CHAPTER 28

9.2K 290 17
                                    

May nag-offer na naman sa akin na publishing house😅 letter p nagsisimula kaso inayawan ko. Mahirap kase talaga kapag exclusive contract wala na kong habol sa story ko.




Isang ngiti na abot tenga ang pinakawalan ni Princess ng makita niya si Clark paglabas ng kanyang kompanya. Saktong alas singko siya bumaba matapos ang isang nakakapagod at boring na araw na naman para sa kanya. Ayaw man niya pero mukhang kailangang masanay siya na wala sa paligid niya si Clark. Nag-text ang binata sa kanya kanina at sinabi ngang susunduin daw siya nito kaya excited talaga siyang umuwi. 


"Hi." Bati ni Clark kay Princess habang nakasandal siya sa bagong bili niyang motor na Ducati mulistrada V4. He feel happy now seeing his Princess, his Princess? Really Clark inaangkin mo na?


"That's yours?" I'm looking on the big bike on his back, where did he got this? Friendship na ba sila ni kuya Bullet na isa din motorcycle enthusiast?


"Yes, this is mine. Yayayain sana kitang mag-date." Parang nahihiya pa na sabi ng binata.




"P-papasakayin mo ko sa motor?" Tanong ko sa kanya, I never tried to ride a motorcycle in my life as in NEVER.  Specially this kind of big bike, well this one is kinda unique and looks so elegant. It's color red, glossy red to be exact and I like it. Ganito yung mga nakikita kong motor sa mga magazines at puwede sa mga expressway.


"A-ayaw mo ba? Hayaan mo sa susunod sasakyan naman ang bibilhin ko, ito pa lang kase nakayanan ko ngayon eh." Kakamot-kamot na sabi ni Clark, bakit ba kase hindi niya naisip kung mapapasakay niya ba si Princess sa ganito? He forgot she maybe don't like to ride on motorcycle like this, and she's a heiress of Furukawa family anyway so that explain it more.


"No! I mean, ito ang unang beses na makakasakay ako sa ganito. Kuya Bullet have a big bike too, pero never niya kong pinasakay sa ganito.  Saan to' galing?"


"Binili ko, para may magamit akong service. Second hand lang to' Princess pero pinatingnan ko muna syempre bago ko binili at maayos naman."



"Binili mo? Bakit kailangan mo pang bumili? Puwede naman kitang pahiramin ng sasakyan ko." Ani ni Princess sa kaharap.


Clark smiled, this is one thing he want to avoid. Yung isipin ng mga tao na ginagamit niya ang dalaga. Oo balewala lang ito para kay Princess at para lang wala lang dito kapag magsabi ng ganito. Pero kase  nasa Pilipinas sila na dapat ay lalaki ang bumubuhay sa babae at nagpo-provide ng mga pangangailangan, kahit pa sabihing manliligaw ka pa lang. Mostly of people think man should be provide even if you go on a date. "I bought a townhouse Princess kaya medyo naubos yung pera ko. But don't worry okay lang naman kung ayaw mong sumakay dito." Sa susunod talaga bibili na siya ng sasakyan para kahit saan puwede niyang ayain ang dalaga.



"Bumili ka ng townhouse? Saan? Puwede makita?"



"Of course you can, pero ngayon mag-convoy muna tayo para makapunta tayo sa restaurant na kakainan natin." Tinuro pa ni Clark ang driver na naghihintay din sa tapat nila sa may kotse ng dalaga.


"Anong mag-convoy? Ayoko nga! Gusto ko sumakay dito!" I want to try this of course! I saw a lot of videos of kuya Bullet and ate Elaine during their rides and it feels like they are having so much fun.
At ayoko magpahuli, gusto ko maranasan sumakay ng motor!


"Are you sure?"



"Yes! One hundred percent sure!" At tinuro ko pa ang suot ko ngayong slacks, buti na lang talaga ganito ang suot ko ngayon. Puwedeng-puwede ko sakyan si Clark, ay mali! Yung motor niya pala dahil ganito ang suot kong pang-ibaba at kahit naka-high heels pa ako ay kaya ko naman siguro.



"Then let's go.." kinuha ni Clark ang isa pang helmet na binili niya talaga para kay Princess pinaghalong kulay pink at violet yon at napakaganda naman talaga at alam niyang babagay sa dalaga.



  Sinabihan muna ni Princess ang driver niya na dumiretso na ito ng uwi sa Antipolo at hindi na sasabay pa dito dahil nga may pupuntahan sila ng binata, bago siya tuluyang alalayan makasakay sa motor ni Clark.


"Your excited.." nakangiting sabi ng binata habang inaayos ang lock ng helmet ng dalaga. Alam niyang pinag-titinginan sila ng ibang empleyado ni Princess pero wala na siyang pakialam. This might be the last time he can be with her so gusto niyang maging memorable ang huling araw na kasama niya ito. Pinasuot niya din dito ang leather jacket niya kanina at sinigurado na maayos din yon.

"I am, riding a big bike unlocked ang peg ko nito Clarky!" Excitement is all over my voice!

"Silly, kumapit ka ng mabuti okay?" Paalala ulit ni Clark ng makasakay na din siya.


"Handa naman ako mahulog para sayo Clarky boy." Pangbobola ko naman sa kanya bago ko siya niyakap  ng mahigpit.



  Sa isang roof top restaurant sa Pasig dinala ni Clark si Princess at walang isang oras ay nakarating na sila doon galing sa Marcos hi-way kung saan ang Furukawa company.



"You prepared this for me?" I asked him, I feel so speechless right now, so nanliligaw na ba talaga siya? Ganito ba siya manligaw? Nakakakilig! Parang nagpapaligsahan yung tibok ng puso ko. There's only one table here with two candles on top, napakaganda ng pagkaka-set up ng lugar dahil may mga mapusyaw na ilaw na nakalagay sa paligid. This place look so cozy, at ganito ang mga lugar na gusto ko.


"Marcus helped me on this." Kuwento ni Clark matapos igiya ang dalaga sa upuan na naroon. Matapos nilang mag-usap kagabi ni Bullet ay nakapag-desisyon na siya at yon nga ay ang layuan muna si Princess pero bago niya gawin yon ay gusto muna niyang makasama at maaya man lang na kumain muna sa labas ang dalaga na sinang-ayunan naman ni Bullet. Bullet was right, Princess still need to learn how she will run her business, and if ever he will stay on her side he will really be a distraction on her at ayaw niya yong mangyari. Gusto niya munang makitang maging stable ng husto ang dalaga, na hindi na nito kakailanganin pa ng tulong ng mga kuya nito sa pagpapatakbo ng negosyo. Tiningnan niya si Princess, mukhang hindi siya nabigo sa reaksyon nito, he rented this place for her and he can see on her eyes that she like it. 


"Nagkita kayo ni kuya Marcus?"



"Yes and siya din ang tumulong sa akin makahanap ng town house, I mean yung secretary niya." Naalala tuloy ni Clark ang walang humpay na reklamo ni Marcus sa kanya kahapon habang nasa M.D mall sila.


"Ooohh I see, so kailan mo ko dadalhin sa town house mo na yan ha?" It made me feel curious about his town house, oo nga pala wala nga pala siyang bahay kaya siguro bumili siya.


"D-adalhin?"

Tumango ako, "Oo gusto ko makita ang tinutuluyan mo."


"Hindi yon katulad ng bahay mo Princess, yung town house na sinasabi ko ay hindi malaki at madami pa doong kulang na gamit." Paliwanag ni Clark bago sinenyasan ang waiter na dalhin na ang iba pa niyang inorder na pagkain.


"Eh ano kung maliit? I don't care. Mamaya after natin mag-dinner isama mo ko doon ah? Please?" Princess even pouted her lips and made this paawa look on Clark.



Napataas na lang ng kamay si Clark na animo'y sumusuko sa dalaga. Princess is really bossy though he like it when she acting like this.


#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now