CHAPTER 05

10K 346 32
                                    


Hi. Pre order pa din ang M.A series 07 Maximum Gallego. Pm me on my fb page!




"C-can you drive? Or do I need to call my driver?" Pangalawang beses na tanong ko kay Clark, mukha kase siyang lasing na lasing at kasalanan talaga ito ni kuya Rios! Alam na ngang si Clark ang nagda-drive pero talagang inaya pa niya ng inom.

"Don't worry I can still drive, teka bakit dito ka sa harap nakaupo?" Ani ni Clark na pinagmamasdan ang dalaga.

"Eh baka maligaw tayo o kaya hindi mo alam ang pauwi dahil lasing ka."

"Tsk, iba ang lasing sa nakainom Princess. Nakainom ako pero hindi ako lasing." Paliwanag pa ni Clark habang kinakabit ang seatbealt. Pero nagulat na lang ang dalaga ng lumapit sa gawi niya si Clark.

"W-wait! A-anong gagawin mo? H-hahalikan mo ba ako? Wahhh baka ma-upper cut kita Clark!" Parang nag-hihisterikal ang boses na sabi ni Princess na ilang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ng binata.

"Silly, ikakabit ko lang ang yung seatbealt mo." Nakangiting sabi ni Clark kay Princess, natawa siya dahil sa sobrang advance nitong mag-isip.

"Ooohh o-okay.." para akong napahiya doon ng mga 70 percent. Hahalikan talaga Princess? Ganyan ka talaga mag-isip?

"Done.." sabi ni Clark matapos makabit ang seatbealt sa dalaga at tsaka inistart ang sasakyan. Now he knew why Rios also warned him about Princess.

"Puwede magtanong?" Sabi ko habang pauwi na kami, I need to talk to him. Ganon daw dapat ang ginagawa kapag lasing o nakainom ang driver dahil baka matulog ito habang nagda-driver. Ayoko naman maaksidente kami syempre.

"What?"

"N-napano yang peklat sa mukha mo? I-Im just curious Clark but if you don't want to answer it okay lang."

Nilingon ng mabilis ni Clark si Princess, she really look curious though. Naniningkit lalo ang singkit na mata ng dalaga kapag naiinis o kaya nagagalit, half japanese at half filipino si Princess at gaya ng mga nakikita niya na haponesa ay makinis at maputi din ang balat ng dalaga na parang labanos idagdag pa na maputi ito. "Nakuha ko ito nung nasa loob pa ako ng kulungan, siguro mga isang buwan pa lang ako doon." Kuwento niya.


"Nakipag-away ka? War freak ka?"

"Nope, hindi ako war freak Princess, hanggang kaya ko mag-pasensya ginagawa ko."


"Then what? Napag-tripan ka ganon? We should file a case on the person who did that to you!"

Natatawa na hinawakan ni Clark ang kamay ng dalaga, naka-red light kase kaya nakahinto sila.


"C-clark.." akma kong hihilahin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak dito at nilagay pa sa mukha niya kung saan naroon ang peklat.


"It's so grotesque right? I know I look like a monster when I had this.." seryosong sabi ng binata na pinahawak kay Princess ang ekis na peklat sa kanyang mukha. His face really don't look like before he had this, now it's became unappealing and unattractive. Nag-suggest na sa kanya si Marcus na ipa-opera ito para matanggal ang peklat pero hindi pa siya nakakapag-desisyon. "A group of men did this to me, you're right napag-tripan talaga ko ng mga sanggano sa loob ng kulungan at ng mangyari sa akin to ay doon ko nakilala si Marcus. He helped me, binugbog niya ang mga lalaki na gumawa sa akin nito."


Para tuloy akong nakaramdam ng awa sa kanya, kaya nakakatakot talaga makulong eh. Kaya pala kulang na lang sakalin ako ni kuya Rios at kuya Marcus kapag napapadpad ako sa presinto. Dahan-dahan kong hinimas ang peklat sa mukha niya, ano kayang itsura niya kapag wala ito? Siguro mas pogi ganon? "You don't look like a monster Clark, wag mong sabihin yan." Ewan ko pero mabilis ko itong kinintilan ng halik sa pisngi.

"Princess!" Kasabay ng paghalik sa pisngi ng binata ay siyang pag-busina naman ng kotse sa likuran nila. Nag-go na pala ang traffic sign kaya pinaandar niya na.


Umayos naman ng upo si Princess na parang walang nangyari, para tuloy siyang nahiya sa ginawa pero nadala lang naman siya ng emosyon at isa pa akala niya lasing talaga ito!


Halos isang oras ang inabot ng biyahe nila mula sa bahay nila Rios sa Quezon city hanggang sa Antipolo, pasado alas nuwebe na ng gabi kaya naman hindi na ganon ka-traffic idagdag pa na araw ng sabado. Pagdating ng bahay ay agad bumaba si Princess ng sasakyan, now she felt shy towards on Clark.


"Hi ate Amara!" Bati ko ng sagutin niya ang video call.


"Hi Princess? Kamusta? Bakit ka napatawag?" Ani ni Amara sa kabilang linya.

"Hmmnn.. wala naman ate, ahh manganga-musta lang."

"Naku parang kinakabahan ako sa ganyan mo, baka may ginawa kang kalokohan ah?" Pabirong tanong ni Amara.


"Wala no! Yan tayo eh nahahawa ka na kay kuya Marcus." Napa-busangot ako parang dapat yata si ate Elaine ang tinawagan ko eh.


"Eh bakit nga? Ayos lang naman kami ng mga bata. Sa isang araw pa uuwi ang kuya Marcus mo."


"May tatanong kase sana ako.."

"Hmmnn? About what?"


"May hinalikan kase ako na lalaki pero sa pisngi lang naman kaso nahihiya na tuloy ako sa kanya." Alanganin kong sabi.


"Sino naman yan ha? Naku lagot ka sa mga kuya mo Princess."


"Hala ate wag mo ko isusumbong!" Sabi na eh dapat hindi ko na lang siya tinawagan.


"Bakit mo kase hinalikan? Sino ba yung lalaki? Kilala ko ba? Taga saan?" Sunod-sunod na tanong ni Amara.


"Basta ate, hindi mo kilala!" Tama hindi ko sasabihin dahil siguradong mag-susumbong siya kay kuya Marcus.


"If you like him then okay lang pero Princess tandaan mo hindi dapat ang babae ang magfe-first move."

Ooohh I see, pero ano daw? Gusto ko? Nadala lang nga ako ng emosyon! "Okay ate I understand na.."


"Good, basta Princess sabihin mo sa amin kung may nanliligaw sayo o ano ah? And please wag ka ng gagawa ng kalokohan." Bilin ni Amara.

"Yes ate tatandaan ko." Sabi ko naman bago nagpaalam sa kanya. Siguro naman hindi big deal kay Clark yung pag-kiss ko sa pisngi niya kanina? Like duhh he's already 40 years old and he should not be old school. Tumayo na siya sa kama, maliligo muna siya bago matulog pero kakakuha niya lang ng towel ay nakarinig naman siya ng katok sa pintuan.


"Hi! Naiwan mo sa sasakyan.." sabi ni Clark sabay abot ng jacket ng dalaga.

"Ay, nakalimutan ko nga." Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at inabot ang jacket na hawak niya. "Sunday bukas at wala akong lakad so puwede ka mag-pahinga ng buong araw or kung may pupuntahan ka puwede ka umalis." Sabi ko sa kanya.

Pero wala ang atensyon ni Clark sa dalaga kung hindi sa nakita niya na nakalagay sa paanan ng kama ni Princess.
"Meron ka nun? H-how come?" Mas matangkad siyang di hamak sa dalaga kaya kita niya ang nasa loob mg kuwarto nito.


"Huh? Anong yon?"


"Yung tantra chair, alam ko kung para san ginagamit yan. Akala ko ba wala kang boyfriend?"


Para naman gustong takasan ng ulirat ni Princess sa narinig. Geeeezz binigay yon ng ate Ara niya sa kanya at ginagamit yon kapag nag-sesex!


#maribelatentastories










M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now