CHAPTER 03

11.8K 361 18
                                    




Sa mga nagpopost sa wall ko at nag ppm kung bakit daw wala ang ibang chapter ng iba kong story, again inalis ko talaga dahil sa mga nagsosoft copy.



Sa isang subdivision sa Antipolo nakatira si Princess kung saan kita ang view ng Metro manila. Clark just stayed silent when Princess talked what the do's and don't inside of her house. May mga kasama naman pala doon ang dalaga, dalawang maid at tatlong driver na magiging security na nito doon. He stayed next on her room, ayaw pa nga sana niya dahil hindi magandang tingnan lalo pa at boss niya ang dalaga pero si Princess na mismo ang nagpumilit lalo pa at wala ng matutulugan sa maids quarter nito.

"Ay abs!" Nagulat pa ako ng makita kong walang pang itaas na damit si Clark paglabas ko ng kuwarto. My god nagmumura ang abs niya!
It's only seven in the morning, at nag-aayos na ako para sa pagpasok ko sa kompanya at mag-aalmusal nga muna sana ako sa ibaba.
Ito na ba yung sinasabi ni ate Ara na pandesal? Wahhh gagi pang-mukbang yata ito!

"Hi. Good morning, sorry nilabhan ko kase yung damit ko kagabi." Tipid na sabi ng binata ng makita si Princess.


Para namang naestatwa ang dalaga at sinusuyod pa din ng tingin ang kabuuhan ni Clark.


"O-okay lang.." akala ko sa braso lang siya may tattoo pero hindi lang pala doon. May tattoo din pala siya sa dibdib, ang hot!

"Really? Salamat!"

Ano daw? "T-teka! Hindi pala okay! Hindi ka puwede magpalakad-lakad dito sa bahay ko ng ganyan." Bigla kong pagtataray sa kanya, buti sana kung ako lang ang makakakita kaso may dalawa din akong maids no! Wait, ano ba itong sinasabi ko?

"Don't worry bibili ako mamaya ng mga damit." Ani ni Clark na papasok ulit sa kuwartong tinutuluyan niya.

"Get ready, mag-aalmusal lang ako saglit at papasok na ko sa company." Yon lang at bumaba na ko ng hagdan, this is not the first time I saw a man topless. Lalo na kung pumupunta kami sa isla ni kuya Bullet at nag-swiswimming doon. Madalas kong makita na walang damit ang mga kuya ko pang-itaas pero kuya ko naman sila kaya ayos lang. Pero kanina bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na hubad baro si Clark? And now I got curious about him, si kuya Marcus at kuya Bullet lang ang nakakakilala sa kanya pero the rest ng mga kuya ko ay hindi. So saan kaya siya galing?


Princess was busy attending a meeting all day. Hindi na nga niya nagawang makapag-tanghalian dahil sa dami ng trabaho niya at kailangan pirmahan. Kung siya lang mabubuhay naman siya kahit hindi na siya magtrabaho. Her parents leave tons of money for her, idagdag pa ang iba't-ibang property na legal ng nailipat sa pangalan niya pagtungtong niya ng disi otso dito sa bansa at sa Japan. But her kuya Bullet remind to her that thousands of employee is hoping that she can make their company rise again after her parents death. Kaya kahit nahihirapan ay kinakaya niya pa din. Sobrang laki lang talaga ng pasasalamat niya at ang kuya Bullet niya ang halos katulong niya sa pagpapatakbo ng negosyo, wala naman siyang ibang matatakbuhan kung hindi ito. Isa pa, lagi niyang naiisip na kung ibang tao siguro ay baka pinag-samantalahan na ang kayamanan na meron siya.

"Hmmnn.. puwede bang magpaalam?" Basag ni Clark sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Tiningnan niya si Princess mula sa rearview mirror, her name is Princess and her looks prove it more. Napaka-sopistikada ng dalaga manamit at akala mo talaga ay totoong prinsesa. Pero sabi sa kanya ng kaibigang si Marcus ay sa likod ng maamo nitong mukha ay ang makulit naman nitong ugali.

"For?"

"Pagkatapos kitang ihatid sa bahay niyo ay kung puwedeng umalis ako? Kailangan ko lang bumili ng mga gamit ko."

"Sure, sure! Saan ka ba pupunta?"

"Sa M.D mall." Tipid na sagot ni Clark matapos makabit ang seatbealt.

"Sa mall ni kuya Marcus? We can go now if you want, wala naman akong gagawin pagdating sa bahay." Tiningnan ko pa ang rilo ko, alas singko pa lang ng hapon at maaga pa nga.

"Your serious? I can drop you home first.."

"Nahh don't mind me, I want to go with you.."

Lihim na napapangiti si Clark habang pinagmamasdan si Princess na naglalakad sa unahan niya. All of the employee they passed by knew her, mukhang maging dito sa mall ng kaibigan niya ay kilalang-kilala ito at magiliw na binabati ng mga empleyado.

"Everyone knew you.." sabi ng binata habang papasok sila sa department store.

"I guess so, na-wanted kase ako dito sa mall ni kuya marcus noon." Natatawa kong kuwento, I remembered when the time I got caught here for shop lifting. Kuya Marcus was fumming mad at me that time lalo pa at dinala talaga ako sa presinto. Pero syempre dinaan ko lang sila sa lambing at paawa effect lalo na si kuya Rios na kulang na lang ay hindi ako tulungan noon sa presinto.

"Na-wanted? What you mean?"

"Long story, come on tutulungan kitang pumili ng damit mo." At tsaka ko siya hinila papunta sa men's section.

Clark became busy looking clothes inside of the department store. May binigay si Marcus sa kanya na card kung saan ipapakita niya lang daw yon sa cashier. It's like an atm card though it have initial of his name. Lahat daw ng may shareholders sa mall ay may ganon kaya tinanggap niya na lang din.


"Boyfriend niyo po ma'am? Naku ang pogi po parang si sir Marcus lang." Sabi ng babaeng manager na katabi ni Princess.

"Huh? He's not my boyfriend, personal assistant ko siya." Sagot ko naman habang nakatingin din kay Clark.

"Ay ganon po ba ma'am? Akala ko po boyfriend niyo. Bagay pa naman kayo." May panghihinayang sa boses na sabi ng babae.

Bagay kami? Ni Clark? Hindi nga? But he's only my assistant at isa pa kakakilala ko lang sa kanya kahapon.

Matapos makapamili ay agad din silang umalis ng mall. Clark just bought few clothes for him and other personal things. Wala naman kase siyang dinala na kahit ano paglabas niya ng kulungan.

"Kuya Marcus didn't say to me that you are also have a share on his mall." Sabi ko sa kanya habang nasa biyahe kami pauwi, it's traffic as usual.

"Ganon ba? Hindi ko naman din kase kinukuwento sa iba. Sila lang ni Bullet ang nakakaalam."

"I see, I do have also shares on M.D mall so meron din akong card na katulad ng sayo." I saw his vip card earlier with the initial of his name, yung kanya nga lang ay kulay pula at ang akin naman ay kulay pink. That card is exclusively for those person who have shares on kuya Marcus mall. "Paano kayo nagkakilala ni kuya Marcus? Lahat silang magkakaibigan ay kilala ko pero si kuya Marcus at kuya Bullet lang ang nakakakilala sayo."


Napangiti si Clark, now his boss is already curious to him. "Magkasama kami dati ni Marcus.."

"Really? Saan? Sa business din?" Tanong ko pa, aba kung negosyante pala ang Clark na ito, eh bakit siya ang ginawang personal assistant ko ni kuya Marcus?

"Nope, magkasama kami ni Marcus sa kulungan."

"W-what?" Nabigla ako sa sagot niya. "You mean bagong laya ka ganon?"


"Oo, nakulong ako ng sampung taon pero mas nauna sa akin si Marcus makalaya." Kuwento ni Clark, natural lang na magtatanong ang dalaga tungkol sa kanya dahil trabahante siya nito.

"Pero nakulong si kuya Marcus sa kasong hindi niya ginawa. And you? Anong kaso mo bakit ka nakulong?"


Tiningnan ni Clarkang dalaga na nakaupo sa kanyang likuran, naka-stop sila ngayon dahil red light. "Hindi ba sinabi sayo ni Marcus?" Tanong niya muna kay Princess.

"Hindi ako magtatanong kung sinabi sa akin ni kuya Marcus o kaya ni kuya Bullet. So bakit ka nga nakulong? Anong kaso mo?"


"Rape, I got sentence for 10 years because of rape case.."



#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaKde žijí příběhy. Začni objevovat