CHAPTER 40

9K 310 23
                                    




Short update, puro naka draft pa😅 tsaka nilalagnat pa din ako.




"Hala ate Ara lasing si kuya Hugo!" agad namin siyang inalalayan para makaupo muna, akay-akay siya ng isa sa security niya. Alam kong galing siya kila kuya Gael sa Paraiso dahil wala naman siya kanina dito ng dumating ako.


"Anong ginagawa mo dito Princess? Kung shaan-shaan ka talaga nakakarating."


"Ang lapit-lapit lang naman ng Pampanga kuya tsaka puwede naman akong makitulog dito ah." Sabi ko sa kanya, it's saturday and it means I don't need to go on my company. Wala din naman akong Clark na aabalahin so much better kung maki sleep over ako ngayon at dito nga ako kila ate Ara magpapalipas ng weekend, tsaka nagpaturo kase ako mag-drive kay ate Ara kaya nagpunta talaga ako ngayon dito hindi kase ako konportable kung sa mga driving school tapos ang ending pa ay nababangga ko yung mga sasakyan habang nagpa-practice ako. Pero kapag si ate Ara kase pinapayagan niya ko gamitin yung mga sasakyan ni kuya Hugo pero itong si kuya Hugo ay naku napaka-damot pero hindi naman makapalag sa asawa niya.



"M-may shashabihin ako shayo Princess pero heto secret lang ha." Lasing na sabi ni Hugo sa dalaga, nalasing talaga siya ng husto dahil ang siraulo niyang kaibigan na si Gael ay pinainom sila ng tuba! Yes and of course all of them are not used to drink that kind of local drinks puwera na lang sa walanghiya niyang kaibigan na si Rios na sanay uminom nu'n maliban kay Gael. Yon kase ang pinapainom din sa kanya kapag umuuwi sila ni Ara sa bahay ng mga magulang nito sa Isabela.



"Ay naku kuya kung tungkol sa kapogian mo yan itulog mo na lang yan." I can imagine what he will going to say to me at ibibida na naman niya kung paano nahulog si ate Ara sa kanya. May pagka-bida bida pa naman itong si kuya Hugo kung magkuwento. Sinenyasan naman ako ni ate Ara na aayusin daw muna yung kuwarto para makatulog na doon si kuya Hugo.


"Nahhh alam ko kung nasaan si Clark.." nakangising sabi ni Hugo kay Princess.



"H-huh?" Napalingon ako kay kuya Hugo sa sinabi niya, bumilis din ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan ng namimiss kong tao.
"What did you said kuya?" Inalog-alog ko pa ang braso niya dahil baka makatulog siya.



"Shabi ko alam ko kung nasaan si Clark, nasa reshort siya ni Delgado." Daldal pa ni Hugo bago tuluyan mawalan ng malay.




Princess didn't talked, mag-isa lang siya sa living room ng bahay ng kuya Hugo niya. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sinabi nito kanina na nasa resort ng kuya Marcus niya si Clark.



Pero anong ginagawa niya doon? Tsaka kung nandoon lang pala siya ay dapat man lang magreply siya sa mga text ko o sagutin ang mga tawag ko. At kung alam ni kuya Hugo na nandoon talaga si Clark ibig sabihin alam din ng iba ko pang kuya na nandoon siya. Pero bakit ng tanungin ko si kuya Marcus ay hindi niya daw alam? Something fishy! Baka may tinatago sila sa akin! Hinihintay niya ang ate Ara niya bumaba ulit, baka may alam din ito pero habang naghihintay ako ay tinawagan ko ang isa sa driver ko. I know where is kuya Marcus resort, at sa Baler yon pero hindi pa ako nakakapunta doon. But I have idea, uutusan ko ngayon ang driver ko na pumunta ng Baler para malaman kung nandoon pa si Clark.



Delgado company..


Magkakatabi sa loob ng conference room sina Marcus,  Bullet at Samuel. Nasa meeting silang tatlo kasama ang mga board of directors, nakumbinsi kase ni Marcus na mag-invest si Samuel sa airlines niya kaya naman kailangan din nitong umatend sa mga ganitong meeting.


"Tumigil nga kayong dalawa, we're in the middle of meeting." Mahinang saway ni Samuel sa dalawa niyang gagong kaibigan. Dapat yata hindi siya tumabi sa mga ito dahil kanina pa siya hindi makapag-focus sa nagsasalita sa harap. Paanong hindi walang tigil ang dalawa sa pag-aasaran.


"Si Marcus yung maingay pare," pabulong na sagot ni Bullet, alam naman niya na kase kung tungkol saan ang idini-discuss ng nagsasalita dahil nasabi na sa kanila yon pero kailangan lang talaga ng presensya niya dito dahil siya ang abogado ng Delgado company. Buti na lang din at wala siyang hearing ngayon kaya nakapunta siya.



"Tsk tumigil ka nga Fierro ikaw lang naman talaga ang madaldal sa atin kaya wag ka ng mahiya." Mahina din na sabi ni Marcus.



Napahawak na lang sa sentido si Samuel at pinilit na mag-focus sa nagsasalitang board of directors sa harapan nila.




"Ano nga ulit tawag mo sa akin? Yung pinang-aasar mo sa akin?" Ani ni Bullet.





"Aahh, Bullet, Bullet the abogago." Pang-aasar ni Marcus na pinipigilan ang pagtawa.



"Ahhh okay, so simula din ngayon Delgago na ang tawag ko sayo." Nakangisi din na sabi ni Bullet.



#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon