CHAPTER 41

9.6K 336 40
                                    




Alas sais pa lang ng umaga ng magpasundo si Princess sa isa pa niyang driver dito sa Pampanga. It's confirmed, nasa Baler talaga si Clark gaya ng sinabi sa kanya ng kuya Hugo niya kagabi. She was awake all night to wait on the call of her driver, buti na lang talaga at mabilis lang din ang biyahe papunta doon kaya naman nakarating ito agad.  And now she's heading to her kuya Marcus resort, pero syempre alam niya na alam din ng iba pa niyang kuya kung nasaan si Clark. Pero ang tanong bakit hindi ng mga ito sinasabi sa kanya?


Pogi na masarap pa group:

Princess: good morning sa mga kuya kong pogi🤗

MarcusD: morning Princess😴

Riospogi: morning @princess, basta 'ko pogi akong nagigising araw-araw. Good morning ulit pwera na lang kay @hugo panget😂

Princess: @riospogi grabe ka naman kay kuya Hugo.


Riospogi: @princess totoo naman ah, panget naman talaga si @hugopanget 🤭😂😂

ArkanghelY: ang aga-aga tunog ng tunog cp ko😑 morning😴 Masakit ang ulo ko, hindi na talaga ako iinom.

Bulletfierro: @arkanghelY kwento mo sa pagong😂😂


Linggong-linggo asaran pa din talaga sila ng asaran hanggang gc. Pero dapat ko na talagang malaman ang totoo, pero sana lang sabihin nila ang totoo.


Princess: mga kuya kong pogi may tatanong pala 'ko😊


Gaelhidalgo: magandang umaga! Anything, basta wag lang sa math @princess


Princess: I need an answer, and I know alam niyo kung ano ang sagot sa itatanong ko. Nasaan si Clark?

ArkanghelY: left the group

MaximumG: left the group

SamuelD: hasta lavista baby!

SamuelD left the group

GaelHidalgo: kailangan ko na palang bumangon, mag-iikot pa pala ako sa hacienda ko. Bye muna!

Gaelhidalgo left the group


Princess: 🤔 @kuya riospogi @bulletfierro @marcusD bakit sila nag left the group?


"MarcusD: have a blessed sunday, matutulog muna kami ni Amara ulit.

MarcusD left the group

Bulletfierro: same, same matutulog muna ko, masakit din ulo ko.

Riospogi left the group


Bulletfierro: tangina inunahan pa talaga ako ni Sandoval. @princess tulog muna ko ulit, see you when I see you!

Bulletfierro left the group




Princess turned off her phone after her kuya's leave on their group chat.


See, they really knew it! Pero ang tanong ay kung bakit hindi nila sinasabi sa akin ang totoo! Sumandal na lang ako sa upuan, I can't wait to see Clark at tulad ng mga kuya ko lagot din siya sa akin!


  Baler..

Muling tiningnan ni Clark ang pintuan na pinasukan niya, nananaginip ba ako? Tanong niya pa sa sarili at tsaka muling tiningnan ang babaeng nakatayo sa loob.


"P-princess?"



Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, Clark look so hot right now, wala itong suot na pang-itaas at tumutulo sa katawan nito ang tubig. Ito na nga ba yung sinasabi kong epekto sa akin kapag naririnig kong nag-uusap sila ate Ara at sila ate Amethyst na masarap daw ang mga forty years old, pati tuloy ako ay nag-iiba na ang tingin kay Clark. Halos kalahating oras na akong naghihintay sa kanya at nakausap ko na din dito ang caretaker nila kuya Marcus at ate Amara na si Martina. Nandito nga talaga ang Castillon na to' at tinataguan ako! "H-hi!" Bati ko sa kanya sabay ngiti bago ko siya sinuntok sa mukha.



"Shit, Princess!" Napaatras ang binata sa lakas ng pagkaka-suntok sa kanya ng dalaga. Hindi niya inaasahan yon lalo na ang makita ito dito ngayon.



"Siraulo ka! Nandito ka lang pala sa resort ni kuya Marcus tapos ako text ng text sayo at tawag ng tawag pero hindi mo man lang magawang replayan!" Sabi ko sa kanya sabay amba ng kaliwa kong kamao para suntukin siya ulit.


Agad naman hinawakan ni Clark ang kamay ng dalaga. How come her dainty hand can punched him like that? Tangina masakit yon ah! "A-anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?"



Nag-isang linya ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Anong bakit nandito ako? Malamang sinundan kita! Bakit masama ba na puntahan kita dito?"




Napahawak si Clark sa kanyang beywang at tiningnan ang dalaga. Alas nuwebe pa lang ng umaga at kung umaalis ito mula sa Antipolo papunta dito ay malamang madaling araw ito bumiyahe. Pero ang tanong paano nalaman ni Princess na nandito siya? "Bakit ka nga nandito? Alam ba nila Bullet at Marcus na nandito ka?"




Napataas naman ang kilay ko. "So alam pala ni kuya Bullet at kuya Marcus ang tungkol dito? Wala silang sinabi sa akin kahit ilang beses pa akong nagtanong."



Napabuntong hininga lalo si Clark, "Kung hindi nila sinabi sayo na nandito ako, paano mo nalaman?" Nag-usap silang tatlo at pinag-usapan nga nila na walang ibang makakaalam na dito muna siya pansamantala sa resort ni Marcus.



"Nag-inuman sila kagabi kila kuya Gael tapos nasa bahay ako nila kuya Hugo kagabi at dahil lasing siya sinabi niya sa akin na nandito ka."

"Sa bahay nila Hugo? Diba sa Pampanga yon? Anong ginagawa mo doon?"



"'Nagpaturo ako kay ate Ara mag-drive, wala kaseng ibang magtuturo sa akin. Tsaka teka nga, wag mong ibahin ang usapan Clark so bakit nga hindi mo sinabi sa akin na aalis ka pala?"



"H-hindi ko naman kailangan ipaalam lahat sayo ah." Seryosong sabi ni Clark.



"Bakit hindi? Eh diba nanliligaw ka sa akin? So dapat alam ko pa din kung saan ka nagpupupunta." Hindi din papatalo na sabi ko.



"Eh bakit nga nandito ka? May nangyari ba sayo? Sa kompanya mo? Ano? Magagalit si Bullet kapag nalaman niyang nandito ka." Sabi pa din ni Clark, he need to call him as soon as possible so he can tell that Princess is here.




Bakit parang ayaw niya na ko makita? "Sabihin mo nga, may tinatago ka ba sa akin? ayaw mo ba 'ko makita?"



"Yes, I don't want to see you anymore Princess, kaya umalis ka na." Sabi ni Clark.





#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon