CHAPTER 16

11.8K 336 51
                                    


It's a tuesday evening and Clark went with Marcus on his bar in Taguig. Nagpaalam siya kanina kay Princess pagkahatid niya dito sa bahay at buti naman ay pumayag ito. He didn't knew that Marcus is really wealthy and powerful, though Marcus have all the access inside of the jail before from the outside. Mayaman pala talaga ito at madaming negosyo kaya hindi na siya nagtataka kung bakit nakaka-access noon ang kaibigan ng kahit ano sa loob ng kulungan na parang naka-check in lang ito sa hotel. Sila lang naman ni Bullet ang kilala niya pagkalabas niya at tsaka niya lang din nalaman na kilalang abogado pala si Bullet dito sa bansa na isa din negosyante katulad ni Marcus. Hindi lang yon, mas naiintindihan din niya ngayon l ang labis na pag-aalala ni Bullet kay Princess lalo na kapag nakakasama niya ito na para pala talagang tinuring na ng abogado na tunay na kapatid ang dalaga. And now he feel thankful that Princess have eleven kuya's on her side.

,
"Actually wala akong idea kung paano ba manligaw." Nahihiya pang sabi ni Clark sa mga kaharap, nasa isang private room sila sa loob ng bar nila Marcus at Bullet.

"Tsk, seryoso? Ako pala kailangan mo diyan." Mayabang na sabi ni Hugo matapos ilapag sa lamesa ang hawak na bote ng beer.

"Umariba ka na naman Montero, tumigil ka nga at baka mapitik ko na naman sayo ang baril ko." Si Rios na katabi ni Bullet.

"Sino ba yang nililigawan mo? Sabihin mo nga sa amin." Sabi naman ni Samuel.

"Tsaka ko na sasabihin kapag okay na kami. So paano nga manligaw?" Tanong na naman ni Clark, he really don't have any idea how to court a woman though.


"Give her flowers like what I'm doing on my wife until now." Ani ni Marcus. "I bought a flower shop on Baler when she's staying there before so that I can send Amara a flowers everyday." Kuwento niya, ito yung time na hinahabol-habol niya si Amara doon at nag-stay siya ng ilang araw sa Baler para maisama ito pabalik sa Tagaytay. Nakabili nga din siya ng resort doon ng wala sa oras na hanggang ngayon ay kanya pa din naman
Even his wife small coffee shop is still there, and sometimes they go there to spend their weekends. Isa ang Baler sa pinaka-gustong lugar ng asawa niya kaya naman nag-invest siya doon at nagpatayo pa ng mall.

"F-flowers? Pero ayaw niya ng bulaklak eh." Sabi ni Clark, totoo yon ayaw ni Princess ng bulaklak dahil madalas itong makatanggap ng ganon sa kompanya na pinapadala dito ng kung sino-sino pero lagi naman din pinamimigay ng dalaga sa mga empleyado.


"Food, always bring her favorite food or kaya ipagluto mo siya ng gusto niyang pagkain katulad ng ginagawa ko sa asawa ko." Sabi naman ni Maximum.

"Ipagluto mo? Parang nakakahiya naman sa amin yon Gallego, akala mo ba nakakalimutan ko pa yung tumawag ka sa amin para magpaturo magluto para kay Lizzeth tapos magsasaing ka ng hindi man lang yon nilalagyan ng tubig." Ani ni Bullet.

"Oo nga no! Wag kami Maximum hindi ka marunong magluto." Hirit din ni Hugo. "Wag kang maniwala diyan Clark, hindi yan marunong magluto walang ambag yan sa kusina kung hindi puro kalat."


Sinamaan naman ng tingin ni Maximum ang dalawa, noon yon siguro pero ngayon marunong-runong na din siya sa kusina at madalas na siya mismo ang nagluluto para sa asawang si Lizzeth lalo na habang buntis ito.


"Just show to her how you like her, small gestures matters pare, yung mga simpleng pagtatanong kung kumain ka na, pagod ka ba o kaya naman ayain mo siya kumain sa labas ay yan ang mga gusto ng mga babae." Sabi naman ni Gael.


"And once na maging kayo na, don't forget to give her a mind blowing sex!" Si Arkanghel na siyang pinaka babaero sa kanila.


"Yan, yan diyan ka magaling Yaser baka isumbong kita kay Athena." Sabi naman ni Rios, isa ito sa pinaka-gago na kaibigan niya noon pero tumino naman na. 


"It's not yet late Clark, kung sino man yang nililigawan mo o balak mong ligawan asawahin mo na agad para magkaroon ka na ng pamilya tulad namin." Sabi ni Samuel na ngayon ay may dalawa ng anak.

"Oo nga pare, life really starts at forties. Nakigaya lang naman yang mga animal na yan sa akin eh." Sabi ni Marcus na siyang unang nag-asawa sa kanilang magkakaibigan.


"Ganon talaga Delgado, follow the leader daw eh." Natatawang komento ni Hugo.


"Teka sino ba kaseng nililigawan mo?" Tanong ni Bullet kay Clark.


Tiningnan ni Clark si Bullet. "Si P-princess.." alanganing sagot niya, pero napatingin siya sa kaharap ng makarinig ng pag-kasa ng baril.


"Ulitin mo nga." Si Rios na nakahawak na nga sa baril at nakatutok pa kay Clark.

"Anong si Princess? Si Princess namin?" Tanong din ni Arkanghel.


"Umayos ka ng sagot Clark at baka hindi ka na humihinga paglabas mo ng kuwarto na to'." Si Azul na ngayon lang nagsalita.


Pilit tumawa si Clark, ngayon alam niya ng hindi pa talaga puwedeng malaman ng mga kuya-kuyahan ni Princess na balak niyang ligawan ang dalaga dahil malalagot pala talaga siya. At tama nga ang doktora na nakilala niya sa ospital, mukhang kailangan niya munang gumawa ng huling habilin bago niya ipaalam sa mga kaharap na gusto niyang ligawan si Princess.

"Biro lang, kayo naman masyado kayong seryoso." Biglang bawi ng binata bago ininom ang hawak na beer na tinatantsa pa din ang mga reaksyon ng kaharap niya.


"Seryoso talaga kami Clark pagdating kay Princess kaya wag kang magbiro tungkol sa kanya." Si Bullet na halatadong sineryoso ang sinabi ng binata.

"Bilang mga kuya ni Princess gusto namin na makilala ng husto ang kung sino mang may planong ligawan siya." Ani ni Gael.

"Tama! At hindi yon basta-basta dahil para na namin siyang bunsong kapatid." Sabi din ni Maximum.


"So let me ask you again Clark, kaya ba gusto mong mag-resign sa trabaho kay Princess dahil gusto mo siya at siya ang gusto mong ligawan?" Si Marcus na nakatingin ng maigi sa kaibigan. Nagsabi kase ito sa kanya kanina na magre-resign nga daw sa trabaho kaso hindi naman niya alam kung bakit.


"Okay, I'll tell you then. Yes, kaya ako magreresign kay Princess bilang personal assistant niya dahil gusto ko siyang ligawan." Matapang na sabi ni Clark pero hindi pa siya ulit nakakapag-salita ng bigla siyang suntukin ng malakas ni Bullet.




M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now