CHAPTER 23

9.8K 369 35
                                    




"Anong ginawa niyo kay Princess Bullet? Bakit siya umiiyak?" Nakataas ang kilay na tanong ni Elaine ng labasin niya ang asawa kasunod ang mga kaibigan. Princess came back on them and crying, and she's sure pinagalitan na naman ito ng mga kuya niya at siguradong pasimuno ang asawa niya.




"Oo nga, anong ginawa niyo sa kanya? Hindi iiyak yon kung wala kayong ginawa, Marcus!" Nakapameywang na tanong din ni Amara sa asawa.



"Maximum prime?" Si Lizzeth na nakasimangot at nakatingin sa asawa.



"Hugo?" Si Ara na balewala sa kanya kung mas matangkad at kayang-kaya siya isalya ng asawa.



Napakamot naman ng ulo si Clark, medyo dapat siyang matuwa dahil siguradong nag-drama si Princess sa mga asawa ng kuya-kuyahan niya but still he want to prove on them that he really want to court her and he's really serious.



"We just talked to her ganda, ito kaseng si Clark balak daw na ligawan si Princess." Sagot ni Bullet sa asawa.



"Talked to her? Eh bakit nga umiyak? Tapos ano nga? Liligawan niya?" Tinuro pa ni Elaine si Clark. "Liligawan lang pala tapos pinagalitan mo ganon?"



"Hindi naman sa ganon Elaine, iba yung pinagalitan sa pinagsabihan." Singit ni Marcus sa dati niyang sekretarya.




"Ah talaga ba Marcus? Magkaiba ba yon? Kelan pa?" Nakataas pa din ang kilay na tanong naman ni Amara, kilala niya ang asawa at alam niyang takot si Princess dito.




"Hmnn.. nasaan ba si Princess? Kakausapin ko kase sana siya." Alanganing sabi ni Clark, oo nakikita niya ang mga babaeng ito pero hindi naman siya nakikipag-usap gaya ng ginagawa niya kila Marcus. Pero ngayon parang nakakatakot pala ang mga ito magalit lalo pa at mga seryoso ang mukha na nakaharap sa kanila.



"Nasa loob, kausap ni Abigail at Brielle. Wait, liligawan mo talaga si Princess?" Tanong ni Ara.



"Yes, at sinabi ko na yon sa kanila kanina." Tukoy ni Clark sa mga lalaking naroon. "Aside on that nagpaalam din ako na magreresign sana bilang personal assistant ni Princess para maligawan ko siya at makita niyong seryoso ako."



"Ooohh how sweet naman pala." Sabi ni Lizzeth.



"Lizzeth!" Saway agad ni Maximum na napadiretso ng upo.



"Eh yon naman pala eh, so anong problema doon Bullet? Nagpapaalam naman pala itong si Clark sa inyo."



"Pero kase ganda mas matanda siya kay Princess." Mariing paliwanag ni Bullet kay Elaine at tiningnan pa talaga si Clark at sinamaan ng tingin.




"Wow nahiya naman ako sayo Bullet, eh mas matanda ka din naman kay Elaine ah." Sabi ni Amara, hindi niya talaga kasundo ang kaibigan ng asawa niya na ito lalo pa at ito ang nagbiro sa kanya noon na patay na daw si Marcus dahil naaksidente noon ang asawa pero yon pala ay pinapaamin lang siya kung mahal niya na ba si Marcus o hindi.


"See, hindi na ako ang nagsabi nu'n Bullet, si Amara na." Sabi pa ni Elaine na parang nakahanap ng kakampi. That's true, medyo malaki din talaga ang age gap nila ng asawa pero wala namang kaso sa kanya ang tungkol doon dahil mahal niya naman ito kahit pa na-shot gun wedding pa sila.



"Pare.." hingi naman ng saklolo ni Bullet kay Marcus.



"What?" May paglaki pa ng mata na tiningnan ni Marcus ang kaibigan na abogago, este abogado. "My wife was right Bullet, kumbaga sinasabi ng asawa ko na age doesn't matter. Diba wife?" Nakangiti niya pang tiningnan si Amara pero inirapan lang siya nito. See? Damay-damay talaga!




"Kanina sabi mo hindi ka basta papayag na ligawan ni Clark si Princess Marcus tapos ngayon biglang age doesn't matter age doesn't matter ka ng sinasabi?" Si Maximum na hindi naman kasali kanina at siguradong hindi siya mapapalayas ni Lizzeth sa kuwarto nila dahil nakikinig lang siya sa mga ito.



"Tumahimik ka na nga diyan Gallego, isa ka pa eh. Wala kong sinabi na ganon no!" Si Marcus na hinahawakan ang kamay ni Amara pero hinampas lang nito. Tangina!



"Listen, hindi niyo kase naiintindihan eh. Bilang mga kuya ni Princess ang amin lang gusto namin na makitang seryoso talaga itong si Clark sa kanya. Tsaka ilang buwan pa lang naman silang nagkakakilala ah." Sabi naman ni Hugo.



"So meaning slow kami ganon? Hindi kami nakakaintindi? Sabi mo kase hindi namin naintindihan eh." Naka isang linya ang kilay na sabi ni Ara sa asawa na si Hugo.



"Hindi naman sa ganon Ara, ang akin lang---"



"Susss ganon ibig sabihan niyan Ara, nagpapalusot pa talaga yang asawa mo." Si Samuel na nakangisi pero agad din yon nawala dahil binato siya ng barbeque stick ni Hugo.



Bumuntong hininga naman ng malalim si Clark bago nagsalita. "Wag niyo sanang isipin na may masama akong plano o ano pa man kay Princess, I like her at hindi ko na ipapaliwanag kung paano at bakit dahil maski ako ay hindi ko din maintindihan kung paano nag-umpisa. Basta ang alam ko gusto ko siya at plano ko siyang ligawan, isa pa nasa kanya pa din naman nakasalalay kung sasagutin ba niya ako o hindi."



"Yon naman pala eh, so anong problema natin dito Bullet? Bakit kailangan niyo pang pagalitan si Princess? Clark is asking nicely, tapos kayo kontra kayo ng kontra." May inis sa boses na sabi ni Elaine.



"Pero nga kase ganda---"


"Atleast si Clark nagpapaalam na manligaw at handang iwan ang trabaho para lang mapatunayan na totoo talaga ang nararamdaman niya kay Princess." Dagdag pa ni Elaine na hindi na pinatapos ang kung ano mang sasabihin ni Bullet sa kanya.


"Correct, hindi katulad ng iba diyan umaakyat ng bintana." Sabi pa ni Amara na nakatingin din kay Bullet, of course she knew there story. Na kaya lang naman nakasal agad ang dalawa ay dahil nahuli si Bullet ng mga kuya ni Elaine sa kuwarto nito at sa bintana nga dumaan.


"Amara!" Asik ng abogado pero agad siyang tiningnan ng masama ni Marcus na para bang sinasabi na "lagot ka sa aking letse ka."



"My wife is right pare, kung gusto talagang manligaw nitong si Clark. Eh di hayaan natin, beside I knew him. Hindi naman ito tarantado eh." Nakangiti ng sabi ni Marcus lalo pa at nakakalong na sa kanya ang asawa.


"Tsk, so kayo ano? Ganon ganon na lang ha? Kanina ang dami niyo din sinasabi diba?" Baling ni Bullet kila Hugo at Maximum.


"Basta ko labas ako diyan, nag-iihaw ako eh." Si Samuel na kumakain ng barbeque.


"Ako din no! Support na talaga ko dito kay pareng Clark." Segunda ni Maximum na nakahawak na sa kamay ni Lizzeth.


Tiningnan ni Bullet ang asawa na si Elaine, alam niyang seryoso ito ngayon at kapag nagdaldal pa siya ng daldal ay siguradong mafa-flying kick siya kahit nandito pa ang kaibigan niya. "Okay pero kakausapin ko muna silang dalawa, I'm still the guardian of Princess amd all I want for her is the best." May pagsuko na sabi niya sa asawa.



#maribelatentastories

M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now