CHAPTER 02

14K 380 33
                                    

Hi. Pre order of M.A series 08 Maximum Gallego is on going. Dm me on my fb page for more details.

The governor's daughter book 01 and 02 is also completed on patreon apps and vip group. Same on Sky Amaniego and the last few chapter of Arkanghel yaser.




"C-clark? Yung Clark sa pampanga?"

"Princess.." tawag ni Marcus sa pangalan ng dalaga. Anong sa Pampanga? Eh tao nga itong si Clark.

"J-joke lang kuya, ikaw naman hindi mabiro." Alanganing sabi ni Princess ng makitang seryoso ang kuya Marcus niya. Dapat pala tinawagan niya ang ate Amara niya kanina, takot kase ang kuya Marcus niya doon.

"He will be on your side from now on, naiintindihan mo? At hindi ka puwedeng tumanggi." Dagdag pa ni Marcus.

"P-pero kuya hindi ko naman kailangan ng alalay eh."

"He's not alalay Princess." Sabi ni Bullet.

"Eh di personal assistant, tsk ganin din naman yon sa tagalog eh." Napairap pa na sabi ng dalaga.

"Clark is a good friend of mine, and I know I can trust him for you Princess."

Tiningnan ko yung nag-ngangalang na Clark na hindi pa din umiimik hanggang ngayon. He look so serious, parang ang lalim din ng iniisip nito habang nakatingin din sa akin. Gaddd bakit ba ako napapalibutan ng mga seryosong lalaki?

"Im warning you Princess, wag kang magpasaway kay Clark dahil binilinan ko yan na itali ka niya kapag gumawa ka na naman ng kalokohan." Bilin pa ni Marcus.

"I-itali? Like yung ginagawa mo kay ate Amara?"

"Princess!" Malakas ang boses na tawag ni Marcus sa pagalan nito.

Mabilis naman tumayo ang dalaga at lumabas ng opisina ng kuya Marcus niya, she knew what will happen next. Sesermunan siya nito.

"Hindi ka pa ba sasakay?" Ang baritonong boses ang narinig ni Princess habang nasa tapat sila ng kanyang sasakyan.

Hindi ko alam kung nasaan na ang driver ko na siyang nagmaneho kanina papunta dito. Magkaiba kase kami ng kotse na sinakyan ng kuya Bullet ko kanina. And now I'm with totally strangers, well my kuya's knew him though. I looked at him, pangalan niya pa lang ang alam ko Clark Zyne Castillon. He have a body built same on Kuya Marcus, may mga tattoo din ito sa braso na nakadagdag ng angas sa itsura niya. Halatadong bagong gupit din ito, He have this powerful look and mysterious look in the same time, yung tipong hindi magpapatalo at hindi mo puwedeng kayan-kayanin. Maliban sa peklat na nasa pisngi niya na takaw pansin ay sigurado akong pogi ang lalaking ito kapag natanggal yon. Pero bakit hindi niya kaya pinapatanggal? At bakit X ang nakalagay doon?

"What now? We we're going on your company right? Sakay na." Sabi ulit ni Clark at tsaka naglakad papunta sa driving seat.

Imba! Englisero pala! Now I wonder where Kuya Marcus get him. "Your my personal assistant slash bodyguard so you should open the car door for me." Sabi ko sa kanya na kinahinto naman niya.

"Tsk, brat.." bulong ng binata bago muling pumunta sa gawi ng dalaga at pinagbuksan ito. "Get inside my highness.." antipatikong sabi ng binata.

Tsaka lang ako sumakay ng sasakyan ng pagbuksan niya ko ng pinto. Kailangan ko na talagang pakiusapan at magmakaawa kay kuya Bullet para hindi na ako magkaroon ng alalay, tama! Dadramahan ko siya mamaya para alisin niya na itong pa-mysterious na lalaking ito sa akin. Kailangan kong galingan ang pag-arte at kung kinakailangan kong umiyak gagawin ko yon! Geeezz this will be a long day!

Prenteng nakaupo lang si Clark sa labas ng opisina ni Princess, nasa Fukurawa textile company na sila ngayon along Marcos highway. It never cross in his mind that he will accept this kind of work. At kung trabaho nga bang matatawag ito, he was a ex-marine police officer who got jailed for 10 years on the case that he didn't made. Oo, kasama niyang nakulong si Marcus noon pero mas nauna nga lang itong nakalaya sa kanya. Magka-edad sila ni Delgado at ito lang ang matatawag niyang kaibigan. Pagkalabas niya ng kulungan ay si Marcus agad ang pinuntahan niya, alam niyang pareho lang sila na biktima ng maling paratang. Habang nakakulong kinausap siya ni Marcus na iinvest niya ang ipon na pera mula sa bangko sa M.D mall para naman daw kapag nakalaya na siya ay atleast may pera siyang aasahan. He trust him so he did, he gave all of his savings on Marcus and let him do whatever on his money. Kaya naman ngayon na kalalaya niya lang ay isa na din siyang ganap na shareholders ng M.D mall. At dahil wala siyang pinagkakaabalahan ay pinakiusapan siya ng kaibigan na bantayan muna ang kinakapatid nito kaya heto at mukhang may susubok sa kanyang pasensya.

Matapos ang nakakainip na trabaho ng dalaga ay dumiretso siya sa bar ng kuya Bullet at kuya Marcus niya sa Taguig. At syempre kasama niya si Clark na nagdrive para sa kanya. Bawal siyang pumunta doon pero dahil kasali siya sa group chat ng mga kuya niya ay nalaman niyang nandoon ang mga ito sa bar.

"Iba naman talaga itsura ng Clark na yon, look at his face he have scars." Sabi ni Hugo na halatadong walang tiwala sa lalaki, nasa loob sila ng private room na nasa loob ng bar pero kita naman nila ang mga tao na nasa labas. Clark was sitting outside, ngayon lang nila nalaman na kinuhaan pala ni Marcus ng personal assistant si Princess.

Tumigil ako sa pagkain ng mojos na best seller dito sa bar at tsaka tiningnan si kuya Hugo. I maybe pasaway but I never mocked with anyone. "Tsk, ikaw nga kuya wala pang ganon sa mukha panget na eh." Sabi ko naman sabay taas pa ng kilay.

"Aba't! Lokong bata to ah! Hoy Princess hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo sa kotse ko ha kaya wag kang gumanyan-ganyan!" Si Hugo na akmang hahawakan sa braso si Princess pero agad naman itong tumakbo kay Rios at sa likod nito nagtago.

"Totoo naman ah, si Kuya Rios na nga nagsabi na panget ka talaga eh!" Sabay ko habang nasa likod ni kuya Rios na kadadating lang, tiningnan ko ulit si kuya Hugo tsaka ko binelatan alam kong hindi siya makakapalag kapag kay kuya Rios ako nagpasaklolo.

"Bakit nandito ka?" Si Rios na pinaupo ang dalaga sa tabi ni Maximum. "Diba sabi namin bawal ka dito."

"Eh kuya hindi naman ako umiinom eh, tsaka ayoko pa umuwi." Muli kong kinuha ang plato ko na may laman na mojos at kinain ito ulit.

"She's not drinking but look at here pare kain ng kain." Sabi ni Hugo.

"Tsk, go home now Princess don't forget my kasama ka na simula ngayon." Turo pa ni Rios kay Clark na nakaupo sa labas.

Yan tayo eh, ayoko pa nga sabing umuwi eh. "Ubusin ko lang to kuya Rios then uuwi na din ko." Ano ba naman ito, wala nga si kuya Marcus pero nandito naman si kuya Rios. Hayyy makauwi na nga!

#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt