayo kase kami." Pag-salo naman ni Rios sa usapan.


"Tama, magnenegosyo kase kami!" Ani ni Maximum.



"Negosyo? Anong negosyo tsaka bakit bawal sabihin sa mga asawa niyo?" Nagtataka kong tanong at tiningnan sila.


"Secret nga muna, kase hindi pa namin alam kung itutuloy pa ba namin o hindi." Sabi ni Samuel.

"Madami pa kase kaming hindi napapag-usapan tungkol doon so medyo bawal pa ipagsabi sa iba." Singit din ni Arkanghel.



"'Oh my god, don't tell me illegal yan? Waaahh isusumbong ko kayo sa mga asawa niyo!" Geeezz kaya ba nandito si kuya Rios at kuya Arkanghel dahil pulis sila at sila siguro ang magiging look out ng itatayo nilang negosyo tapos sa mga eroplano ni kuya Marcus nila isasakay yung mga kontrabando at si kuya Bullet naman ang tatayong abogado kapag nagka aberya? Wahhhh!



"Silly, of course not." Ginulo pa ni Bullet ang buhok ni Princess at kinurot ang pisngi nito. He knew very well how Princess over think, lagpas lagpas talaga.



"Kuya naman yung make-up ko." Mabilis kong tinapik-tapik yung pisngi na kinurot niya.


"Basta Princess kung ano man ang narinig mo atin-atin na lang muna yon okay?" Si Marcus na pinakatitigan ang dalaga.


"Opo kuya, promise hindi ko ipapagkalat pero kung legal na business yan. Puwede sumali?" Nakangiti kong tanong.




"Hindi!" Sabay-sabay na sabi ng pitong kuya ni Princess na naroon sa loob ng vip room.


#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang