CHAPTER 39

8.9K 311 30
                                    




Unedited..


Delgado company..

"Oh Princess what your doing here?" Sinenyasan ni Marcus ang kanyang lalaking secretary na lumabas muna ng opisina niya. "Diba may pasok ka? Bakit nandito ka?" Sunod niyang tanong dito, alam niyang may meeting ang dalaga ngayon kasama ang ibang opisyal sa kompanya nito.

"May itatanong kase ako kuya, pero anong nangyari sayo? Bakit may pasa ka sa mukha?" Napakunot noo ako at hinawakan ang pisngi ni kuya Marcus.

"Wala lang to'"

"Weehh napano ka nga kuya? May nakaaway ka ba?"

Yung kuya Bullet mong abogado Princess, pero itong pasa ko ay galing sa ate Amara mo na inupper cut lang naman ako. "Wala lang nga, so bakit nandito ka nga? You should be on your office not here."

"Itatanong ko lang kase sana kung alam mo ba kung nasaan si Clark? Hindi ko kase siya makontak simula pa noong nakaraan."

"S-si Clark? Aba malay ko, hindi naman kami laging magkasama kahit magkaibigan pa kami." Pagdadahilan ni Marcus.

"Pero kuya imposible naman na hindi mo alam kung nasaan siya kase magkaibigan kayo eh, diba tinulungan mo pa nga siya makahanap ng townhouse niya?"

"Oo nga pero busy din naman ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko alam kung nasaan ba siya."

"Si kuya Bullet kaya? Alam niya kaya kung nasaan si Clark?" Pagbaba-kasakali ko pa.

"Not sure, try mo siyang tawagan pero hindi yon magpapakita sayo nabugbog yon ni Elaine eh." Nakangiting kuwento ni Marcus, naalala niya pa kung paano napasalampak si Bullet sa sahig sa lakas ng sipa ng asawa nito. At syempre vinideohan niya muna bago niya tinulungang tumayo.

"Tsk, baka may ginawa na naman yong kalokohan kaya nakatikim kay ate Elaine. Sige kuya aalis na ako, subukan ko na lang din ulit tawagan si Clark."



    Few days passed, Princess became busy on her company and that's her every routine, house and company. She still don't have any idea also why Clark is still not answering her call o kung nasaan ba ito.  Ang kuya Bullet niya ay hindi din niya makontak para sana tanungin at ng puntahan niya naman ito sa Laguna ay wala ang mga ito doon maging ang ate Elaine niya. Nagpunta pala ang mga ito sa Subic para magpalipas ng ilang araw doon.

Furukawa company..



"Ang taas ho ng sales natin ma'am!" Masayang sabi ng secretary ni Princess matapos iabot ang weekly reports ng sales ng Furukawa company.




Napangiti ako, paanong hindi lalaki ang sales? Eh nagbigay ako ng discounts sa mga regular costumers ng company ko, at maging sa mga bagong bumibili ng textiles ay nagbibigay din ako ng discounts. At walang alam si kuya Bullet dito dahil nga halos isang linggo na kaming nagkikita. Pero pinag-aaralan ko pa din naman hanggang ngayon, kahit maliit ang pinaka-kita na nakukuha basta nauubos naman ang pino-produce ay ayos na din kesa naman matetengga ang mga tela sa production site dahil sobrang mahal ng benta. And of course I know this kind of strategy is effective, aanhin mo naman ang malaking patong sa isang produkto kung matagal naman nabibili, kaya doon na lang ako sa medyo mura pero mabilis naman ang pagka-ubos ng produkto.



  "Ma'am mukhang wala pa din hong tao." Magalang na sabi ng bodyguard ni Princess pagsakay nito ulit sa sasakyan.


"I guess so, sige ho manong dumiretso na lang tayo ng uwi." May dissapointment sa boses na sabi ni Princess bago muling tiningnan ang townhouse ni Clark, pinuntahan ulit niya ang bahay ng binata para sana alamin kung nandito na ito pero wala pa din pala. Hindi niya na tuloy maiwasang mag-isip na baka tinaguan na siya ni Clark dahil naangkin naman na siya nito.




Pagod na sumandal siya sa upuan ng sasakyan, I miss him, I miss Zayne so much..



   Nagtawanan ng malakas ang magkakaibigan habang nasa garden sila ng bahay ni Gael sa Paraiso habang nagkukuwento ang abogadong si Bullet Fierro. Rios, Bullet, Marcus, Hugo and Akanghel went there. Sabado ng hapon kaya naman pare-pareho silang walang pasok sa kanilang mga trabaho. Mula kase ng makapag-asawa silang lahat ay nilaan na nila ang weekends sa mga sari-sariling pamilya at kung may iba pa ba silang lakad na pupuntahan. Katulad ngayon ay nagkita-kita na naman sila.



"Kaibigan? Kaibigan ba tawagin yung inuna pa akong videohan bago 'ko tinulungang tumayo matapos sipain ni Elaine?" Himutok ni Bullet habang nagkukuwento sa mga kaibigan na kaharap niya.



"Syempre kayang-kaya mo naman yung sipa ng asawa mo, para namang unang beses lang yon sayo ginawa.  Tsaka hindi ko naman sinasadya na videohan ka eh." Nakangising sabi ni Marcus, hindi na makikita ang mga pasa nilang dalawa ni Bullet sa mukha noong magsuntukan silang dalawa at nadala sa presinto. Dahil halos isang linggo na din ang nakakalipas ang nangyari sa mansyon niya sa Tagaytay.



"Tsk, hindi sinasadya? Siraulo ni hindi mo nga inawat man lang si ganda!" Muli na namang reklamo ni Bullet, unang beses lang sa kanya nangyari na napa dugo ni Elaine ang ilong niya at dahil pa yon sa pag-sipa sa kanya.



"Umilag ka kase dapat." Sabi naman ni Arkanghel na kanina pa pinipigilan ang pagtawa.



"Kaya nga, dapat naging alerto ka sa puwedeng gawin ng asawa mo." Si Rios na tawa din ng tawa mula pa kanina.



"Wow, iiwasan ko? Tapos lalong magagalit sa akin si ganda kung ginawa ko yon." Dapat yata talaga hindi ako nagpunta dito eh, ako na naman pulutan nila sa asaran.



"But atleast ayos na kayo diba." Sabi ni Gael.



"Yes we're okay already but I know my wife is still pissed on me. At sinabihan niya 'ko na sabihin ko na daw habang maaga pa kay Princess ang tungkol kay Clark." Kuwento pa ni Bullet, katakot-takot na paliwanagan ang ginawa niya sa asawa ng aminin niya dito ang ginawa niya at pakiramdam niya nga ay nasa korte siya habang kausap si Elaine. His wife said to him that they don't need to bother what ever Princess decision while Clark is "courting" her. Hindi na daw dapat na pinang-hihimasukan niya pa ang buhay pag-ibig ng dalaga. Pero ano bang magagawa niya? He really cared so much on Princess.  



"Basta ako labas na 'ko diyan, ayoko na mangialam." Sabi naman ni Hugo, mahirap kase kapag nagiging pakilamero ka nadadamay ka.



"Wag kami Hugo alam namin ni Bullet na ikaw nagsabi kay Amara na magkasama kami pauwi sa bahay kaya hindi din niya pinauwi si Elaine." Sabi ni Marcus, si Montero talaga yung isa niyang kaibigan na kapahamakan ang dala lagi eh.




"Hindi ko lang napigilan tsaka  malay ko ba na magkasama pala sila." Pagdadahilan ni Hugo.


"Susss, Hugo panget na nga, Hugo chismoso pa!" Pang-aasar ni Rios bago binato ng tansan si Montero.



Baka hindi ako makapag-update bukas sa patreon at vip may lagnat si author.



#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon