CHAPTER 07

9.5K 351 60
                                    



Nasaan yung M.A series 09 and 10? Wala pa, paulit ulit na tanong nakakainis sagutin. Ito muna inuna ko dahil gusto ko, wag niyo ko imemessage na feeling sinusuwelduhan niyo ko tapos aawayin niyo ko dahil  di nyo makita yung 09 and 10. Gusto niyo kayo magsulat, mas excited pa kayo sa akin eh.




  Isang masayang sabado ng gabi ang nagaganap sa Gallego shipping lines, lahat silang magkakaibigan ay halos naroon. Minsan na lang din kase sila magsama-sama katulad ngayon dahil na din may sari-sarili ng pamilya.

"We should not stay all together like this.." sabi ni Marcus na pinapanood ang mga anak nila na naglalaro sa isang korner ng restaurant. Alas nuwebe pasado na ng gabi pero gising pa ang mga anak nila, hinayaan na lang din nila ang mga ito maglaro.

"Why? Minsan lang tayo mag-bonding ng ganito tapos kokontra ka pa." Sabi ni Gael.

"Kapag pinasabog kase itong barko mo ubos tayong lahat." Sabi ni Marcus na nakatingin kay Maximum.

"Siraulo! Paanong pasasabugin? Eh nakasunod nga yung yate mo at yate nitong si Samuel." Sagot naman ni Maximum, literal na nakasunod ang yate ng dalawa niyang kaibigan sa barko niya na sakay ang mga bodyguards ng mga ito.

"Napapraning na naman si Delgado.." sabi ni Hugo na nagbukas ng beer.

"Hindi yon ka-praningnan no! Tsk, sino bang nag-imbita sa panget na to?" Ani ni Marcus na nakatingin kay Hugo. Natawa naman si Rios ganon din si Arkanghel na kampi niya kapag binubwisit niya din ito.

"Yan, yan gumanyan-ganyan kayo sa akin kaya pati si Princess ganyan na din ang tawag sa akin." May inis sa boses na sabi ni Hugo. "Shit! Paxter no!" Malakas na sabi niya ng makita niyang nakikipag-away ang tatlong taong gulang na anak kay Wylie na anak naman nitong si Rios. Tiningnan niya si Rios na parang walang pakialam at nagkibit balikat pa.


"Hayaan mo ang mga yan, malamang pinagtatanggol lang niyang anak mo yung ate niya kay Wylie." Sabi naman ni Rios.

"Anong hayaan? My wife will gonna kick me if he knew this." At agad tumayo si Hugo para awatin ang mga anak nila, nasa bar kase ang mga asawa nila na kahit ayaw naman nila ay wala silang nagawa dahil kung hindi sa roof deck sila ng barko matutulog. Kung dati siya ang mas nasusunod sa pagitan nila ni Ara iba naman na ngayon dahil siya na ang madalas sumunod dito.


"You're son is really fond on Ayla.." sabi ni Arkanghel na nakatingin sa umiiyak na ngayon na panganay na anak ni Hugo.


"I know, ewan ko sa batang yan gustong-gusto laging binubwisit yang anak ni Hugo." Ani ni Rios na tumungga ng beer.

"Naku mahirap yan Rios baka kayo pa ang maging mag-balae ni Hugo." natatawang komento ni Bullet pero mabilis siyang nabato ng kaibigan ng tansan.

"Siraulo, hindi yon mangyayari no! Ang bata-bata pa ng anak ko, tsaka ayoko maging balae ang Hugo na panget na yan." Sikmat ni Rios kay Bullet, nang bigla namang dumating si Princess na halatadong nakainom.

"Princess!" Tawag ni Marcus.

"Ano? Lasing na?" Si Samuel na napapailing.

"I'm sure nilasing na naman yan ng mga ate niya." Si Maximum na napapailing din.

Lumapit ang dalaga at humawak sa balikat ng kuya Bullet niya.

"Ihatid mo na yan Clark sa kuwarto niya, hindi naman yan nainom eh." Sabi ni Rios na tiningnan ang binata na katabi ni Marcus.

Tumayo naman si Clark at mabilis na inalalayan si Princess.

"W-wait, wait wait!" Humawak si Princess sa kamay ni Clark at tiningnan ang mga kuya niya. "Paki tali po yung mga asawa niyo mga kuya shabi nila chill drink pewo sinunod-sunod nila ang bigay sa akin ng alak."

Nagtawanan naman silang magkakaibigan, they all knew that Princess is very easy to get drunk like now. Kaya nga hindi nila ito hinahayaan na mag-inom mag-isa.

"Hayyys hindi ka pa din kase dapat uminom, tumanggi ka dapat." Sabi ni Azul.

"Si ate Amethyst ang pasimuno kuya Rios taposhh si ate Lizzeth tsaka si ate Ara."
Kuwento pa ni Princess bago tumingin kay Azul. "Yung kashama mo kuya Blue nasha clinic."

"W-what? Sino? Si Lorraine? O si Mandy?" Napatayo naman agad si Azul dahil sa sinabi nito.

"Basta check mo na lang doon kuya.." mabilis naman umalis si Azul at tumungo sa may bar area na nasa kabilang side nila. Mas hinapit naman ni Clark ang dalaga, gusto niyang matawa sa itsura nito na parang nagsusumbong ngayon at parang naargabyado.

"Oo na, pagsasabihan ko mamaya si Amethyst Princess but now magpahinga ka na. Go now Clark dalhin mo na yan sa kuwarto niya at baka mag-drama pa yan." Sabi ni Rios, noong huling nalasing kase ito ay literal na dinramahan sila ni Princess. She really cried and saying thank you again and again.


"Sige, babalik na lang ako dito." Tipid na sabi ni Clark at tsaka iginiya ang dalaga papunta sa 2nd deck ng barko kung nasaan naroon ang mga nirenta nilang kuwarto.

  "My god my head is spinning Zayne.."

"Z-zayne?" Nagulat ang binata ng tawagin siya ni Princess sa second name niya sa unang beses.

"Who else, ikaw lang naman ang kasama ko, tsaka Zayne din naman talaga pangalan mo diba. Ugghh may kasalanan ako." Parang bata na sabi ni Princess.

Inayos naman ni Clark ang puwesto nito sa kama at hinubad ang suot nitong tsinelas, namumula ang pisngi ni Princess tanda na lasing nga ito. "Anong kasalanan naman?"

"Finlying kick ko yung kasama ni kuya Azul na kausap mo kanina."

"W-what? Inano mo? Si Lorraine?"

"Tsk, alam pa talaga yung pangalan ng chararat na yon eh. Basta nainis ako sa kanya dahil kanina lang naman kayo nagkakilala pero feeling niya yata kilalang-kilala ka niya na at sige ang kuwento niya kanina tungkol shayo sa amin." Nahihilong kuwento ni Princess.

"Bakit mo naman ginawa yon ha? Matulog ka na at pupuntahan ko siya." May pag-aalala sa boses ni Clark, nakakahiya kapag nagkataon lalo pa at si Azul ang nagpakilala ng babae sa kanya tapos itong boss niya may ginawa pa lang kasalanan.

Pero mabilis naman hinila ni ng dalaga si Clark hanggang sa mapahiga ito sa tabi niya.

"No way! Dito ka lang." Iniyakap pa nito ang braso sa katawan ng binata. "Subukan mo lang umalis sa tabi ko Zayne tatanggalin kita sa trabaho bukas at ako mishmo bubugbog sayo." Pananakot niya dito bago hilahin ng antok.


"Shit!" Napamura na lang si Clark sa puwesto nilang dalawa. Princess is hugging him tightly, nakasiksik din ito sa katawan niya. He took a deep breath and calm his self, mukhang hindi na siya makakabalik sa restaurant nito.

#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now